Tuesday, June 19, 2007

LOST.

Ang sabi nila.. you can't have it all. Napatunayan ko sa loob ng mahabang panahon ay totoo naman pala ang kasabihan na yan. Matalino ako.. kaya natural lang na salat ako sa hitsurang pantao. Hindi naman ako sobrang pangit na mangagailangan ng magic kandila na ginagamit ni Anne Curtis sa KAMPANERANG KUBA.. pero hindi talaga ako maganda. Naisip ko lang bigla na baka matalino ako.. kaya ganun. Meron kasi akong classmate nung elementary hanggang highschool na kamukha nung alien sa MAC AND ME pero valedictorian namin yun hanggang sa maka graduate ako nung highschool.. hindi sya gwapo pero gwapo palagi siyang napapansin sa kanyang angking talino. Hindi naman umabot ang talino ko sa ganung level basta nakakasama ako sa honor roll masaya na ko dun dahil alam kong meron akong excuse para maglaro ng Video games. Anyway basta hindi ako maganda.. tapos ang kwento. Hindi ko nga alam kung bakit yan ang bungad ko entry na to.

Masyadong busy ang utak ko these past days. Naaburido na nga ako sa mga bagay na dapat kong asikasuhin. Una ay ang nawawala kong passport. (Kailangan kong kumuha ng affidavit of loss at kung ano ano pa).. pangalawa ay ang JOINT AFFIDAVIT na magpapatunay na wala akong MA. sa birthcertificate ko dahil kailangan kong kumuha ng DIGITIZED SSS ID kung saan may picture ako na nakasimangot malamang dahil sa sobrang haba ng pila sa SSS office. Kelangan ko ng ID dahil napansin ko na wala akong kahit anong ID maliban sa company ID at kapag nag resign ako.. wala na talaga kahit isa. Tapos kailangan ko ring mag isip ng research proposal para sa scholarship application ko next year.. gudlak naman kung may maisip pa ko. Unang una, hindi pa ko sigurado kung gusto ko nga ang mag aral sa ibang bansa. Kailangan ko ring asikasuhin ang enrollment ko para sa photography class ko next month.. eh aba! andami di ba? Feeling ko pati yung magbabasa nito ay maaburido. Sa totoo nga nyan wala pa akong nasisimulan dyan maliban sa pag iisip kung paano ko sisimulan. Gudlak naman talaga!!!

Eto ang una kong gagawin. Maglalaro ng PS2 ko at tatapusin yung TR anniversary special. Baka sakaling maisip ko rin kung paano ko sisimulan yung research proposal habang naglalaro. Bahala na.

No comments: