Eh pag mamalasin ka nga naman.. bihis na bihis ka na sabay umulan ng malakas sa gitna ng iyong paglalakad. Walang masisilungan at ang tanging payong ko para hindi mabasa ang mukha ay ang aking malalaking kamay. Gudlak. Merong nagsabi sa kin na ang mga kamay ko raw ay parang pang model.. na crush nya raw ang kamay ko.. kinilig ako nung una pero naisip ko.. sabagay kung kasing laki ka ng bear.. malamang ma cras-an mo nga ang kamay ko. Shet. Nauto na naman ako. Ang hahaba ng mga daliri ko sa kamay.. palagay ko pag nahagip ko ang mukha ng kung sino mang kaaway ko ay para na rin silang nasampal ng paa. At take note.. paa ng lalaki huh? Basketball player pa. OO na.. malaki akong babae.. yan ang isang katotohanan na mahirap i deny. Para fair naman.. kung malaki ang kamay ko.. malalaki rin ang paa ko. Madalas ko na itong naba blog.. yung paa ko. Sa totoo naman talaga.. malalaki sila.. at mahahaba ang daliri ko sa paa.. para lang yung sa kamay ko. Pede mong ipandampot ng kung anong bagay na nalaglag mo sa sahig. Pede mo rin siyang ipangkurot sa pisngi ng isang taong cute na cute ka.Sa palagay ko rin.. kapag naapakan ko ang paa mo.. baka mamatay ang kuko mo sa paa at hindi na muling mabubuhay pa. Teka nga.. paano namang napunta sa body parts ko ang usapan? Eh tungkol sa malakas na ulan ang entrada ko sa blog entry na ito.
Napansin din pala ni Eunice na hindi ako malakas kumain ngayon. Sabi ko nagpapapayat ako. Pero ang totoo.. napanuod ko yung APOCALYPTO nung isang araw. Kadiri ang hilakbot na palabas na yun. Babuy kung babuy.. balahura kung balahura. Bacteria.. germs.. mikrobyo.. you name it.. its there. Siyeeeeet. At ang mga accessories nila.. wala akong masabi. Mas cool ka pag mas malaki sa butas ng ilong mo yung butas mo sa tenga. At mas kaakit akit ka kung may hikaw ka sa ilong na parang sa kalabaw lang. Magsuot ng ganun.. at voila! Pede ka nang ialay at mamatay ng may dignity. Yeees.. mga kalokohan nga naman ng mga sinaunang tao. Sabi nga ni Dr. HOUSE.. "you live with dignity.. you don't die with it." English yan pero naintindihan ko naman. Ang ibig sabihin nyan sa tagalog.. ay huwag kang makulit. Hahahahhahah.
Wednesday, June 13, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment