Tuesday, June 5, 2007

Back by popular demand: Conversation with God.

*DISCLAIMER: This entry was written sometime last year in my friendster post. During those times.. medyo emotional ako at bored. Tinanggal ko ang post na to dahil andaming kakilala ko ang nag react at nagtanong kung sino yung tinutukoy ko sa blog. At pinag bintangan nila ako na may boyfriend na.. wala pa rin akong bf.This is just for fun. Nagpapatawa lang ako. Maraming mga friends ko ang naghanap nito.. gusto raw nilang basahin ulit. Oh di sige.. ipo post ko ulit. Pero wag nyo na kong tatanungin kung sino yung tao na yan ah! At kay Drama King.. hindi pa rin kita pinagpapalit. Wala lang to.Kakatawa lang talaga. Ikaw pa rin ang taong minahal ko buong buhay ko.. at hanggang ngayon.. wala pa ring pumapalit sa yo. Nyahahahha.. mahal pa rin kita. Ako at ang malaki kong paa. HAHHAHAHHAHA.

---
Kel: Bakit ako nandito? Eto na ba ang langit?
God: Duh. OO.
Kel: Oh my gosh, I'm dead?
God: Pwede bang wag mo akong ini english? Hindi porket sa APAC ka nagtatrabaho eh pede mo na akong english-englishin dyan. Hindi english campaign dito. Kausapin mo ko sa tagalog..
Kel: Bakit po?
God: Wala trip ko lang.(sarcastic)
Kel: Patay na po ba ako?
God: Bakit lahat ba ng pumupunta sa langit patay na?
Kel: Hindi ba? O di nananaginip lang ako?
God: Parang ganun.Saka hindi ka pa pedeng mamatay marami ka pang dapat gawin.
Kel: Nye. Ang corny naman. Akala ko patay na ko. HIndi naman pala.. may ginawa ba akong kasalanan?
God: Nye. (sarcastic ulit) Nagtanong ka pa. Araw araw may ginagawa kang kasalanan. But lately these past days, madalas kang gumawa ng kasalanan sa parking lot. Kung saan saang parking lots.
Kel: Akala ko ba bawal mag english?
God: Taglish yun, tanga. Alam mo minsan maski ako naguguluhan ako sa 'yo. Ang labo mo, man. Binigyan kita ng karapatang umiyak.. sinusubok kita minsan pero kahit kailan hindi ka nanalangin ng umiiyak. Sabi ko na nga ba eh, mahirap talagang gumawa ng tao pag wala ka sa hulog. Ginawa kita habang nakikipag inuman kay San Pedro, natuka ka pa nga nung manok. Kaya ayun... yun ang dahilan kung bakit hinahabol ka ng mga manok at kaya ganun ganun na lang ang takot mo sa mga hayup na may mga tuka. Sorry, my bad.
Kel: Sus! Ikaw naman pala ang may kasalanan. Ngayon alam ko na.. hindi totoo ang sinasabi ni --- na nung pastlife ko ay isa akong mabuting bulate kaya naging tao ako ngayon.
God: Bakit hindi mo sinulat ang pangalan nya? Mga linya na naman ulit.
Kel: Duh. Secret. Parang di mo naman alam.
God: Alam ko, gaga! Alam ko rin na sobrang apektado ka dahil pinaghintay mo siya ng halos 30 minutos sa harap ng bahay nyo.
Kel: Ay sus! Pinaalala mo pa. Ayoko ngang pag usapan, gets?
God: Eh kaya nga kita dinala dito para pag usapan natin yun, gets? Bakit mo siya pinaghintay?
Kel: Duh.. hindi ko siya pinaghintay. Hinintay ko ang text nya kung malapit na siya sa bahay.. wala akong na receive. Kasalanan ko ba?
God: OO.. kasi pa hard to get ka. Hilakbot! Sinabi nya sa yo na darating siya bago mag 6pm. Bakit hindi ka lumabas?
Kel: Sabi nya traffic sa may Sucat. Kaya nag assume ako na traffic rin sa may quirino. Ok na naman kami eh. Nag sorry na ako. At saka promise I'll it up naman.
God: Wala ng next time. Hindi ka ba nakikinig sa kanya? Nung kumakain kayo ng sisig sa may blue wave.. sabi nya ayusin nyo na ang mga buhay nyo by next year. Ibig sabihin nun.. tutulungan na kita dito.. dahil minsan ang bobo mong magbasa between the lines.. ibig sabihin nun ay ayaw nya na.
Kel: Eh bakit ka nakikinig sa usapan namin? Kung nakinig kang mabuti sinabi ko rin na magigng mabuti kaming magkaibigan.. that its for the better. Na gusto ko nang ganun so that we can still see each other during get together parties.. nang hindi nagkakailangan.
God: Iniiwan ka na naman ng mga tao pero hindi ka nasasaktan. Minsan naisip ko kung tao ka o manok. Magka feelings ka naman.
Kel: Nyahhahahhaha. God, masaya ako because we're ending it that way. I mean.. somehow ending it. At saka napag usapan namin alam mo yun? Usually people don't talk about that stuff..they just leave. But we decided to keep each other as friends.. kahit anong mangyari. Walang ankward moments. Masaya kami pareho.
God: Sigurado ka? Eh bakit hinila mo si Carlo papuntang Malate para pag usapan nyo yun.
Kel: Eh wala lang. Trip ko lang. Walang mapag usapan eh.
God: Pwede bang wag mong itago ang emosyon mo sa kin? HIndi mo ko magulang pero kilala kita.
Kel: Stop reading me, please! Malungkot ako, fine. But I'll get through this.
God: Hay naku, Kellie. Minsan gusto na kitang pasagasaan sa tren para matapos na ang kakaiba mong pag iisip sa mga bagay bagay. Ibabalik kita ulit sa mundo bilang libro.. gusto mo ba yun?
Kel: Anong klaseng libro naman ako? Sana wag yung parang kay Bob Ong.. kasi walang natutunan ang mga tao dun. Nyahahhahahha. Eh teka nga God, alam mo ba minsan.. naiisip ko kapag may gusto kang parusahan na lalaki eh pinapakilala mo sa kin. Bakit ba ganun? Alam mo minsan nasasaktan na ako. Hindi rin kita maintindihan eh.
God: Wag kang mag drama dyan. Pinapakilala ko sila sa yo kasi alam kong marami silang matututunan.
Kel: Sexually ba ito? Nyahahhaha.
God: Wag kang bastos, Diyos ang kausap mo.
Kel: Sorry naman. Eh ano naman ang matututunan nila sa kin? Puro ka kornihan lang ang napapala nila sa kin.
God: Natututo silang maging matatag sa buhay.
Kel: Wow. Flattered naman ako. Talaga?
God: Nyahahhahahah. Joke lang, tange. Natututo silang mag isip ng konti.. binibigyan mo sila ng direksyon sa buhay. Isang bagay na kailangan nila para sa mahabang paglalakbay.
Kel: Hay naku.. sabi ko na nga ba. Gagawin mo akong mini book travel map kapag binalik mo ako sa mundo.
God: Tingnan mo tong, tangang to. May buhay ba ang libro? Nag droga ka ba bago matulog? O malupit lang talaga ang impluwensya sa yo ng WANSAPANATAYM?
Kel: Eh kasi naman GOD.. nagpapatawa ka. Kaya sinasabayan lang kita.
God: Mas malupit ang sense of humor ko sa yo. You can't humor me. o ano nang christmas wish mo?
Kel: (nag isip saglit..) God gusto ko sanang..
God: Ah, hinde hinde. Wag yan. Magiging magulo ang buhay mo kapag nagkakatotoo yan. Ibang wish. Wag yan.
Kel: Eh ang labo mo naman pala eh. Tatanungin mo ako pero hindi mo naman ibibigay yung gusto ko.
God: Hindi kasi pwede yan. Pinagbigyan na kita. Sabi mo kahit sandali lang. Binigay ko na.. now its time to move on. Hindi na talaga pwede.
Kel: O sige world peace na lang.
God: Wag kang bayani. Mayrabaho yan.. pahihirapan mo pa ko.
Kel: O sige.. (isip ulit) hmmmmm... sana after six years.. maging artista ako.
God: katulad ni Pokwang, Tsokoleyt o kaya Ai ai?
Kel: Wala na bang ibang choice?
God: Wala na. Mahirap gumawa ng himala these past days. Inaabuso ka ng mga tao.
Kel: Nyahahhahah.. o sige. Block socks na lang.
God: HAHHAHAHAHHAH! Wag mo ngang pagtawanan ang officemate mo sa APAC. MAy purpose kung bakit tumatalsik ang laway nya. Kung bakit siya ganun. Hindi ka kagandahan pero kung makapintas ka.. dinaig mo pa ko.
Kel: O sige na nga. Gusto kong makapunta sa States.
God: Alam ko ang iniisip mo. Move on. Hindi na talaga pede.. wag kang makulit.
Kel: Hay naku.. wag na nga. Saka na lang ako hihingi. Kapag may naisip na kong magandang wish. Utang nyo na lang muna sa kin. Magiisip ako hanggang new year.
God: Siraulo! Its now or never.
Kel: Eh ang hirap. Right now.. isa lang ang nasa isip ko.
God: Hindi nga pede si Brad Pitt, leche! Ang kulit mo.
Kel: Si Benicio Del Toro?
God: Huwag kang ilusyunada.
Kel: Eh bakit yung isang pilipina naka fling nya si Van Damme?
God: Mayaman siya saka may koneksyon. Isa ka lang pobreng taga pandacan. Ano ka ba?
Kel: O sige.. eto na lang. After how many years.. alam kong hindi pa pede ngayon. Pero sana magkita kami ulit.. and sana at that point of time.. ready na kami pareho.
God: Hmmm.... ita try ko pero wag kang mag expect. Ang kulit mo talaga! Yun ba talaga ang gusto mo?
Kel: Right now? Yup. Yun ang gusto ko.
God: Hindi ba pedeng sa next life na lang?
Kel: God naman! Wag ka nang tumawad. Etong lifetime na to ang gusto ko. Baka next life kasi busy na ko.
God: Gusto mong maging tindera sa palengke o kaya druglord next life?
Kel: Ewan ko sa yo, God. Ang gulo nyo. Pero please naman..
God: O sya sya.. sabi ko na nga ba eh. Matulog ka na ulit. Nandito na naman si Elvis.
Kel: Elvis Presley?
God: OO. Sino pa ba?
Kel: Cool. Idol ko yun.. pedeng makausap.
God: Ah hinde hinde. Baka hingan mo ng droga. Bumalik ka na sa lupa.
Kel: Fine.
God: Fine. 1..2..3..see you around.

No comments: