Wednesday, June 27, 2007

.promises.

Kung nangako ka sa isang tao.. kailangan ba dapat mong tuparin? Sa kahit anong sitwasyon.. kailangan ba panindigan mo ang lahat ng sinabi mo? Wala lang naman. Napaisip lang ako. May katangahan kasi akong ginawa. Paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkawalaan na kayo? Kailangan bang tumupad ka pa rin sa usapan?

May nagsabi sa kin na kapag tapos na ang isang relasyon.. ang lahat ng mga pangako na ginawa nyong dalawa ay NULL and VOID na. Kasi tapos na. Wala nang dapat isipin pa. Move on with your life. Let go. Eto naman... paano kung wala naman kayo sa relasyon? Parehas lang ba yun? Paano kung nangako ka na kahit anong mangyari ay panunuorin nyo ang isang palabas katulad ng TRANSFORMERS? Eh ang siste, hindi na kayo nag uusap. Paano mo sasabihin bigla bigla na pinaninindigan mo ang pangako mo? "Hi, hello. Nood tayo ng sine? Busy ba U? Dito na ME eh.. " hahahhaha. Ampanget. Kung ipapaalala mo naman yung promise mo parang sasama ka lang sa kanya dahil napangako mo na. Ampanget din. Ayoko naman maging masama. I have no right to make other people feel like you are obliged to be with them. Walang taong dapat gumawa ng ganun. Ayoko rin naman na mangyari yun sa kin.

Sabi pa nga nung isa kong kaibigang adik.. Ang PRIDE ang dapat na kumakain sa yo.. Hindi mo dapat kinakain ang pride mo. Kamusta naman? Hindi rin dapat ako nakikinig sa payo ng adik di ba?

Pero eto yun.. ginawa ko dahil ayokong may isipin syang masama sa kin. Pwedeng gusto ko pa rin sya makasama. Hindi ko naman ipagkakaila yun. Yun nga lang, I don't want to go through the same shit again and I know this time if ever I will be in the same scenario like before.. I know that I know better. Sa kanya o hindi man sa kanya. Ang pangako ay pangako.. ganun ako. At kahit ano pang mangyari.. tutuparin ko.. kahit magmukha akong tanga.. dahil sa totoo lang.. alam ko sa tuwing naninindigan ako..

I AM A BETTER PERSON. Better than most of them.

Monday, June 25, 2007

.seryosong usapan 101.


May isang lalaking mapangahas ang isang beses na nagsabi sa kin isang gabi habang nakatayo ako sa isang banda at nagyoyosi.. "Hey, you'll be the perfect chick if you just stop smoking.. " Tiningnan ko sya saglit at pinilit ngumiti sabay hirit ng.. "Dude, thats the wrongest way to hit on a chick." sabay talikod. Gusto ko pa sana ihirit ang paborito kong punchline.. "Is this your idea of small talk?" pero naisip ko na sobrang gasgas na ang linyang ito at baka may nagsabi na sa kanya na madalas ko nang ginagamit ang pambarang hirit na yon at makaisip pa sya ng nalupit na comeback. Ang point ko lang.. saan ka naman kukuha ng lakas ng loob para kumprontahin ang isang tao sabay sasabihan mo ng ganun? Sa iba siguro..cute ang ganung idea.. pero sa mga taong tulad ko.. nakakaburat yun. O baka wrong timing lang sya.. ewan ko. Nag iisip kasi ako nun at nalulungkot dahil isa isa nang nag aasawa yung mga close friends ko. Hindi ko na sila makausap ng USAPANG SIRAULO.. lahat sila seryoso na.. mga seryosong plano sa buhay ng isang taong nagpapamilya. Tama ang sinabi sa kin ng konsensya o siguro yung imaginary friend kong si ESTOY na wag muna akong magche check ng friendster account dahil siguradong malulungkot lang ako. Eh ang siste.. dahil bored ako kahapon.. nag check pa rin ako. Nakita ko tuloy yung bestfriend ko na bagong kasal. Masaya naman ako dahil masaya sya dun sa mga pictures nya.. halatang in love. Pero natakot rin dahil hindi ko hawak ang emosyon nya o nung pinakasalan nya.. sa bandang huli kung magkakasakitan silang dalawa.. hindi ko sya kayang protektahan. Drama noh? Pero sa totoo lang nape pressure kasi ako pag may umiiyak sa harapan ko.. hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko masabi kung ano yung nasa isip ko.. dahil alam kong makakasakit ang mga bagay na totoo... at dahil ganun ako palagi.. hindi ko kayang balewalain ang mga bagay na totoo. Masakit man isipin pero may mga bagay talagang hindi natin kayang kontrolin. Mga desisyon na nakabase lahat sa damdamin.. puro ganun lang.. walang malupit na pagmumuni muning naganap.. basta gusto mo lang.. bahala na.

Dati.. hindi ako naniniwala sa SECOND CHANCES. Pero naisip ko na maraming beses na akong nakaranas ng mga pangyayari na kailangan ko ng pangalawang pagkakataon pero hindi na maari.. at sa mga sandaling yun.. naisip ko kung gaano ako kalupit sa iba. Dun sa mga taong hindi ko binigyan ng second chance. Mahirap tanggapin na nagpatuloy ako ng hindi iniisip ang damdamin ng iba. Kung minsan naiisip ko rin kung ano nga talaga ang nangyari kung hindi ako naging madamot at binigyan sila ng isa pang pagkakataon. Hindi ko kasi kayang masaktan ng maraming beses. Tama na yung isa.. pag walang nangyari.. hindi talaga para sa kin. Ganito ako mag isip. Sa paraan na ito ko lang alam kung paano ko mapoprotektahan ang aking sarili.

Maraming beses sa tuwing makakakita ako ng bagong mamahalin.. madalas kong itanong sa kanila.. BAKIT MO AKO NAGUSTUHAN? May mga nagsabing dahil sa masaya akong kasama, dahil sa matatag ako kahit anong mangyari, dahil sa kaya kong harapin ang bawat sitwasyon na hindi hinahaluan ng emosyon, dahil sa maayos akong mangatwiran sa mga bagay na hindi nila kayang ipaliwanag.. dahil sa... Kung mamahalin mo ba ang isang tao.. kailangan ba talagang may rason? Kailangan ba kaya mong ipaliwanag ang nararamdaman mo na parang isang SCIENCE QUESTION na kailangan ay memorized mo ang bawat linya? Paano kung wala kang makitang rason? Mahal mo nga ba talaga ang taong yun? Masaya akong kasama dahil ayokong mawala ang atensyon sa kin ng isang tao.. isa itong bagay na kailangan kong gawin. Hindi ito natural. Kailangan kong maging masaya para sa yo.. kailangan kong maging matatag para may pagkukunan ng lakas ang mga taong nakapaligid sa kin.. kung magpapakita ako ng kahinaan.. masasabi mo pa rin ba na gusto mo yun? Kailangan kong ipakita na na marunong akong magdesisyon na gamit ang isip ko at hindi emosyon dahil para yun sa mga bagay na alam kong makakabuti sa yo.. tinanong mo ba ako kung nasasaktan ako? Ang mga bagay na minahal at nagustuhan mo sa kin..ang lahat lahat yun ay hindi ako. Kaya madalas lumalakad ako ng palayo.. kahit masakit.

Bawat tao kailangan nila ng taong magmamahal sa kanila. Yung mga taong nagmamahal ng walang dahilan. Yung mga taong kapag tinanong mo kung bakit nila mahal ang kasama nila..wala silang masagot kundi BASTA.

Sa mga taong iniwan ko dahil hindi nyo ako pinili.. hindi talaga yun ang dahilan. Umalis ako dahil hindi nyo alam ang salitang paninindigan.. kung ako ang pinili nyo.. mamahalin ko kayo ng buong buo.

Sa mga taong iniwan ko dahil wala tayong pinatunguhan.. hindi ako kayo lumayo dahil hindi ko kayang maghintay. Umalis ako dahil naniniwala ako na hindi pinag iisipan ang pagmamahal.

Sa mga taong minahal ako ng buong buo.. iniwan ko kayo dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal nyo. Bagay na alam kong hindi patas kung magiging masaya kayo sa iba na mamahalin kayo katulad ng pagmamahal nyo sa kin.. isang bagay na hindi ko kayang gawin.

Sa mga taong minahal ko ngunit hindi ako kayang mahalin.. tumalikod ako dahil alam kong magiging masaya ako sa iba.

Thursday, June 21, 2007

Para sa paborito kong Uncle.



Happy birthday Tito Odeng! I will always remember how you took good care of me. You are the father that I never had. I never had the chance to say goodbye but Lord knows how much I love you. Someday we will share that bench to talk about our fondest memories. Someday...

Tuesday, June 19, 2007

LOST.

Ang sabi nila.. you can't have it all. Napatunayan ko sa loob ng mahabang panahon ay totoo naman pala ang kasabihan na yan. Matalino ako.. kaya natural lang na salat ako sa hitsurang pantao. Hindi naman ako sobrang pangit na mangagailangan ng magic kandila na ginagamit ni Anne Curtis sa KAMPANERANG KUBA.. pero hindi talaga ako maganda. Naisip ko lang bigla na baka matalino ako.. kaya ganun. Meron kasi akong classmate nung elementary hanggang highschool na kamukha nung alien sa MAC AND ME pero valedictorian namin yun hanggang sa maka graduate ako nung highschool.. hindi sya gwapo pero gwapo palagi siyang napapansin sa kanyang angking talino. Hindi naman umabot ang talino ko sa ganung level basta nakakasama ako sa honor roll masaya na ko dun dahil alam kong meron akong excuse para maglaro ng Video games. Anyway basta hindi ako maganda.. tapos ang kwento. Hindi ko nga alam kung bakit yan ang bungad ko entry na to.

Masyadong busy ang utak ko these past days. Naaburido na nga ako sa mga bagay na dapat kong asikasuhin. Una ay ang nawawala kong passport. (Kailangan kong kumuha ng affidavit of loss at kung ano ano pa).. pangalawa ay ang JOINT AFFIDAVIT na magpapatunay na wala akong MA. sa birthcertificate ko dahil kailangan kong kumuha ng DIGITIZED SSS ID kung saan may picture ako na nakasimangot malamang dahil sa sobrang haba ng pila sa SSS office. Kelangan ko ng ID dahil napansin ko na wala akong kahit anong ID maliban sa company ID at kapag nag resign ako.. wala na talaga kahit isa. Tapos kailangan ko ring mag isip ng research proposal para sa scholarship application ko next year.. gudlak naman kung may maisip pa ko. Unang una, hindi pa ko sigurado kung gusto ko nga ang mag aral sa ibang bansa. Kailangan ko ring asikasuhin ang enrollment ko para sa photography class ko next month.. eh aba! andami di ba? Feeling ko pati yung magbabasa nito ay maaburido. Sa totoo nga nyan wala pa akong nasisimulan dyan maliban sa pag iisip kung paano ko sisimulan. Gudlak naman talaga!!!

Eto ang una kong gagawin. Maglalaro ng PS2 ko at tatapusin yung TR anniversary special. Baka sakaling maisip ko rin kung paano ko sisimulan yung research proposal habang naglalaro. Bahala na.

Monday, June 18, 2007

tribute to lara croft.



LARA CROFT nuon at ngayon.

Adik ako sa video games. Yan ang napatunayan ko sa loob ng mahabang panahon. Sila ang dahilan kung bakit ako palaging late sa iskul nung bata pa lang ako hanggang sa magtapos ng kolehiyo. Sila rin ang dahilan kung bakit madalas akong absent minded sa trabaho. Wag na kayong magtaka kung bakit wala akong masyadong kaibigan.. ang totoo ay mas naaaliw akong magkulong sa kwarto kahit isang libong taon pa basta may PS1, PS2, PS3, PSP, XBOX360 o kahit nintendo WII lang. Kahit tubig lang ang kasama ko sa silid.. mabubuhay na ako nun at kung mamatay naman ako.. baka i-beso ko pa si San Pedro pag nagkita kami sa langit. Ganun kami lahat ka adik sa VG. Lumaki ako kasama ay puro mga lalaki.. ako lang yata ang babae nun sa bahay eh at saka yung mga tita ko.. feeling ko nga nagulat sila nung hindi ako tinubuan ng adam's apple nung kasalukuyang nagdadalaga na ko. Nyahahha. Pero walang stir.. halos lahat ng console meron kami. Magmula sa ATARi hanggang sa PS2.(wala pa kasi kaming pambili ng PS3 o kaya kahit Nintendo Wii) pero malapit na akong magkaroon nyan.

At dahil ang pamagat sa itaas ay tungkol kay Lara Croft.. halina't pag usapan natin si Spiderman. Dyok. Ang totoo ay para talaga kay Lara ang blog entry na to. Isa yan sa mga paborito kong characters sa video games, ang una ay si Mario. Nyahahhahah. (Uuuy.. ka-tyan ng Kuya ko yun!) Paborito ko talaga si Lara, natatandaan ko mga nasa 4th year high school ako nung una kong malaro yung Tomb Raider. Muntik na akong hindi makagraduate nun pero dahil nanalangin ako sa mga anito ni Lara Croft ay nakapasa naman ako. Ang pamagat nung unang Tomb Raider game ay TOMB RAIDER. Parang nagpatawa lang ako no? Pero kasi yung mga sumunod na TR games ay may titles na talaga. Katulad nung TR2 na ang title ay STARRING LARA CROFT.. hahahhaha. Tapos yung TR3 na ang totoong title ay THE ADVENTURES OF LARA CROFT (hahhah) pero eto seryoso na... at eto ang pinakapaborito ko sa lahat ng TR series: THE LAST REVELATION. Dito talaga ako natuwa at sana ito na lang ang ginawang story kesa dun sa imbentong pelikula ni Angelina Jolie na walang ka kwenta kwenta ang lahat ng storya. Maganda lang si Jolie.. yun ang isang bagay na nakapagdala sa pelikula.. maliban dun.. wala na akong maisip.

Ang TR ay sinimulan nung 1993 pa at natapos nung November 1996. Taong 1997 nung inilabas ito ng Eidos Interactive. Si Toby Gard (nasa mga 20s pa lang siya nun ah!) na taga Core Design ang lumikha kay Lara Croft. Ang totoong pangalan ni Lara Croft ay Laura Cruz (sa hindi ko malamang kadahilanan) pero dahil sa gusto nilang appealing sa American audience ay ginawa nila itong Lara. At nagdecide rin sila na British na lang daw dapat (hindi ko na naman alam kung bakit) kaya naging CROFT. Sa katunayan, wala naman talaga silang balak na gawing babae ang bida ng TR. Ang totoo gumawa sila ng dalawang character, isang babae at lalaki na binalak nilang gamitin ng sabay pero sa bandang huli ay naisip ng mga taga CORE na mas i-prioritize ang sandamakmak na puzzles (na sila lang minsan ang nakakaalam ng sagot) at stealth (na sila rin ang may alam kung paano gamitin) ay nagpasya silang babae na lang ang gagamitin nila pero marami ang tumutol dahil matumal daw ang benta ng mga video games kung saan babae ang bida. (Kaya siguro sumobra ang laki ng hinaharap ni Lara ay para maakit ang mga lalaking gamers na bumili lalo na yung mga lalaking ang social life ay hanggang sa pangarap lang.) Pero ang totoo kung bakit malaki ang boobs ni Lara Croft? Aksidente lang yun. Isang araw pinaglalaruan ni Toby ang graphics ni Lara sa computer ng naisip nyang palakihin ng 150% yung.. alam mo na... tapos napadaan ang mga manyakis na boss nya.. sabay sabi.. MAGALING MAGALING MAGALING! Gusto namin ang naisip mo. (Hmmm.. hapon ba ang mga nasa Core?) Aba malay.. basta yun ang dahilan. Ni relase ang TR sa Sega Saturn at Playstation pero nang kalaunan ay nakuha ng Sony ang exclusive rights para sa Playstation na lang mai-release ang lahat ng TR series. Ang talagang kasunod nung pangalawang TR sa PS ay sa GAMEBOY na release at ang pamagat nito ay hindi ko alam pero meron rin silang na release sa GAMEBOY ADVANCE na ang title ay THE PROPHECY. Naging sikat si Lara sa buong mundo. Na feature din sya sa TIME magazine at sa kung ano ano pang magazines. Naloko sa kanya sina Bono, mga ilang sikat na soccer players at ang bandang PRODIGY.. at kung sino sino pa. Pati yung kaibigan ko na napakagwapo ay naging taong grasa na kakaisip sa kanya. Marmi pa akong alam kay Lara Croft pero tinatamad na akong mag type.

Kaya para sa mga fans ng Tomb Raider kagaya ko.. ang TOMB RAIDER ANNIVERSARY ay para sa ating lahat! Laruin natin ng buong puso at kaluluwa.. nyahahhahaha.. ENJOOOOOOOOY!

Sunday, June 17, 2007

pimples, si piolo at kung ano ano lang.

Naka leave ako nung Friday. Sabi ko sa boss ko aayusin ko ang nawawala kong passport. Sinabi ko rin na aayusin ako ang SSS ID ko. Pero ang totoo talaga ay may date ako. Pero dahil sa dumadami ang pimples ko sa hindi malaman na kadahilanan ay hindi ako nakipagkita sa date ko. Nakipag inuman na lang ako sa mga kaibigan ko at sabay sabay naming pinagtalunan kung bakit dumadami ang mga pimples ko. Hindi raw sila sanay na nakikitang may mga pimples sa mukha ko.. eh ano naman ang tingin nila sa kin? Sanay na sanay? May isang tanga na nagsabing stress daw ang dahilan. Apat na taon na akong stressed sa trabaho ko pero kahit isang pimple ay walang tumubo sa kin. Sabi ng isa ay dahil daw sa kuko ko.. yung isa naman dahil daw sa buhok ko at habang sinasabi ko sa kanila na mali silang lahat dahil ang totoo ay kinukulam ako dahil maraming galit sa kin.. dahil sa....

Dine date ko si Piolo Pascual. "Uluuuuuuul," yun ang sabay sabay nilang sinabi. Yun din ang sinabi ko sa sarili ko nung una.. pero.. nagulat ang lahat ng... makita nila na papalapit sa kin si Piolo sa isang kapehan sa greenbelt nung Biyernes ng gabi. Napatakip ako ng mukha.

P: Akala ko ba hindi ka pede lumabas? Ano nangyari sa yo? (sabay tanggal ng kamay ko sa tinatakpan kong mukha) K: (Napa smile ako) Napadaan lang ako.. dito. Hindi talaga ako pede lumabas.
P: Iniiwasan mo ba ko?
K: Hinde noh. Eh di sana tumakbo na ko palayo sa yo nung makita kita papalapit sa kin.
P: Tumayo ka na dyan. Ihahatid na kita sa inyo. (Hinila nya ang braso ko patayo)
K: Hindi pede. Hindi na tayo pede magkita kahit kelan..
P: Huh? Baket?
K: Sa kadahilanan kung baket hindi nag work out ang relasyon ni Niki Valdez at Troy Montero.
P: Dahil maraming naiinggit?
K: Duh. Hindi sympre. Panget ako at adonis ka.. hindi tayo bagay. Langit ka.. laman lupa ako.
P: Haha. Very funny. Tara na.
K: Hindi nga pede. Lumayo ka na please.. bago pa maging ketong ang mga pimples ko sa mukha.
P: So you're dumping me because of your stupid pimples?
K: Parang ganun.
P: (sarcastic laugh) I'm not doing this conversation here. I'll call you tomorrow. (sabay talikod at lakad papalayo sa kin)

Nang makaalis ang nasabing celebrity ay napansin kong nakasunod ng tingin ang mga kaibigan ko sa likod ng papalayong si Piolo.
K: Huuuuy. Ok lang kayo?
L: Hindi. Ikaw ok ka lang?
K: Ok lang ako. Its not worth a second chance.
L: HUH?
K: Kami ni Piolo. Hindi kami bagay.
C: Anong pinagsasabi mo?
K: Hindi nyo ba narinig ang pinag usapan namin?
L: Ni Piolo?
K: Duh. Sino pa?
C: Ang sabi nya lang sa yo ay HI EMILY.
K: Sino si Emily?
L: Ah.. ewan din namin. Pero yun ang nakasulat sa T SHIRT mo.
K: (Napatingin ako sa TSHIRT ko at nabasa ko ang pangalang EMILY) You mean nag HI lang sya dito sa babaeng naka imprenta sa TSHIRT ko?
C: Eh ano pa nga ba? Close ba kayo? Haler!!!???
K: (Napabuntong hininga ako) Haaaaay.. uwi na ko.
L: Baket?
K: Bago ako mag hallucinate na gwapo ka at magaganda kayo.. uuwi na ko para maglaro ng TR.

Pagdating ko sa bahay.. naligo ako kaagad. Yun ang unang ginagawa ng mga spirit questors sa mga gabing nakikipagsalamuha sila sa mga kaluluwang ligaw. Naligo ako dahil mainit. Walang koneksyon sa mga spirit questors.. bigla lang pumasok sa isip ko.

Wednesday, June 13, 2007

hay naku. wag mo nang itanong.

Eh pag mamalasin ka nga naman.. bihis na bihis ka na sabay umulan ng malakas sa gitna ng iyong paglalakad. Walang masisilungan at ang tanging payong ko para hindi mabasa ang mukha ay ang aking malalaking kamay. Gudlak. Merong nagsabi sa kin na ang mga kamay ko raw ay parang pang model.. na crush nya raw ang kamay ko.. kinilig ako nung una pero naisip ko.. sabagay kung kasing laki ka ng bear.. malamang ma cras-an mo nga ang kamay ko. Shet. Nauto na naman ako. Ang hahaba ng mga daliri ko sa kamay.. palagay ko pag nahagip ko ang mukha ng kung sino mang kaaway ko ay para na rin silang nasampal ng paa. At take note.. paa ng lalaki huh? Basketball player pa. OO na.. malaki akong babae.. yan ang isang katotohanan na mahirap i deny. Para fair naman.. kung malaki ang kamay ko.. malalaki rin ang paa ko. Madalas ko na itong naba blog.. yung paa ko. Sa totoo naman talaga.. malalaki sila.. at mahahaba ang daliri ko sa paa.. para lang yung sa kamay ko. Pede mong ipandampot ng kung anong bagay na nalaglag mo sa sahig. Pede mo rin siyang ipangkurot sa pisngi ng isang taong cute na cute ka.Sa palagay ko rin.. kapag naapakan ko ang paa mo.. baka mamatay ang kuko mo sa paa at hindi na muling mabubuhay pa. Teka nga.. paano namang napunta sa body parts ko ang usapan? Eh tungkol sa malakas na ulan ang entrada ko sa blog entry na ito.

Napansin din pala ni Eunice na hindi ako malakas kumain ngayon. Sabi ko nagpapapayat ako. Pero ang totoo.. napanuod ko yung APOCALYPTO nung isang araw. Kadiri ang hilakbot na palabas na yun. Babuy kung babuy.. balahura kung balahura. Bacteria.. germs.. mikrobyo.. you name it.. its there. Siyeeeeet. At ang mga accessories nila.. wala akong masabi. Mas cool ka pag mas malaki sa butas ng ilong mo yung butas mo sa tenga. At mas kaakit akit ka kung may hikaw ka sa ilong na parang sa kalabaw lang. Magsuot ng ganun.. at voila! Pede ka nang ialay at mamatay ng may dignity. Yeees.. mga kalokohan nga naman ng mga sinaunang tao. Sabi nga ni Dr. HOUSE.. "you live with dignity.. you don't die with it." English yan pero naintindihan ko naman. Ang ibig sabihin nyan sa tagalog.. ay huwag kang makulit. Hahahahhahah.

Tuesday, June 12, 2007

Tag Ulan..


Madrama ang entry na to. But hey, this is honest. Nakakatawa pero totoo..

Eh kamusta naman? Wala akong maisip.. pero kanina habang nasa loob ng banyo.. andami kong gustong isulat. Pero nawala lahat nung uminom ako ng tubig. Ikukwento ko sana kung paano nagsimula.. pero wala na akong maalala. Basta ang alam ko nakita kita.. naglalakad.. masaya. Napangiti ako. Paanong nangyari na sa isang iglap ay hindi ko mabigkas ang pangalan mo? Samantalang masaya tayo nung umpisa. Gusto kong tumakbo palapit sa yo pero parang naninigas ang mga paa ko. Bakit biglang bigla na lang ay parang naisip ko ang sasabihin mo pag nagkita tayo ulit? Maraming beses gusto kong itanong sa yo kung kamusta ka na.. kung masaya ka na ba.. pero wala akong lakas ng loob. Nakita ko papalapit ka na.. gusto kong tumakbo palayo pero nakatayo lang ako dun. Hindi makagalaw. Hindi ito stroke.. sabi ko. Wala akong nagawa kundi ang ngumiti nung lumapit ka. Sabi mo.. uuy nandyan ka pala. Gusto kong sabihin.. kanina pa.. pero ngumiti lang ako. "Kamusta ka na?" bigla kong natanong.. sabi mo masaya ka. Nasaktan akong bigla. Nagtanong ako ulit.. "Kamusta na sya... " tapos ngumiti ka sabay sagot.. "masaya."Tumango tango ako.. bigla kang nagtanong... "Ikaw?" Ngumiti lang ako. "Masaya." Matagal mo akong tiningnan. Hinawakan mo ang kamay ko.. tapos binitiwan. Tumalikod. Naglakad palayo... napangiti ako ulit. Sabay lakad palayo... pero nilingon kita. Umaambon na. Tapos na. Tag ulan na.


Monday, June 11, 2007

nandito na....

para sa mga kaibigan ko na gustong makita ang baguio escapade namin.. HILAKBOT! eto yung link www.originalicequeen.multiply.com . Pinaghirapan ko yan! Napuyat ako kaka upload ng pics namin.

mag a upload pa sana ako ng mga pics namin.. pero pagod na ko. yoko na... sa weekend na lang pag bato ako. Tulog na ko.








Sunday, June 10, 2007

wala akong maisip.

Kahapon.
*
Nagpunta ako sa dermatologist ko. Tinanong nya sa kin.. "Stressed ka ba?" sabi ko.. hindi naman. Slight lang. Tapos tinanong niya kung nagkabalikan na kami ni Drama King.. napabuntong hininga na lang ako sabay isip na sana ay matapos na ang small talk na yun at injection-an nya na ang mga nagmumura kong pimples. Sabi nya sa kin.. sa tagal tagal ko nang nagpapakunsulta ng balat sa kanya ay ngayon nya lang ako nakitaan ng mga ganung kalaki na mga pimples. Tanong sya ulit kung sa Alabang pa ako nagta trabaho at baka na eexpose na naman ako sa polusyon kagaya ng dati.. alam nya kasi na sumasakay ako ng bus pa skyway at palaging nakabukas ang bintana ko kaya sobrang dumi ng mukha ko pagdating sa alabang. Sabi ko sa Cubao na ko.. tapos tanong sya.. "May pinalit ka na ba dun sa ex mo for 7 years? " Nag smile ako. Sa isip isip ko.. "Ateh.. sana di ba? Mind your own business. Hilakbot!" Pero nawala naman ang pagka irita ko sa kanya nung sinabi nya na maganda raw ang balat ko. Hmmmm.. pero naisip ko pag uwi ko.. malamang sinabi nya rin yun sa lahat ng mga pasyente nya. Kaya nairita ako ulit sa kanya.

Umulan kahapon habang naglalakad kami ng nanay ko. May balak pa sana akong bumili ng season 3 ng HOUSE MD ksi hanggang episode 6 lang yung pinahiram na CD sa kin ni Ralph.. pero umulan na kaya umuwi na lang kami. Hay..kelangan ko na talaga bumili ng kotse. Baka next year pa. Andami ko dapat gagawin kahapon..mag ca canvass sana ako ng lens para sa camera na gagamitin ko sa photograpy class ko next month. Pero umulan. Kaya umuwi na lang ako at naglaro ng PS2 ko. Pero kapikon naman yung nilalaro ko dahil ang bagal mag load.. RULES OF ROSE, kung naburat ka sa Haunting Ground..mas mabuburat ka yata dito. Yun yata yung title.. yun na rin ang nipagtyagaan ko dahil nag hang yung GOD OF WAR 2.. malapit ko pa namang matapos! Hassle.

Nang magsawa ako sa PS2.. nanunuod naman ako ng mga walang kwenta na pelikula. Nightmare on Elm Street. Lahat yun! Yung ibang parts.. nakakatawa. Nanuod din ako ng SEED of CHUCKY na walang kakwenta kwenta rin. Pero may napanuod ako na medyo maganda naman.. kahit papano.. may sense.. WHITE NOISE. Kakakilabot na rin in a way.. yung tinatawag nilang EVP na naimbento ni Einstein. Wooooooo... si Einstein nga nakakatakot na yung hitsura eh.. kabuhok nya kasi yung clown sa IT ni Stephen King.. na kinatakutan ko ng malupit nung bata ako.

**
Kinabukasan

Nag check ako ng Friendster. Nag blog.. nakipag chat sa mga kaibigan kong online saglit. Nagyosi.. naburat.. Maliligo.. maglilinis ng mukha para hindi na tubuan ng pimples ulit tapos tatawagan si Aminah.. magcha charge ng IPOD at cellphone.. maglalaro ulit ng PS2.. tapos matutulog na.. at pagkatapos ay papasok. Potah.. paulit ulit na lang! Makapag leave sa Monday! Yoko naaaaaaaaaaaaaaaa!

Friday, June 8, 2007

sino kayo?


Pimples. Sige na nga. Sabi ng nanay ko simbolo daw yan ng pag ibig. Mga taong iniisip mo o nag iisip sa yo. Ang labo. Para sa kin.. bacteria lang yan. Makinis ang mukha ko.. pero hindi ko talaga alam kung bakit ako tinubuan ng 3 pimples ng sabay sabay. Sabihin na nating maaring mga lalaki nga yan sa buhay ko.. hmmm.. tamang tama! Sumakto pang 3 sila. Pero kung pagmasdan mong mabuti hindi naman siya mukhang pimples.. mas mukha suyang napaso o kaya natilamsikan ng mantika habang nagluluto. Pero sige na nga.. para may ma blog ako ngayon.. sabihin na rin nating mga lalaki ko yan.

--
Unang pimple
*
McWakey (in the far left) -
Nakakalungkot isipin na parang walang nangyari. Hmmm.. sa tingin ko masaya naman talaga tayo. Wrong timing nga lang. Sa palagay ko.. malamang ganun talaga ang dapat mangyari. I walked away.. you walked away.. no turning back. Sabi mo sa kin ayaw mong ma dissapoint ako. Naintindihan naman kita.. kasi ganun naman halos pag umpisa pa lang di ba? Pero pano mo nasabi na madi dissapoint ako.. kung wala naman tayong sinubukan? Paanong mangyayari na hindi tayo magwo work kung wala naman tayong nasimulan? Naisip ko isang beses na baka kayo mo nasabi yun ay dahil nagiging kulay green ka pag alas dose ng gabi at tinutubuan ng maliit na tenga na parang kay Shrek. Sana sinabi mo na rin lang sa kin.. dahil nagiging si FIona rin naman ako tuwing alas dose ng gabi. Eh di sana.. tatlo na ang babies natin ngayon.. healthy silang lahat...kulay green nga lang. Hahahha. Pero naging masaya naman tayo eh.. may mga lessons tayong natutunan..kaya hindi naman ako nagsisisi. Pinapakilig mo ko sa tuwing tinatawagan mo ako para gisingin dahil baka ma late ako sa mga appointments ko sa office. At ang mga roadtrip natin na madalas tayong maligaw... ang mga away moments natin... inuman sessions na kunwari ay hindi ka nalalasing dahil ihahatid mo pa ko sa bahay namin.. at sympre ang unang labas natin kung saan nagulat ka sa sinehan na parang nakakatakot ang pinanood natin! Hahahahha. It was great having you around. Sana sa susunod na magkita tayo ulit.. ok ka na. :)

**
Pangalawang pimple
**
THE HOTNESS (beside McWakey) - Magulo tayong dalawa. Pero masaya! Kahit na matagal na yun.. madalas ko pa rin maalala yung mga sandaling nagkukulitan tayo. Yung unang beses na hinatid mo ko sa harap ng bahay namin at sinabi mong COOL nung makita mo yung gate namin. Hindi ko alam kung anong cool dun kasi KEEP THE DRIVEWAY OPEN lang naman yung nakasabit sa gate.. pero na appreciate ko talaga ang mga efforts mo. Yung mga sandaling hinahatid mo ko sa bahay dahil may sakit ako kahit sobrang layo pa nang uuwian mo. Yung mga text mo na MISSED YOU ALREADY pagkababa ko pa lang ng sasakyan.. yung mga pagkanta kanta mo sa kotse kahit sentunado ka... yung mga crazy corny jokes na sinusubukan mong matawa para hindi ako mapahiya. Marami akong natutunan sa yo.. nung nawala ka na. At syempre ang breakfast escapades natin! Tumaba ako dun ah! What we had was really special and sometimes great but we both know that its not love. Clear naman tayo dun. At i'm proud to say na magkaibigan pa rin tayo. We had that moment and I will always be grateful of it. Hindi ko na nalaman kung ano talaga yung nafi feel mo sa kin.. pero ok lang kasi hindi ko rin naman alam kung ano yun sa kin.. basta ang alam natin.. masaya tayo. Ok na yun. Isang beses nakiusap ka sa kin na umiyak naman ako sa harap mo.. sa totoo lang.. pinilit ko naman pero ayaw talaga.. kasi hindi naman ako malungkot kahit nung naghiwalay tayo dahil alam ko.. magiging masaya ka sa iba. Sorry dahil hindi ako ang makakapagbigay nun.. may darating pang iba. You deserve someone really great. Hindi ako yun. :) Alam mo yan.

**
Pangatlong pimple
**
Drama King (below Mcwakey)-
Hanggang ngayon.. ikaw pa rin ang mahal ko. Totoo yung sinasabi ng lahat ng tao sa paligid ko na ikaw talaga yung tamang lalaki para sa kin. Pero may mga bagay na kailangan kong harapin ng ako lang mag isa. I can't promise anything.. eto lang ang alam ko.. you are worth the second chance. Pero hindi pa ngayon.. hindi pa ko ready ulit. Basta ang alam ko kapag bumalik ako.. ikaw na ang pakakasalan ko dapat. And I want to be a better person for you. Mahal talaga kita. Ikaw lang yung palaging nandyan para sa kin kahit ilang beses na kita sinasaktan..kahit na wala na tayo pinapakita mo pa rin sa lahat ng tao na ako lang talaga ang gusto mo. Kaya mahal na mahal ka ng pamilya ko. All this time.. ikaw lang talaga ang minahal ko.. siguro yun din ang reason kung bakit nahirapan akong magmahal ulit. Sana pag tapos na ang lahat ng dapat kong gawin sa buhay ko.. nandyan ka pa rin. Pwedeng na involve ako sa iba nung nawala ka.. ikaw rin naman di ba? Pero sa bandang huli naisip ko na nahihirapan akong mag move on... dahil ikaw pa rin ang mahal ko... may kulang lang sa tin. Hindi ko alam kung ano.. magulo siya.. pero sana kapag ready na ko ulit.. hindi ka pa rin nagbabago. :)

**
Pang apat na pimple
**
Anonymous (yung patubo pa lang sa tabi ni THE HOTNESS) -
sino ka? Hindi kita kilala.. maglaho ka na pleaseeeeeee?! Tama na silang tatlo! Ang kati kati eh!



Wednesday, June 6, 2007

hindi ako mapalagay.

Sige na nga aaminin ko na.. kasi feeling ko kapag nag deny pa ko ng isang beses ay sisigaw ang isang pimple ko ng SINUNGALING! sabay mag se self destruct. Naapektuhan pa rin ako ng mga 2%. Hilakbot. Akala ko tapos na to.. tapos bigla ka na naman nagparamdam. Akala ko tapos na.. pero baket nahihirapan pa rin ako? Tama nga sila.. kung nandyan ka na sa ganyang sitwasyon.. hindi mo na talaga mapipigilan ilabas ang lahat ng nararamdaman mo. Pinilit ko naman pigilan eh pero talagang hindi ko kaya. Ilang beses ko dineny sa mga friends ko at sa tingin ko na convince ko naman sila.. nanay ko lang ang hindi naniwala kasi talagang kilalang kilala nya ko. Kung hindi na kita iisipin sa tingin ko malilibang naman talaga ako eh..makakalimutan kita ng saglit...pero nagparamdam ka na naman. Ang sakit aminin sa totoo lang.. ang hirap kainin ng pride ko. Pero kahit anong tago ang gawin ko.. nararamdaman ko talagang obvious. Pinigilan ko naman eh.. maraming beses.. pero nandito ka pa rin...tangina talaga....

tangina talagang jerbs to! Ayaw lumabas... oo na! aaminin ko na.. ako yung umutot kanina!! ambaho no?

sorry naman. tao lang....

Tuesday, June 5, 2007

Back by popular demand: Conversation with God.

*DISCLAIMER: This entry was written sometime last year in my friendster post. During those times.. medyo emotional ako at bored. Tinanggal ko ang post na to dahil andaming kakilala ko ang nag react at nagtanong kung sino yung tinutukoy ko sa blog. At pinag bintangan nila ako na may boyfriend na.. wala pa rin akong bf.This is just for fun. Nagpapatawa lang ako. Maraming mga friends ko ang naghanap nito.. gusto raw nilang basahin ulit. Oh di sige.. ipo post ko ulit. Pero wag nyo na kong tatanungin kung sino yung tao na yan ah! At kay Drama King.. hindi pa rin kita pinagpapalit. Wala lang to.Kakatawa lang talaga. Ikaw pa rin ang taong minahal ko buong buhay ko.. at hanggang ngayon.. wala pa ring pumapalit sa yo. Nyahahahha.. mahal pa rin kita. Ako at ang malaki kong paa. HAHHAHAHHAHA.

---
Kel: Bakit ako nandito? Eto na ba ang langit?
God: Duh. OO.
Kel: Oh my gosh, I'm dead?
God: Pwede bang wag mo akong ini english? Hindi porket sa APAC ka nagtatrabaho eh pede mo na akong english-englishin dyan. Hindi english campaign dito. Kausapin mo ko sa tagalog..
Kel: Bakit po?
God: Wala trip ko lang.(sarcastic)
Kel: Patay na po ba ako?
God: Bakit lahat ba ng pumupunta sa langit patay na?
Kel: Hindi ba? O di nananaginip lang ako?
God: Parang ganun.Saka hindi ka pa pedeng mamatay marami ka pang dapat gawin.
Kel: Nye. Ang corny naman. Akala ko patay na ko. HIndi naman pala.. may ginawa ba akong kasalanan?
God: Nye. (sarcastic ulit) Nagtanong ka pa. Araw araw may ginagawa kang kasalanan. But lately these past days, madalas kang gumawa ng kasalanan sa parking lot. Kung saan saang parking lots.
Kel: Akala ko ba bawal mag english?
God: Taglish yun, tanga. Alam mo minsan maski ako naguguluhan ako sa 'yo. Ang labo mo, man. Binigyan kita ng karapatang umiyak.. sinusubok kita minsan pero kahit kailan hindi ka nanalangin ng umiiyak. Sabi ko na nga ba eh, mahirap talagang gumawa ng tao pag wala ka sa hulog. Ginawa kita habang nakikipag inuman kay San Pedro, natuka ka pa nga nung manok. Kaya ayun... yun ang dahilan kung bakit hinahabol ka ng mga manok at kaya ganun ganun na lang ang takot mo sa mga hayup na may mga tuka. Sorry, my bad.
Kel: Sus! Ikaw naman pala ang may kasalanan. Ngayon alam ko na.. hindi totoo ang sinasabi ni --- na nung pastlife ko ay isa akong mabuting bulate kaya naging tao ako ngayon.
God: Bakit hindi mo sinulat ang pangalan nya? Mga linya na naman ulit.
Kel: Duh. Secret. Parang di mo naman alam.
God: Alam ko, gaga! Alam ko rin na sobrang apektado ka dahil pinaghintay mo siya ng halos 30 minutos sa harap ng bahay nyo.
Kel: Ay sus! Pinaalala mo pa. Ayoko ngang pag usapan, gets?
God: Eh kaya nga kita dinala dito para pag usapan natin yun, gets? Bakit mo siya pinaghintay?
Kel: Duh.. hindi ko siya pinaghintay. Hinintay ko ang text nya kung malapit na siya sa bahay.. wala akong na receive. Kasalanan ko ba?
God: OO.. kasi pa hard to get ka. Hilakbot! Sinabi nya sa yo na darating siya bago mag 6pm. Bakit hindi ka lumabas?
Kel: Sabi nya traffic sa may Sucat. Kaya nag assume ako na traffic rin sa may quirino. Ok na naman kami eh. Nag sorry na ako. At saka promise I'll it up naman.
God: Wala ng next time. Hindi ka ba nakikinig sa kanya? Nung kumakain kayo ng sisig sa may blue wave.. sabi nya ayusin nyo na ang mga buhay nyo by next year. Ibig sabihin nun.. tutulungan na kita dito.. dahil minsan ang bobo mong magbasa between the lines.. ibig sabihin nun ay ayaw nya na.
Kel: Eh bakit ka nakikinig sa usapan namin? Kung nakinig kang mabuti sinabi ko rin na magigng mabuti kaming magkaibigan.. that its for the better. Na gusto ko nang ganun so that we can still see each other during get together parties.. nang hindi nagkakailangan.
God: Iniiwan ka na naman ng mga tao pero hindi ka nasasaktan. Minsan naisip ko kung tao ka o manok. Magka feelings ka naman.
Kel: Nyahhahahhaha. God, masaya ako because we're ending it that way. I mean.. somehow ending it. At saka napag usapan namin alam mo yun? Usually people don't talk about that stuff..they just leave. But we decided to keep each other as friends.. kahit anong mangyari. Walang ankward moments. Masaya kami pareho.
God: Sigurado ka? Eh bakit hinila mo si Carlo papuntang Malate para pag usapan nyo yun.
Kel: Eh wala lang. Trip ko lang. Walang mapag usapan eh.
God: Pwede bang wag mong itago ang emosyon mo sa kin? HIndi mo ko magulang pero kilala kita.
Kel: Stop reading me, please! Malungkot ako, fine. But I'll get through this.
God: Hay naku, Kellie. Minsan gusto na kitang pasagasaan sa tren para matapos na ang kakaiba mong pag iisip sa mga bagay bagay. Ibabalik kita ulit sa mundo bilang libro.. gusto mo ba yun?
Kel: Anong klaseng libro naman ako? Sana wag yung parang kay Bob Ong.. kasi walang natutunan ang mga tao dun. Nyahahhahahha. Eh teka nga God, alam mo ba minsan.. naiisip ko kapag may gusto kang parusahan na lalaki eh pinapakilala mo sa kin. Bakit ba ganun? Alam mo minsan nasasaktan na ako. Hindi rin kita maintindihan eh.
God: Wag kang mag drama dyan. Pinapakilala ko sila sa yo kasi alam kong marami silang matututunan.
Kel: Sexually ba ito? Nyahahhaha.
God: Wag kang bastos, Diyos ang kausap mo.
Kel: Sorry naman. Eh ano naman ang matututunan nila sa kin? Puro ka kornihan lang ang napapala nila sa kin.
God: Natututo silang maging matatag sa buhay.
Kel: Wow. Flattered naman ako. Talaga?
God: Nyahahhahahah. Joke lang, tange. Natututo silang mag isip ng konti.. binibigyan mo sila ng direksyon sa buhay. Isang bagay na kailangan nila para sa mahabang paglalakbay.
Kel: Hay naku.. sabi ko na nga ba. Gagawin mo akong mini book travel map kapag binalik mo ako sa mundo.
God: Tingnan mo tong, tangang to. May buhay ba ang libro? Nag droga ka ba bago matulog? O malupit lang talaga ang impluwensya sa yo ng WANSAPANATAYM?
Kel: Eh kasi naman GOD.. nagpapatawa ka. Kaya sinasabayan lang kita.
God: Mas malupit ang sense of humor ko sa yo. You can't humor me. o ano nang christmas wish mo?
Kel: (nag isip saglit..) God gusto ko sanang..
God: Ah, hinde hinde. Wag yan. Magiging magulo ang buhay mo kapag nagkakatotoo yan. Ibang wish. Wag yan.
Kel: Eh ang labo mo naman pala eh. Tatanungin mo ako pero hindi mo naman ibibigay yung gusto ko.
God: Hindi kasi pwede yan. Pinagbigyan na kita. Sabi mo kahit sandali lang. Binigay ko na.. now its time to move on. Hindi na talaga pwede.
Kel: O sige world peace na lang.
God: Wag kang bayani. Mayrabaho yan.. pahihirapan mo pa ko.
Kel: O sige.. (isip ulit) hmmmmm... sana after six years.. maging artista ako.
God: katulad ni Pokwang, Tsokoleyt o kaya Ai ai?
Kel: Wala na bang ibang choice?
God: Wala na. Mahirap gumawa ng himala these past days. Inaabuso ka ng mga tao.
Kel: Nyahahhahah.. o sige. Block socks na lang.
God: HAHHAHAHAHHAH! Wag mo ngang pagtawanan ang officemate mo sa APAC. MAy purpose kung bakit tumatalsik ang laway nya. Kung bakit siya ganun. Hindi ka kagandahan pero kung makapintas ka.. dinaig mo pa ko.
Kel: O sige na nga. Gusto kong makapunta sa States.
God: Alam ko ang iniisip mo. Move on. Hindi na talaga pede.. wag kang makulit.
Kel: Hay naku.. wag na nga. Saka na lang ako hihingi. Kapag may naisip na kong magandang wish. Utang nyo na lang muna sa kin. Magiisip ako hanggang new year.
God: Siraulo! Its now or never.
Kel: Eh ang hirap. Right now.. isa lang ang nasa isip ko.
God: Hindi nga pede si Brad Pitt, leche! Ang kulit mo.
Kel: Si Benicio Del Toro?
God: Huwag kang ilusyunada.
Kel: Eh bakit yung isang pilipina naka fling nya si Van Damme?
God: Mayaman siya saka may koneksyon. Isa ka lang pobreng taga pandacan. Ano ka ba?
Kel: O sige.. eto na lang. After how many years.. alam kong hindi pa pede ngayon. Pero sana magkita kami ulit.. and sana at that point of time.. ready na kami pareho.
God: Hmmm.... ita try ko pero wag kang mag expect. Ang kulit mo talaga! Yun ba talaga ang gusto mo?
Kel: Right now? Yup. Yun ang gusto ko.
God: Hindi ba pedeng sa next life na lang?
Kel: God naman! Wag ka nang tumawad. Etong lifetime na to ang gusto ko. Baka next life kasi busy na ko.
God: Gusto mong maging tindera sa palengke o kaya druglord next life?
Kel: Ewan ko sa yo, God. Ang gulo nyo. Pero please naman..
God: O sya sya.. sabi ko na nga ba eh. Matulog ka na ulit. Nandito na naman si Elvis.
Kel: Elvis Presley?
God: OO. Sino pa ba?
Kel: Cool. Idol ko yun.. pedeng makausap.
God: Ah hinde hinde. Baka hingan mo ng droga. Bumalik ka na sa lupa.
Kel: Fine.
God: Fine. 1..2..3..see you around.

Kamote in the making.


Nakikita nyo ba yung batang nasa picture? Yan ang susunod na Kamote. (Correction pls, hindi ako yung kasama nyang panget sa picture.. kapatid ko yan!) 10 years from now magba blog na rin ang batang yan ng mga walang kwentang bagay. Nakita nyo ba? Ngumingiti pa lang yan ay mukhang nang aalaska na. Kapag nagseryoso naman yan parang isa lang dun sa mga batang nagmumulto sa THE GRUDGE. Kapag sinumpong yan.. daig nya pa yung kasama nya sa picture na na-tipus nung bata. Pero pamatay ang mga opinyon nyang bata na yan. Isang beses.. sinabihan nya ang mga kapatid nya na amoy sisiw kaya hindi raw sya nakikipaglaro. Ayaw nya raw pumasok sa school dahil mababaho ang mga classmates nya at amoy aso daw ang teacher nya. Hmmmmm.. ang batang ito parang alam ko na kung kanino nagmana.

Nagsalita ang Kamote.

Minsan nakakainis ang buhay. Hindi ko alam kung bakit pero palagi na lang nagsusulputan ang mga taong ayoko sa paligid sa tuwing tag ulan. Kabute ba kayo? O kaya bigla mo na lang mapapanaginipan ang isang tao na akala mo ay patay na sa tagal nyang hindi nagparamdam kaya sa panaginip na lang parang nagpapapansin. Tapos ang weird dun ay bigla nyang maaalala ang bday mo tapos ite text ka. Sabi ng ibang tao ay mental telepathy daw yun.. sabi ko naman ang tawag dun ay KATI. Minsan merong kati sa ating katawan na ibang tao lang ang pedeng kumamot kaya naalala natin sila sa tuwing mangagati tayo. Ewan ko ba. Ang gulo gulo talaga nating lahat.

Hmmmm... wala akong maisip na isulat ngayong araw na to. Hindi ko alam kung bakit. Pag usapan na lang natin ang mga tao sa workplace ko.

Babe number 1: Meron isang rep dun sa isang account na naka jackpot ng isang mayamang guy dun sa office. Sabi nila hearthrob daw yung babae na yun.. pero ang sabi ko naman eh mukha siyang moret moret. (Moret moret- ang tawag dun sa mga babeng parang nasiraan ng ulo kasi naligo nung kalakasan ng menstruation nila. Sabi ng lola ko NASUMPIT daw ang tawag dun pero since bibo ako.. feeling ko mas ok yung salitang MORET MORET kasi may conviction!) Anyway, sympre itatanong nyo kung bakit moret moret.. well kasi.. ang babaeng ito parang walang direksyon pag naglalakad kasi parang hindi nya alam kung saan siya pupunta. Tapos palaging nakatabingi ang ulo at medyo natatakpan ng buhok nya yung mukha nya. Parang minsan gusto ko ngang sumigaw ng HOY PADER! MAY PADER SA HARAPAN MO! para... wala lang.. baka sakaling magulat sya sa gitna ng kanyang pagmumuni muni habang naglalakad at maisip nyang maari syang bumangga sa kahit anong solidong bagay. Ah basta.. mukha talaga siyang tanga.

Babe number 2: Isa ito sa mga babaeng trip na trip ng mga reps ko. Mapalalaki man o lalaki at heart. Sabi nila THE HOTNESS daw.. meron pa nga silang malupit na pet name sa babaeng ito. Pero ang totoo.. ang babaeng ito sa paningin ko ay mukhang nagtitinda ng sitaw sa palengke. Pede siyang ihilera sa mga taong kakilala ko sa dati kong office sa Alabang na mukhang nautusan lang ng mga amo nila na bumili ng suka sa tindahan at nag apply sa call center. Pero sabi nila maganda daw.. ayoko naman mag react baka sabihin nila insecure ako. Kaya deadma lang.

Babe number 3: May nagsabi sa kin na kamukha daw nito si Aubrey Miles. Muntik na akong mag agree pero nung makita ko sa liwanag kinabukasan ay namura ko yung nagsabi sa kin. Isa itong malupit na guni guni.. dahil sa totoo lang.. ang nahawig nya lang kay Aubrey Miles ay yung buhok. Sa maliwanag ay kamukha nya si Snoop Doggy Dogg. Ewan ko ba. Pero pede na siyang gawing logo sa bote ng muriatic acid.

Babe number 4: MONGOLOID na hindi natuloy. Yun lang ang masasabi ko.

Hindi ako laitera.. hindi ako pintasera.. opinionated lang ako. Sinasabi ko lang ang totoo. Maski sarili ko napapansin ko rin at nilalait ko madalas. Ganun talaga ako. Pasensya kung medyo offensive yung observations ko sa ibang tao.. eh totoo naman.

Monday, June 4, 2007

This is honest.


I woke up today feeling really sad and empty. I read your message in yahoo. i'm sorry that I didn't call. We both know that there is an understanding between the two of us. Hey, whatever makes you happy right? I'll always be here for you. i guess this is what you've always wanted since from the start. A year ago when I heard the news.. I was devastated but as time goes by.. I realized that there are things that are better left alone because going one step further means losing you. And we both know that the reason why we didn't take that chance was because it feels like dying losing each other. We share something that only the two of us can understand. And I'm grateful that we didn't cross any line. That proves what a great person you are. You were there when I feel like losing it.. during the times when everything is so confusing.. you are the only strong person in the world that I can depend on. You took care of me.. you loved me and you still do. And you know that I really do love you. You are the bestest friend in the world. I wish to God that I can offer so much more.. to make you happy. You stood by me when I bruise my knees... when I have no one but YOU. You comfort me when I break my heart and you always make me feel that I'm the smartest girl in the world. That they are not worth my tears.. that you will always defend me no matter what happens even if I'm on the wrong side. You deserve to be happy and I feel so great that you are the happiest person in the world right now. I wish I can stand by your side right now.. so that you can whisper into my ears how beautiful she is as she walks down the aisle. But you know even if I'm not there physically.. I will be here when you bring her home and we can still talk about stuff like we always do. I miss you like hell, Jay. And I love you so much. :) I'm sure you are the most handsome guy in the world in your wedding. You enjoy the moment, buddy. I'm just here.....

- Tangina. Ang layo naman kasi ng Malaysia! Bakit dyan ka ba nagpakasal? Oh basta.. punta ako sa inyo pagbalik mo! Mwah mwah!

Sunday, June 3, 2007

Huh!?



Dear Boiling Kamote,

Ola!

Tawagin mo na lang ako sa pangalang Ms. Juju. Ambaho no? Pero kung naniniwala ka sa swerte.. maiintindihan mo kung bakit Juju ang pinili kong screen name. Goodluck kasi yan sa min dito sa New York.

Anyway, sumulat ako kasi may problema ako sa lovelife ko. Kakahiwalay ko lang sa BF ko.. 8 years din kami. Nakipaghiwalay ako dahil nagsawa na ko at may nakita akong iba. Sa totoo lang.. masaya kami nung una pero nalaman ko na may GF pala ang lokong yun. At matagal na rin sila. Sabi nya kasi sa kin hiwalay na sila tapos naniwala naman ako.. yun pala.. sandali lang sila naghiwalay. Nakipagbalikan siya ulit dun sa GF nya. Masakit pero pinabayaan ko siya. Nung una medyo kinakausap pa nya ako.. pero nung mga sumunod na araw talagang hindi nya na ko pinapansin. Sabi nya busy lang daw sya.. naniwala naman ako.. pero nung pumunta ako sa bahay nila.. pinahabol nya ako sa aso nila. Mabilis naman akong tumakbo kaya ok lang.

Kinabukasan.. hinabol ko sya sa elevator para itanong kung bakit nya ako pinahabol sa aso nila pero nung makita nya ako ay dali dali syang pumasok sa elevator. Naabutan ko naman siya pero bago ako makapasok ay pilit nyang sinirado ang pinto at naipit ang ulo ko. Hindi siya nag sorry.. pero para hindi ako mapahiya ay tinanong ko pa rin sya habang pinipituhan kami ng guard. Pero bago siya makasagot ay nawalan na ako ng malay. Naisip ko na baka kaya nya ako iniiwasan ay dahil sa mahal nya talaga ko. Di ba ganun naman yun? If you love someone..you set them free.Pero hindi ko pa rin maintindihan. Bakit kaya sya ganun? Nakita ko pa sila ng jowa nya na magkaholding hands along Park Avenue.. nang lumapit ako ay tinakpan nya ang mata ng GF nya sabay bulong ng "Sweetheart, may sorpresa ako sa yo. " sabay lakad palayo sa kin. Naniniwala ka ba na kapag mahal mo ang isang tao ay kailangan mo syang ipaglaban kahit ikamatay mo pa? Ganun ang nararamdaman ko ngayon. Sa tingin mo ba.. kailangan ko pa syang ipaglaban? Please advise me naman.

Love,
Ms. Juju

--

Dear Ms. Juju,

Sinong bisaya ang nagsabi sa yo na pwede mo akong sulatan? Hindi ako nagbibigay ng advice sa lovelife. At hindi ko nga alam na may column ako. Kamusta naman ang ulo mo? Sa totoo lang Day, bakit naman ang tanga tanga mo? May mga magulang ka ba? Sa tema ng sulat mo ay parang hindi ka naman iniiwasan ng lalaking tinutukoy mo bagkus ay nandidiri sya sa yo. Baka naman hindi ka nagtu toothbrush o kaya hindi ka nag aahit ng kilay mo kaya nagmumukha silang bangs mo. Wala ka namang ketong, hija? O baka naman isa kang SHE-MAN? Ang pinaka mabuti mong gawin para makuha ang atensyon ng iyong ginigiliw ay maglakad at tumakbo ng pabaliktad. Yun lang ang naiisip ko ngayon. Tama ka na dapat ay ipaglaban natin ang ating mga mahal kahit ikamatay natin ito.. naniniwala din ako dyan nung bata pa ako. Mga siraulong kagaya mo na lang ang naniniwala sa ganyang kasabihan ngayon. Huwag kang mawalan ng pag asa.. marami pang engkanto sa paligid na naghahanap ng mga nasasapiang katulad mo.

Eto ang dapat mong gawin kapag hindi ka mapalagay.. ipikit ang iyong mga mata.. sabay sambitin ang orasyon.. : ABAYGA - GOPA- LAKOH.... sambitn ng 5,000 times hanggang sa maisip ang ibig sabihin.

Huwag mo na akong susulatan ulit. Skwater!

Boiling Kamote

another year for the boiling kamote.


Salamat sa mga bumati sa kin! Sa mga nagpadala ng emails at bumati ng maligayang kaarawan! Sa mga kaibigan na biglang nagparamdam at nagkunwari na hindi nila naalala ang birthday ko pero matapos ang 3 pisong pagpapalitan ng kuro kuro ay bigla nilang naalala sabay hirit ng "Painum ka naman!" Mga skwater kayo! Wala kayong mahihita sa kin.. pero salamat na rin sa pagbati. Pag iisipan ko ang pagpapainum. Kay Drama King na kunwari ay may dinaan sa bahay namin pero hinintay lang talaga ang mag alas dose para maiabot ang regalo sa kin..SALAMAT! Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip kung bakit mahal na mahal mo ako.. eh malimit na lang nga akong maligo at mag toothbrush! Nyahahhaha. Pero salamat sa gift! Gustong gusto ko talaga. :) Pasensya na.. stolen shot yung picture sa kaliwa. Bagong gising lang kasi ako nyan. Shy pa. Hahahhahahhaha.


---
Isa lang ang birthday wish ko.. SANA IKASAL NA KO THIS YEAR!

joke lang....

Ang totoo sana ay maging isang sikat na photographer ako. Pero sympre hindi magkakatotoo ang lahat ng iyan kung wala akong camera. Kaya sana.. may mag regalo sa king ng SLR na camera.. ngayong bday ko. Kung sino ka man.. kahit pangit ka.. busarga ang ilong.. o mabaho ang hininga.. please.. gusto ko yung digital huh?

Isa pang bday wish.. SANA HINDI NA KO TUBUAN NG PIMPLES. Magaling na ang pimples ko pero ayoko nang magkaroon ulit. Hassle kasi.

Pangatlong bday wish.. sana tumaas na ang sweldo ng lahat ng TLs sa office ko! Eh gudlak.. kaya nga wish eh.

--
Masaya pa rin ako kahit single ako ngayong bday ko. Eto ang una kong bday sa loob ng mahabang panahon na wala akong boyfriend. Nakakapanibago.. pero sa totoo lang.. wag nating pag usapan ang lovelife ko dahil bday ko ngayon! Kumplikado akong tao. Pero salamat sa mga taong nagmamahal sa kin.. pamilya.. kaibigan.. pusa at aso. Sa mga fans ko.. ng blog, tange! Gudlak naman kung meron sa personal. Hahahahhahahha. Mag iwan naman kayo ng comment, mga HILAKBOT kayo! At sa mga ewoks sa paligid.. salamat sa inyo!



Friday, June 1, 2007

Alay ko kay Celso.


Sa Tagalog:
Pusa: Hello God?
God: Yessss?
Pusa: Sino ang aking inay at itay? Bakit hindi ko sila kasama?
-
God: Bwahahhaha. Pusa ka, tanga! Ang drama drama mo! Hindi ko alam kung nasan ang inay mo.. pero kilala ko ang itay mo. Ang pangalan nya ay Celso. Namana mo ang kulay nya.
Pusa: Pusa rin ba siya?
God: Hinde! Isa syang thinking ULING! Bwahahahha.

Bwahahhahahahha. Joke lang naman, Celso! Namiss na kita eh! Alam mo namang mahal na mahal kita kahit minsan lang kita makita! Mwah mwah! Guys, yung totoo talagang translation ay yung conversation lang sa taas kung saan ang pusa ang huling nagtanong. Hindi na talaga sumagot si God. Imbento ko lang yun!