Monday, June 18, 2007
tribute to lara croft.
LARA CROFT nuon at ngayon.
Adik ako sa video games. Yan ang napatunayan ko sa loob ng mahabang panahon. Sila ang dahilan kung bakit ako palaging late sa iskul nung bata pa lang ako hanggang sa magtapos ng kolehiyo. Sila rin ang dahilan kung bakit madalas akong absent minded sa trabaho. Wag na kayong magtaka kung bakit wala akong masyadong kaibigan.. ang totoo ay mas naaaliw akong magkulong sa kwarto kahit isang libong taon pa basta may PS1, PS2, PS3, PSP, XBOX360 o kahit nintendo WII lang. Kahit tubig lang ang kasama ko sa silid.. mabubuhay na ako nun at kung mamatay naman ako.. baka i-beso ko pa si San Pedro pag nagkita kami sa langit. Ganun kami lahat ka adik sa VG. Lumaki ako kasama ay puro mga lalaki.. ako lang yata ang babae nun sa bahay eh at saka yung mga tita ko.. feeling ko nga nagulat sila nung hindi ako tinubuan ng adam's apple nung kasalukuyang nagdadalaga na ko. Nyahahha. Pero walang stir.. halos lahat ng console meron kami. Magmula sa ATARi hanggang sa PS2.(wala pa kasi kaming pambili ng PS3 o kaya kahit Nintendo Wii) pero malapit na akong magkaroon nyan.
At dahil ang pamagat sa itaas ay tungkol kay Lara Croft.. halina't pag usapan natin si Spiderman. Dyok. Ang totoo ay para talaga kay Lara ang blog entry na to. Isa yan sa mga paborito kong characters sa video games, ang una ay si Mario. Nyahahhahah. (Uuuy.. ka-tyan ng Kuya ko yun!) Paborito ko talaga si Lara, natatandaan ko mga nasa 4th year high school ako nung una kong malaro yung Tomb Raider. Muntik na akong hindi makagraduate nun pero dahil nanalangin ako sa mga anito ni Lara Croft ay nakapasa naman ako. Ang pamagat nung unang Tomb Raider game ay TOMB RAIDER. Parang nagpatawa lang ako no? Pero kasi yung mga sumunod na TR games ay may titles na talaga. Katulad nung TR2 na ang title ay STARRING LARA CROFT.. hahahhaha. Tapos yung TR3 na ang totoong title ay THE ADVENTURES OF LARA CROFT (hahhah) pero eto seryoso na... at eto ang pinakapaborito ko sa lahat ng TR series: THE LAST REVELATION. Dito talaga ako natuwa at sana ito na lang ang ginawang story kesa dun sa imbentong pelikula ni Angelina Jolie na walang ka kwenta kwenta ang lahat ng storya. Maganda lang si Jolie.. yun ang isang bagay na nakapagdala sa pelikula.. maliban dun.. wala na akong maisip.
Ang TR ay sinimulan nung 1993 pa at natapos nung November 1996. Taong 1997 nung inilabas ito ng Eidos Interactive. Si Toby Gard (nasa mga 20s pa lang siya nun ah!) na taga Core Design ang lumikha kay Lara Croft. Ang totoong pangalan ni Lara Croft ay Laura Cruz (sa hindi ko malamang kadahilanan) pero dahil sa gusto nilang appealing sa American audience ay ginawa nila itong Lara. At nagdecide rin sila na British na lang daw dapat (hindi ko na naman alam kung bakit) kaya naging CROFT. Sa katunayan, wala naman talaga silang balak na gawing babae ang bida ng TR. Ang totoo gumawa sila ng dalawang character, isang babae at lalaki na binalak nilang gamitin ng sabay pero sa bandang huli ay naisip ng mga taga CORE na mas i-prioritize ang sandamakmak na puzzles (na sila lang minsan ang nakakaalam ng sagot) at stealth (na sila rin ang may alam kung paano gamitin) ay nagpasya silang babae na lang ang gagamitin nila pero marami ang tumutol dahil matumal daw ang benta ng mga video games kung saan babae ang bida. (Kaya siguro sumobra ang laki ng hinaharap ni Lara ay para maakit ang mga lalaking gamers na bumili lalo na yung mga lalaking ang social life ay hanggang sa pangarap lang.) Pero ang totoo kung bakit malaki ang boobs ni Lara Croft? Aksidente lang yun. Isang araw pinaglalaruan ni Toby ang graphics ni Lara sa computer ng naisip nyang palakihin ng 150% yung.. alam mo na... tapos napadaan ang mga manyakis na boss nya.. sabay sabi.. MAGALING MAGALING MAGALING! Gusto namin ang naisip mo. (Hmmm.. hapon ba ang mga nasa Core?) Aba malay.. basta yun ang dahilan. Ni relase ang TR sa Sega Saturn at Playstation pero nang kalaunan ay nakuha ng Sony ang exclusive rights para sa Playstation na lang mai-release ang lahat ng TR series. Ang talagang kasunod nung pangalawang TR sa PS ay sa GAMEBOY na release at ang pamagat nito ay hindi ko alam pero meron rin silang na release sa GAMEBOY ADVANCE na ang title ay THE PROPHECY. Naging sikat si Lara sa buong mundo. Na feature din sya sa TIME magazine at sa kung ano ano pang magazines. Naloko sa kanya sina Bono, mga ilang sikat na soccer players at ang bandang PRODIGY.. at kung sino sino pa. Pati yung kaibigan ko na napakagwapo ay naging taong grasa na kakaisip sa kanya. Marmi pa akong alam kay Lara Croft pero tinatamad na akong mag type.
Kaya para sa mga fans ng Tomb Raider kagaya ko.. ang TOMB RAIDER ANNIVERSARY ay para sa ating lahat! Laruin natin ng buong puso at kaluluwa.. nyahahhahaha.. ENJOOOOOOOOY!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment