Friday, August 31, 2007

wuhooooo!

Kinabahan ako. Akala ko.. hindi na ako makakapag blog dito. Nakalimutan ko kasi ang password ko pati na rin yung secondary email ko. Kung paano ako nakapasok dito ulit.. aba eh.. Hindi ko alam. Siguro.. destiny talaga. Hahahahhaha.

Eh ano na nga ba ang nangyayari?

Sa ofis.


May opening sa account ko ng Operations Manager... sa Alabang nga lang. Pero account ko pa rin. iniisip ko kung mag aaply ako. Ang totoo.. alam ko naman na hindi ako makukuha. Hunch lang. Pero parang.. gusto kong mag apply kasi gusto kong malaman yung mga questions na itatanong nila para kung magkaroon ng opening sa Cubao ay may ideya na ko kung paano ang interview para sa Operations Manager. Nagyaya rin naman ako ng makakasama at sinabi ko sa kanila ang aking brilliant idea.. pero ang sagot nila.. "Sige.Una ka na. Share mo na lang sa amin yung mga questions.. " Eh ano naman ang masama kung mag apply tayo?? Hindi naman yun nakakahiya. Eh ano naman kung hindi tayo matanggap? May trabaho pa rin naman tayo. Basta ako.. kung sisipagin ako.. mag aapply ako... kahit alam kong hindi ako matatanggap. Sus.. para interview lang. Hindi ka naman gagahasain kung hindi mo alam ang sagot sa mga tanong nila. Ang importante.. alam nila na may intensyon kang ma promote. Duh. T-H-E.

At oo nga pala! Pansamantala.. may pasok ako tuwing Sabado. Hindi ako nagreklamo.. eh ano naman? Importante sa trabaho ang maging pro-active paminsan. Basta ang importante.. COMPEN!

May outing ang workforce ngayon! Wuhoooo! Hindi ako kasama pero masaya ako para sa kanila.

Sa buhay ko.


Nag uusap pa rin kami ni The Hotness at McWakey. Kami pa rin ni Drama King. Going strong....

Hmmm.. wala naman bago. Baka magpagupit ako ng uber sa iksi. Eh kasi sabi ng kaibigan kong si Emerson ay bagay daw sa ken ang buhok na pinauso ni Gwyneth Paltrow. Hmmm.. feeling ko naman lahat ng gupit bagay sa ken.. dahil wala naman magbabago. Pangit pa rin ako.. hahahahhaha.. at malaki ang paa.

At as usual.. napapaligiran pa rin ako ng mga taong sawi sa pag ibig. Nyeta. Palagi na lang nila akong ginagawang sounding board. Nalalabuan talaga ako sa mga ibang tao. Kung bakit nila pinapagulo ang isang bagay na simple lang naman.. aba eh malay ko. Kung ayaw sa yo.. maraming iba. Kung hindi ka tinetext.. huwag mong itext. Kung kinalimutan ka.. kalimutan mo rin. Kung mahal mo.. sabihin mo. Kung niloloko ka.. lokohin mo rin. Kung hindi pa ready.. maghintay. Kung hindi mo kayang maghintay.. maghanap ng iba. Anak ng.... may mahirap ba dun?? Yan naman kasi ang hirap sa karamihan ng tao, partikular sa mga babae.. ang akala nila ang buhay ay parang sine. Hindi yan yung tamang ma drama na parang sa mga love story na napapanood sa Hollywood. Sa totoong buhay.. walang RUNAWAY BRIDE...merong My Bestfriend's Wedding.. Pretty Woman minsan at Notting Hill din at madalas eh.. THE GOOD GIRL at SERENDIPITY. (Grabe, ang negative ko no??) Sabi ko naman sa inyo.. MINDSET lang yan.

Wala pa ring bagong playlist at movie sa aking IPOD. Tinatamad akong mag download at mag convert ng mga videos sa VIDEORA. Saka na lang.

Pinagusapan namin ni McWakey ang Silence of the Lambs saka Se7en. Hmmmm.. baka bumili ako ng pirata na DVD. Hindi ko talaga maintindihan yan si MW. Hindi sya sang ayon sa piracy dahil sabi nya.. IF THE MIDDLE CLASS AND THE LOWER CLASS CAN'T AFFORD THE ORIGINALS.. THEN..THEY SHOULDN'T. ITS FUCKEN LUXURY. Wushuuuuuu.. eh baket ka nag da download ng movies sa net? Labo mo, man.

Sa mundo.


Magkaaway si Willie Revillame at Joey De Leon.

Malapit ng ilabas ang 3rd season ng PRISON BREAK!!

Ginagawa na ang GOD OF WAR saka PRINCE OF PERSIA, the movie.

NIlabas na ang Resident Evil (sequel sa Resident Evil na nilabas sa PS2) sa xbox 360! Wuhooo.. sana may 360 ako pero PS3 na siguro ang bibilin ko. Sabi ng kaibigan ko astig daw ang 360 pero.. solid ako sa PS kaya PS3 ang bibilin ko.. alang alang sa pride. Nyahhahahahaa. Hindi ko rin bibilin ang WII, B. Kahit mura pa sya. Nyahahhaha.

--
Naisip ko lang habang nagba blog ako.. kelan kaya ilalabas ni Mc Farlane ang bagong set ng TWISTED FAIRY TALES???

Sana bukas na. Excited na ko.

Tuesday, August 28, 2007

*september na!*

Wuhooooo!!! Malapit na naman magpasko. Isang taon na naman ang lilipas.. pagkatapos sasabihin mo sa sarili mo.. hmmm.. next year dapat iba na ang trabaho ko.. next year dapat... nabili ko na to.. next year dapat.. na promote na ko. Saka ko na lang gagawin lahat ng plano ko.. next year.

Dadaan ang next year.. magpaplano ka ulit... para sa susunod na taon. Labo.

I hate to be a party pooper pero.. ayoko talaga ang christmas season. Well, maliban sa climate. Yun lang ang gusto ko pag magpapasko. Malamig. Eh minsan... mainit pa. Lumalamig na lang pag malapit na ang summer. Pero nagustuhan ko rin naman ang pasko sympre.. nung bata pa ako kung saan ang tanging problema mo lang ay kung bibigyan ka ng aginaldo ng mga ninang o ninong mo na palaging wala sa bahay nila sa araw ng pasko. Pakshet.

Pero ngayon?? Matraffic. Masikip ang daan at ang mga malls. May mga batang makukulit sa gate. May mga christmas gift list na kailangang asikasuhin. May mga reunions na kelangan puntahan.

O sige nga... ano pang meron sa pasko??

Nakakapagod. Nakakainis.

Thursday, August 23, 2007

* Ang Love Story *

Sa totoo lang... nang una kong makita ang poster ng A LOVE STORY ni Aga Muhlach, Angelica Panganiban at Maricel Soriano.. ANG BUONG AKALA KO AY SUSPENSE-THRILLER sya. Kasi naman kung makatitig si Aga kay Maricel dun sa poster na yun.. parang gusto nyang halayin si Maricel... nang paulit ulit. Saka sa totoo lang, hindi kasi ako nanunuod ng TV masyado kaya hindi ko alam na sikat pala yun. Hindi ko talaga alam na may mga trailer pa pala na pinapakita yun sa TV. Nalaman ko lang isang gabi nung nag uusap ang boss ko at isang co-worker na napanuod daw nila... at kakaiba raw ang twist. Ang love story lang kasi na napanood ko ay yung kay Yoko Ono saka kay John Lennon. OO na.. sige na pathetic ako. Kasi naman sa tuwing bubuksan ko ang TV.. either manunuod ako ng DVD, cable channels at maglalaro ng PS2. Eh malay ko ba... may sariling TV na ang nanay ko sa loob ng kwarto kaya hindi na ko masyadong nanunuod ng local channels. Hindi ko na realize... hindi na pala ako naa - update sa mga bagay na kinahihiligan ng masa. Ano na kaya ang nangyayari sa WOWOWEE... pero nakita ko kagabi nang pumasok ako sa kwarto ng inay ko para magpaalam papasok sa trabaho.. nakita ko na.. isasayaw na ni banker si Ate V. sa DEAL OR NO DEAL. Wow.... nanganak na pala si Kris Aquino.

Anyway... napanuod ko na ang A LOVE STORY na yan kasama ang dalawang bisexual na kaibigan. Wala akong narinig sa kanilang dalawa kundi.. "ANG HOT NI ANGELICA..", "SHET.. ANG HOT NYA..." at wala naman akong nasabi kundi "YUUUCK.. " sa tuwing may love scenes si Aga at Maricel.. si Aga at Angelica. For some weird reason, I just feel ankward watching it. Sa tuwing naman may love scenes si Aga at Angelica.. gusto kong sumigaw ng CHILD MOLESTATION... CHILD ABUSE.. EXPLOITATION... at kung ano ano pa. Hahhahaha. Ako lang siguro to.. weird lang talaga ako. Pero nung umpisa pa lang.. alam ko na agad ang twist ng pelikula na yun. Hinihintay ko na lang siyang matapos. At ang haba nya! Para lang akong nanuod ng Lord of the Rings. Nyahhahaha.

-
Pero kung tutuusin.. magaling ang Scriptwriter ng pelikula. Maraming batuhan ng dialogue na may sense naman. Panigurado ako.. maraming mga babaeng nanuod ng pelikulang ito. (Duh, as if naman papanuorin yan ng mga lalake.. si Celso at si Ralph lang ang alam kong nanuod nito, kinaladkad pa si Ralph ng girlfriend nya! eh si Celso?? malamang.. gusto lang makita ang dyugs ni Angelica.. pero puro side view naman eh. Sorry, tsong. Next time na lang.. pag gipit na talaga sya sa pera. Hahhahaha. Yun lang din naman ang reason bakit ako nanuod eh!) Pero teka.. ang tinutukoy kong mga babae ay hindi lang basta mga normal na babae. Yung mga tipong..nang-agaw, nanghiram, inagawan, nagparaya, nagmakaawa, niloko at yung talagang mga dumaan sa masalimuot na pagkakataon sa buhay nila.

Kung iisa - isahin natin ang mga dahilan kung bakit nangangaliwa ang mga lalake o ang mga babae.. mauubusan tayo ng oras. Pero ang dapat nating malaman ay may mga dahilan - mali man o tama - kung bakit natututo silang magmahal sa labas ng isang relasyon. Sa tingin ko.. lahat ng tao ay marupok.. may kahinaan na hindi sadyang nasasaling ng ibang tao kung kaya't natutukso silang magmahal ng iba. May mga kulang sa buhay nila na hindi mo alam kung paano pupunuin... na hindi nila alam kung paano hihilingin sa yo. May mga pagkakataon na ikaw ang bumubuo sa kanila, ikaw ang nagpupuno ng bawat kulang. Kaya ayun! Voila! Huli ka! Kabet ka ngayon. Nyahhahahahha.

Pero huwag kang papayag.

Dahil hindi mo kayang punuan ang bawat pagkakataon na may kulang sa kanya. Hindi ka magiging masaya. Hindi mo kayang magbigay nang paulit ulit nang hindi ka nasasaktan. Hindi mo kayang magmahal ng sandali lang. Hindi mo kayang magmahal ng may kahati. Hindi mo masasabing pagmamahal ito.. dahil unang una.. kapag pumayag ka.. hindi mo mahal ang sarili mo. Masakit man isipin pero alam mong totoo yan... sa bandang huli.. nagwawagi pa rin kung sino ang nauna.. sa simpleng dahilan na.. hindi ka nya mapapansin.. kung hindi nagkulang ang isa. At pag dumating ang panahon na magka ayos sila... san ka naman pupulitin??

Simple lang ang buhay. Huwag kang mananakit... at hindi ka masasaktan.

Taena.. tagalog na tagalog yun ah!

Sunday, August 19, 2007

* kasal, rush hour 3, mga holdapers.. at kung ano ano pa *

Wag mo na akong tanungin kung ano ang nangyari nung sabado.

OO. Natuloy ang kasal. At hindi nagbago ang motif...orange and red pa rin. Sa gitna ng bumabagyo at malamig na panahon ay nagbiyahe kami para marating ang simbahan. Akala ko ay makakatanggap ako ng text message mula kay Drama King na hindi tuloy ang kasal ng kuya nya.. pero naisip ko ngayon ngayon lang na kung hindi sya matutuloy ay malulungkot ako. Ikaw na ang maglibot sa buong mall para maghanap ng kulay red na dress at sapatos. Masasayang lang ang lahat ng hirap ko kung nagkaton. Nakabili naman ako ng mga nasabing bagay at hindi naman ako pinalabas sa simbahan ng makita ng pari na naka dress ako.. kaya.. salamat sa Diyos.

Beso dito.. halik duon. Ganito ang bawat tagpo sa tuwing may reunion. Wala naman akong complain dun.. sa totoo nga.. masaya pa ko dahil may pagkakataon na mahalikan ang mga gwapong kamag anak ng boyfriend ko.. hahahahhaha.. kasama na ang mga celebrities nyang kamag anak. Hmmmm.. hindi ko na babanggitin kung sino sino at baka may makabasa.. na kamag anak ni Drama King at masabihan akong jologs. Hahahahhahaha.

-
Naidaos din ang kasal.

Kinabukasan, nanuod kami ni Drama King ng Rush Hour 3. HIndi ako naniniwala na naghihirap ang Pilipinas.. sa totoo lang. Bumulaga sa amin ang mahabang pila sa sinehan. Sabihin na natin na pwedeng mga inday yun na nag day off...kung mahirap tayo.. bakit may pambayad tayo sa mga housemaids? O di kaya.. bakit marami ang may pera na pambayad sa sinehan?? Well.. naisip ko habang bumibili ng tiket si DK sa sinehan.. baka naman karamihan sa mga ito ay mga snatchers o kaya holdapers.. kaya tsinek ko ang aking bag. Sa awa ng Diyos.. nandun pa naman ang aking wallet.

Kwela pa rin naman si Jackie Chan at si Chris Rock. Marami pa rin ang natatawa sa kanila..kahit na masakit sa tenga ang boses ni Chris Rock at nadi distract ako sa malalaki at mapuputi nyang mga mata. Pero ang nakakatawa ay yung super humongous kung fu guy na talaga namang sobrang mega huge nya na para bang mas matangkad pa siya kay Hagrid. Ang laaaaakiiiii nya, grabe. At ang paa nya??? Juskulord.. kaawaan mo po ang mga ipis.

-

haaaaay... magka away na naman kami ni DK. Hindi ko alam kung bakit pero meron lang talaga siyang mga ugali na nakakainis. Siguro ako din ganun.. pero mainit ang ulo ko ngayon kaya hindi ko muna sya kakausapin. May mga bagay syang sinabi na nakapagpa init ng ulo ko.

At higit sa lahat... stressed na naman ako. Eh bakit hindi?? May pasok mamaya kahit holiday!!! Haaaaaaayyyyyy... ang buhay.. pakshet..parang life.

Friday, August 17, 2007

*did you check your friendster lately??*

Haaaaay.. ang lakas ng ulan sa labas. Gusto kong matulog pero since magdamag na akong nakahiga dahil nga may sakit ako.. napag isip isip ko na bisitahin ang aking friendster account. Hmmm.. matagal ko na rin na hindi tinitingnan ang profile ko dun. At syempre.. tinamad muna ko saglit bago ako bumangon. Pero para kasing may humihila sa kin papunta sa desktop ko... kaya sige na nga.. titingnan ko na....

Voilaaaaaaaa!!!! Isang katutak na friends na ikinasal..ikakasal.. magpapakasal at masasayang litrato ng mga nawawalang kaibigan na nagliliwaliw sa ibang bansa. Tiningnan ko ang pictures... tapos mga ilang minuto lang.. nag log out na ko. Bakit ba andaming gustong magpakasal?? Sa totoo lang... that part... I just couldn't get.

Bakit ba ang daming pumupunta sa ibang bansa para magtrabaho?? Ok naman dito sa pinas. Well.. siguro hindi lahat ng tao ay simpleng kagaya ko. Basta ako.. ok na ko dito sa pinas. Walang pwedeng lumait sa 'ken dito.. at magdikta ng dapat kong gawin.. dahil unang una.. TERITORYO ko to. Kuntento na ko sa mga pictures na kinuha sa loob at labas ng opisina ko.. sa isang sulok ng aking kwarto o kaya sa kung saan saang parte ng mga lugar na naging parte ng buhay ko sa loob ng 26 na taon. Wala akong ambisyon na magtrabaho sa ibang bansa o di kaya ay tumira sa malaki at malapalasyong bahay.. pero gusto kong mag aral sympre sa ibang bansa sa ngalan ng history.

Pero dito pa rin ako sa pinas. Akin to. Proud ako dito.

---
Sympre bored ako kaya kung ano ano na naman ang pinagsusulat ko. Pero ang totoo... gusto kong mag blog dahil parang crush ko si Oyo Boy. Nyahahahhaha. Naisip ko kasi habang nanunuod ako ng EK3 (dahil umuulan at wala na akong mapabuod na iba pa) ay guwapo naman pala si Oyo Boy. Naalala ko tuloy nung last year lang na nakasalubong ko sya sa PETRON, yung Da Place sa labas ng Ayala Alabng kung saan kami nag iinuman ng mga kaibigan ko. Hindi ko muna sya napansin nung una sympre... dahil parang..mas matangkad pa ako sa kanya at para lang siyang naalimpungatan nung gabing yun at nagpasyang bumili ng Gatorade kasama ang isang lalaki na mas gwapo sa kanya. Nagkabangaan kami.. pero walang nagsalita. Walang kumibo. Unang una.. siguro kasi dahil puro mga lalaki ang kasama ko at wala silang care sa mundo.

Nung sumakay na kami ng kotse pabalik sa office ay wala pa rin nagsasalita. Iba ang pinag uusapan nila.. pero pakshet.. si Oyo Boy... binangga akoooooo!! Ano ba naman yan! Bakit walang nagco comment??? Jologs ba talaga ako kung ako ang unang mag oopen ng topic??
DQ: Anu ba naman yan si Oyo Boy.. hindi man lang nagsorry!
Boss: ???
J: Ah si Oyo Boy. Hindi ko sya napansin.. pero astig yung sasakyan nya huh?
Boss: Ah.. yung guy na bumangga sa yo. I don't even know his name. Basta ang alam ko.. lagi ko lang natatalo yun sa counter strike.
DQ: Kilala mo pala yun.. hindi mo man lang ako pinakilala.
Boss: Are you serious?? Who is he anyway??
J: Anak ni Vic Sotto.
Boss: Ahhhhh.. siya pala yun. Well..next time. I thought you'd be more interested with Richard Gutierrez..kalaro ko sa basketball yun sa village namin. Yun.. kilala ko.

Haaaaaay... log out muna ko. Di na to kinakaya ng peanut ko.

Thursday, August 16, 2007

Ok.. unang una.. baket mo ko tinatawagan?? Aba, potah ka.. hindi ba't sabi mo sa ken parang kelan lang yun.. MOVE ON WITH YOUR LIFE?? Ano naman ang palagay mo sa ken?? Hindi nakakaintindi ng ingles?? Siyempre alam ko ang ibig sabihin nyan. Ang ibig sabihin nyan ay.. hmmm.. pakyu ako. Pakyu ka rin, pakshet.

May sakit nga ako.. eh ano naman ngayon?? Parang dati lang wala kang pakialam sa ken.. kahit mahulog pa ko sa kanal o malunod sa tubig baha deadma ka lang dyan. (well, kung mangyayari man yun.. hindi mo na malalaman!!) Hilakbot.

I don't really care what you're up to right now. Sana ganun ka rin.. because if you really want to know the awful truth.. I am much better without you.

And yes.. you are right when you said that I have a number of ex's that I still keep in touch with. Ano naman ang pakialam mo?? Whatever you do, you will never be in that list. Get over it, asshole.

Wednesday, August 15, 2007

* Im sick again.. but the world ain't stopping *


You know its really frustrating how you can be a victim of a very nasty fever. Yup. Monday night.. I was up and running around the floor. And the next day I was lying in bed.. too weak to utter a single word. Nasty virus.. if you ask me. And good lord.. can someone please turn off the air conditioning on the second floor before someone dies?? It feels like we're living in fucking Juneau. Plus.. the weather these days.. tell me about it. (*sighs*)

Honestly, I really don't know if I still have a job when I get back to work. From that on moving forward, I think I'm gonna be so lost.. my life will be like a replay of PURSUIT OF HAPPYNESS crap playing before my eyes. I dunno.. maybe I'm just being sentimental because I'm down with the sickness. Delusional maybe. But then again, thats possible. My only comfort comes from a colleague who rarely makes it to work and yet she's still in the payroll. Right at this very moment, her example is a shining beacon for me. Nyahahahha. But honestly.. friends.. I'm really serious. I think that no one can get fired when they are really sick, right? First.. the conjunctivitis.. and now this.. whatever you call it. My internal med diagnosed me with recurring viral infection r/o typhoid fever.. whatever that means. And yup.. that cruel practitioner sent me for some blood work.. and I feel like killing that pathologist. She fuckin' jabbed that needle to my arm for like maybe 5 minutes or so trying to get the right vein to draw blood from. Today, I learned that when you stick it to the wrong vein.. you ain't gonna get any blood to fill the long syringe.. Yup.. I have to learn that the hard way with the idiot pathologist on my side. I seriously want to strangle her. And for the record, this is the first time I got an awful bruise in my arm for simply undergoing a typical CBC. Some blood work, huh?? Honestly, she needs to be re-trained for DRAWING BLOOD 101. Hell, I can be punctured by a hungry vampire and I bet it wouldn't feel a thing. Argh.. so much more of being a drama queen. Anyway, to cut the long story short.. after the unpleasant encounter with the dumb pathologist.. I lived. So.....

You know what.. if I lose my job.. here's a comforting thought. I will study nursing.. or maybe that course that they offer on how to draw blood properly on sick people. And I will be a good one.. because at the end of the day.. before the world sleeps.. I don't want to be that idiot that almost killed a sick person while trying to get enough sample of blood to get a proper diagnosis. I said.. I'll stop right??? But I just hate her.. God, I wish I really know voodoo... Or an assassin..

Thursday, August 9, 2007

B moments

I'm having a pretty tough week. Believe me.. beats me if I have the energy to blog about that. Honestly? I have a handful of reasons to be pissed for the entire week but I just don't want to rant about it because I might spend the whole day counting all the awful things why we should hate the world. I'm not gonna put you through all of that shit.

This blog entry is for my dearest friend Bri. I have a lot of folks to hang out with but still I have a number of friends (if you know what I mean). I always ask myself why I have a lot of friends-friends but still at the end of the day, I always end up confiding to a few of them. I guess by now you have a pretty good idea why I'm blogging for Bri. Yeah, he is one of those smart people that can stimulate your mind when you're in the rocks. He made my day by going online just in time when I'm about to explode because I'm surrounded by, I dunno, a lot of crap?? He's in the States now but he will be back some time October.. by that time we will probably spend a lot of time catching up where we left things. With him, you can just talk about anything else and you won't feel judged. Thats the good thing about Bri. He doesn't judge people and I just love spending time with him. When we're together, we're carefree.. we don't really think of what other people think about our dysfunctional relationship. There was a rumor that I was going out with him. I guess in a way.. I did. But thats another story. We survived that part. There are just things that you can talk about him.. things that you don't have the courage to share with someone else. Just with Bri.

The weird thing about Bri is that he is kinda afraid to fail. He is a very competitive guy by nature but then sometimes you find yourself stuck in a conversation while trying to analyze why he's so afraid to take risks. That's weird because he's pretty good at playing poker. Just weird.

Gosh.. I miss having sex (sinangag express) with him. I swear to God, every time I passed by the place.. at the back of my mind.. I always wish that I'm eating with him.. laughing our hearts out as we share a hearty meal. F*ck..I really miss Bri.

Wednesday, August 8, 2007


Make your own dummy book at bigoo.ws


EX: Hey, guess what?? I'm dating someone new!
Kel: Isn't that great??!! You can finally bring someone on my wedding day!

Monday, August 6, 2007

* nanggigigil mag BLOG *

Pakiramdam ko kapag hindi ko ito naisulat... makakakain ako ng tao.. buong buo. Walang kutsara at tinidor. Kung bakit kailangan kahapon ilabas ang hilakbot na survey form na yun... sila lang ang nakakaalam. Sumakto talaga kung kelan sinabon ko ang lahat ng reps ko dahil sa lumalalang absenteeism report. Syempre dahil Drama Queen ako ay tinipon ko ang kapwa ko mga TLs at sabay sabay kaming nagalit sa mundo habang pinag uusapan ang kontrobersyal na Team Leader Survey form na yan. Not that we suck.. pero ang tanong ko lang... bakit walang survey forms kung saan kami naman ang magbibigay ng opinyon sa mga pasaway naming reps??

Malakas ang pakiramdam naming lahat na babalahurain kami ng mga gunggong na yun. Sympre ito na ang tamang panahon para makaganti sa mga panahon kung saan nasigawan, binara, tinanggihan ng sup calls at hinarass namin silang lahat para mag report sila sa office sa mga pagkakataong tinatamad silang pumasok dahil may date.. naglasing.. napuyat at talagang tinamad lang silang gawin ang trabaho nila.

Unang tanong : Does your TL speaks English all the time?? May pakiramdam ako na 99% ng mga tsonggo na ito ang nag check ng NO box. Ok lang. Totoo naman.. hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagsasalita kami ng Ingles. Eh baket naman? Kung unang una ay hindi kayo magkakaintindihan ng rep mo sa kadahilanan na sa tuwing bubuo siya ng english sentence ay daig mo pa ang sumasagot ng sangkatutak na algebra problems dahil hindi mo maintindihan kung ano ang tinutumbok nya. People let's be honest.. there are times when you have to step down on their levels to understand them. Kung magsasalita ako ng English with matching phase and intonation tapos bobo ang kausap mo.. aba aba aba! Sayang ang effort.

Pangalawang tanong: Does your TL takes your sup call all the time? Isa pa to. May mga pagkakataon na talaga namang nakakapag painit ng ulo ng isang TL ang pagtanggap ng sup call mula sa mga reps na hindi ginagawa ng tama ang mga trabaho nila. Eh pakshet.. sa tuwing tatanggap kami ng sup calls.. kundi kami sisigawan ng mga callers dahil sa tanga ang kausap nila ay tatanumgin naman kami kung paano namin tine train ang mga reps namin. Para sa isang TL na gumagawa ng attendance report, performance log at kung ano ano pang deliverables na halos sa office na kami matulog para lang mapasa sa deadline.. nakakairita talaga ang matanong ka ng isang poncio pilato kung paano mo hinahawakan ang mga tao mo. Ok.. trabaho namin ang tumanggap ng sup calls.. pero trabaho rin nila ang magperform. Tanginang yan.

Madalas naririnig ko sa mga reps ang reklamong ganito : "Ano ba yan, TL! Andaming calls!! Bakit andaming calls??" Aba potah ka.. saan ka nagtatrabaho?? CALL CENTER. Ano ang gusto mong gawin maliban sa tumanggap ng calls?? O di kaya naman ay... "Ano ba yan.. bagsak na naman ako sa QA. Bakit ba palagi na lang akong bagsak sa QA?? " Gusto kong isagot ng madalas.. "Eh baka kasi kulang ka sa Iodized salt, ina ka." pero sympre hindi pede ang ganun kaya kailangan mong ire-phrase ang sagot mo ng "You just have to try better the next time.." o kaya.. " I think your greatest challenge as a rep is to be... "

Hindi madali ang maging isang TL. O sa tingin ko.. kahit anong trabaho hindi madali.. kahit simpleng barkjer ka lang ng jeep. Potah. Mahirap din yun. Pero ang nakakainis lang sa trabaho namin ay sa tuwing magkakamali ka ay nakikita ng mga tao sa paligid mo ma pwede rin nilang gawin yun.. kahit alam nilang mali. Bilang isang TL kailangan mong magpaliwanag ang lahat ng ginagawa mo kahit sa mga sandaling ikaw lang ang makakaintindi kung bakit mo ginagawa ang isang bagay.

Akala ng iba..walang kwentang magtrabaho sa call center. Wala ka raw kasing ginagawa kundi mag take ng calls. O kaya ay magyosi at magkape. Hindi ganun yun. Mahirap magtrabaho sa mga oras na tulog lahat ng tao. Mga kaibigan mo.. boyfriend at pamilya mo.. lahat yan kailangan mong bigyan ng pansin sa mga pagkakataong hindi mo sila mabigyan ng oras dahil ang shift mo ay parang nagbabantay lang ng sementeryo. Lahat yan kailangan mong isakripisyo. Lovelife.. family life.. hobby... studies.. at kung ano ano pang mga bagay na kumukumpleto sa yo bilang isang tao.

Mahirap ang magtrabaho sa call center. Eh kung TL ka pa?? Tangina.. mas mahirap.

Haaay.. labo talaga.

* Rainy Monday *

Malakas ang ulan.

Sympre kailangan miserable ako sa unang araw ng pagpasok sa trabaho matapos ang mahabang absence dahil sa pesteng sore eyes. Hindi ako magdadala ng payong... dahil...milyon milyong payong na ang naiwala ko kung saan saan. Eh taena.. sino ba ang gustong magdala ng payong???

Iniisip ko pa lang ang tambak ng trabaho sa office.. gusto ko na ulit umabsent. Ako ang reyna ng PROCRASTINATION.. isipin mo yan. Ibig sabihin maliban dun sa mga iniwanan kong trabaho bago ako nagka sore eyes.. meron pang mga panibago ulit na gagawin dahil matagal akong nawala. Sigurado.. pag uwi ko mamaya mananaginip na naman ako ng mga papel na nagsasalita at folders na nanghahabol. At sigurado.. pagbukas ko ng Outlook sa sandaling umupo ako sa cubicle ko ay magmumura ako ng malakas.

At ito pa..hindi pa ako nakakaligo ay tumutunog na ang telepono ko. Isang rep na hindi makakapasok dahil FAMILY EMERGENCY daw. Nang itanong ko kung ano ang emergency.. naoperahan daw ang tatay nya dahil... sa sakit sa bato. WOW. Gaano kaya kalaking bato?? Ang hirap talagang maging Team Leader. Putangina. Lagot na naman ako sa boss ko dahil nawawalan na naman ako ng isang unggoy. Umiinit na naman ang ulo ko. Eh bakit ba ganun?? Ang pakiramdam ko ay dahil sa mabait ako sa kanila.. inaabuso na naman ako. One of these days...mag te terminate na talaga ako ng tao. Ina nila. Pero hindi pa ngayon... understaffed kami.

Papasok na ko... kahit hindi pa ako natutulog. Ilang kape na naman ang lalagukin ko mamaya.. hindi ko alam. Mainit na ang ulo ko.. gudlak na lang sa kanila.

Sunday, August 5, 2007

*bored..but well*

You know that feeling you get on a Sunday?? Like you are having the most wonderful time and then out of the blue you felt like all the happiness are being sucked down in a pitch black of loneliness because you are thinking of the things that you need to do on a Monday morning? Fuck. i'm having that moment.. right about now.


Saturday, August 4, 2007

Usapan sa Taas Bago magkaroon ng HEROES.

(From Left to Right: Matt Parkman, Hiro Nakamura, Claire Benett, Peter Petrelli, Nathan Petrelli, Muhinder, Nikki Sanders, Micah Sanders, DL Hawkins, Isaac Mendes, Simone Deveraux)

San Pedro: Oooh..pila lang kayo. Huling tulak ngayon pababa sa lupa. Bilisan nyo at may sabong pa ko.
Peter Petrelli: Baba na po ako.
San Pedro: Teka lang, kasama ka ba sa batch ng mga superheroes?
Peter: Opo (sabay kamot ng ulo)
San Pedro : Ano nga powers mo ulit?
Peter: Ummm.. I think I'm a sponge. I can absorb any superpowers. Ako yata ang pinakamalakas.
San Pedro: Talaga?? Wow, galing. Akalain mong sa payat mong yan..BIG TIME ka pala.
Peter: ....
San Pedro: Oh, sino ka naman?
Hiro Nakamura: I'm Hiro Nakamura. I can travel through time and space. I can bend the time continuum.
San Pedro: Wow..continuum. Spell mo nga.
Hiro: Eh... pwede SHY na lang??
San Pedro: Huwag kang magpatawa. Kamukha mo nga si Herbert Bautista pero siya lang ang nag iisang Bistek.
Hiro:......
San Pedro: Psst.. teka lang.. bawal sumingit. Sino ka ba??
Claire Bennett: I'm Claire. I'm a cheerleader.
San Pedro: Eh ano naman ang pakialam ko??
Claire : I am invincible. I can regenerate.. even if I fall down from a 10000 ft building.
San Pedro : Hanep.. eh ako si San Pedro.. laban ka ba??
Claire: You're crazy.
San Pedro: Huwag kang maarte. Hala, sige! Balik dun sa pila.
Isaac Mendes : Are we going down or what??
San Pedro: Aha! i think I know you.. you're that junkie who can paint the future, right??
Isaac: Yeah. I think thats me.
San Pedro: Pakshet. English yun ah.
Isaac: ???
Nikki Sanders: Ilan po ba kaming ise send sa baba??
San Pedro: Huwag mo akong kausapin.. adok ka.
Sylar: I'm tired waiting. Can we go down now??
San Pedro: Hmmm.. so ikaw pala yung malupet na kalaban nilang lahat huh?? Ano nga yung powers mo ulit??
Sylar: I can see how certain things work. I can see through one's brain---
San Pedro: Ah, tama na! Walang kwenta powers mo kaya ninanakaw mo yung sa iba. Hala, sige! Balik dun sa pila.
Parkman:....
San Pedro: Hindi mo maririnig ang tots ko, tugak! Ispiritu ako, remember??
Parkman: Sorry naman.
DL: Can we go now??
San Pedro: AAAAAAAhhhh.. ano ka ba?? Bigla bigla kang sumusulpot! Sana kung tisoy ka di ba?? (*sabay bulong ng..NAPAKAPANGET na bata naman nito. Ano na naman kaya ang nilagok ng friend kong si God habang ginagawa nya to...NGIPAAAR....)
Muhinder: Let us go now, please??
San Pedro: Huwag ka ngang ATAT dyan! Wala ka namang superpowers.. nagmamadali ka. May lakad ka ba??
Muhinder: ....
San Pedro: Hinihintay lang natin ang grupong Xmen pagkatapos ay pwede na kayong bumaba.
Kel: Hi.
San Pedro: Hey..how do you do??
Kel: I'm doing great. Can I go down now??
San Pedro: Ok. Go ahead. You take care.
Kel: Thanks.
Peter: I cannot believe this. Why did you let her go?? She didn't even fall in line.
San Pedro: Ako ang batas dito.. wag kang epal.
Hiro: We need to save the world, you know. We have a mission.
San Pedro: Oo alam ko yan... SAVE THE CHEERLEADER. SAVE THE WORLD. Walang kakwenta kwentang punchline. Its freakin' lame, man!
Hiro: ....
Nathan Petrelli: Who is she anyway? Can she fly like me??
San Pedro: (tumawa ng malakas) Hindi mo alam kung sino yun?? I cannot believe you!
Muhinder: Tell us.. who is she?? What is her superpower?
San Pedro: Well.. its complicated. Ganito na lang.. sabihin natin na merong isang digmaan na mangyayari. Pagkatapos sa battlefield ay magsasagupaan ang dalawang grupo na may milyon- milyong tao.. sa gitna nun.. kapag umupo ang babaeng yun..walang digmaan na magaganap. UUWI na lang lahat.
DL: Huh???
Claire: Why??
San Pedro: Eh tatamarin ang lahat eh. Kaya uuwi na lang sila. Yun ang powers nya. PROCRASTINATION. Galeng noh??
Peter: Thats the dumbest thing I've heard.
San Pedro: Tanga!! Kaya ko nga siya pinauna kasi baka pag tumambay sya dito.. tamarin kayong lahat bumaba.. parang yung grupo lang ng BIOMAN nung isang linggo.
Nathan: Is that for real??
San Pedro: True that, homie. Oh ala sige... bumaba na kayo. Kapag nahirapan kayong iligtas ang mundo at gustong ipagpabukas na lang ang pagligtas dito.. hanapin nyo lang ang babaeng yun.
Nikki: How??
San Pedro: www.doriginaldramaqueen.blogspot.com. Just log in there.. and leave a message to the Drama Queen. Darating sya.. huwag nga lang sanang tamarin.

Make your own dummy book at bigoo.ws



Mc: Where you been? You were out the whole week, I got really worried.
Kel: Really?
Mc: Yeah, really.
Kel: (shrugs) Wow. Funny, you didn't ask me where I was when you dumped me for the ex-girlfriend.
Mc: i just feel its awkward to ask.
Kel: (laughs) For what its worth.. thats the time when I really want you to ask, silly.

Friday, August 3, 2007

DEATH NOTE: ONE TWISTED MOVIE, AN AMATEUR REVIEW


*This is a review of the movie, not the anime.

Short Background Check
Death Note is a Japanese manga series that was originally written by Tsugumi Ohba and illustrated by Takeshi Obata.Death Note was released last 2
003 and made its way in the movie industry. The movie was produced by Warner Bros.,Japan last 2006. The plot centers around a college student, Light Yagami, who found a supernatural book that kills every human being by just simply writing their names on it. Light believes that by eliminating criminals and people who are guilty of hideous crimes will make the world a better place to live in. Although his father is a dedicated cop, he thinks that the law is not enough to serve justice. One rainy night he found a black book that belongs to one of the Shinigamis. Ryuk, the Death God, introduced himself to Light and explained the rules of the Death Note. Light was able to use the Death Note killing criminals side by side which created a big uproar to the media as well as to the National Police. They find it hard to believe that all of the victims suffered from a common heart attack by mere coincidence. Thus, the emergence of L, a world class detective is necessary. L became Light's smart and clever nemesis. And together, they use they maximized their capabilities to set traps at the expense of risking the lives of many people until they catch each other.

Watching Death Note reminds me of
my Prison Break days where every moment just drives me at the edge of my seat. Only this time, the CGI is just breathtaking. It will be wise to watch the anime before watching the movie to fully understand each character's motives and well, to realize how well the japanese people worked their asses off to create a Ryuk and Rem that perfectly resemble the Shinigamis in the anime. They were able to create a good story plot even with the absence of some characters from the original anime itself. Light's idealisms and beliefs to create a perfect world can be really twisted tho. As Ryuk, claimed, Light fits the profile of a true death god better than him. Honestly.. where do the japs get this good story lines?? I was just amazed. I advise everyone to watch the first movie together with the sequel, LAST NOTE. Although, the last part of the movie is pretty predictable, I'd say they still deserve a solid 4 stars. I didn't give a full 5 stars because I think that they could have done better if they focused a bit more on Ryuk's motives as well. I just find it lousy that the only reason he let some human use this DEATH NOTE was based on the fact that he's just bored. The script also needs improvement, (tho i'm not completely sure about it because I watched it reading english subtitles the whole time) I just think that their lines are as not as powerful as it is in the anime. Nevertheless, Death Note is as ironic and exquisitely crooked that can leave you asking for more.. absorbed by the magnificent feeling of paradox just as you read the ending credits.

DEATH NOTE : THE RULES
  • The human whose name is written in this note shall die.
  • This note will not take effect unless the writer has the subject's face in their mind when writing his/her name. Therefore, people sharing the same name will not be affected.
  • If the cause of death is written within 40 seconds of writing the subject's name, it will happen.
  • If the cause of death is not specified, the subject will simply die of a heart attack.
  • After writing the cause of death, the details of the death should be written in the next 6 minutes and 40 seconds.
False Rules
  • If the owner of the Death Note does not kill within 13 days of the last entry, he or she will die.
  • If the Death Note is burnt, destroyed, or otherwise damaged in any way, all those who have touched that Death Note will die.
Sources: Wikipedia, Image Shack

Make your own dummy book at bigoo.ws


Nix: Should I go back to her?
Kel: Is that what you want?
Nix: What if she's the true happiness that I'm looking for?
Kel: Sweetie, when you are happy with the person.. you feel it. You don't call someone in the middle of the night asking that stupid question.
Nix: Yeah, I see where you're going with this. Bye.
Kel: Nite.

Thursday, August 2, 2007

*Fairy tales and Prince Charming*


Well, I'm sure that a typical innocent girl have dreams of a typical knight in shining armor. The one whose ethics are based on the foundation of chivalry and valor. That prince who will always be there to rescue in times of great danger... that one person who will risk his life to slay the dragon or take you away from a cruel step mum and ugly stepsisters who make your life miserable. Then for the sake of happily ever after.. he will let you ride in his white horse as the sun sets romantically in the vast horizon.. so that you can live with him in a beautiful castle where your love will blossom forever....CRAP.

At one point, girls grow up. They will learn that waiting for a prince charming to rescue her like a damsel in distress is really dumb.She will stumble down to a number of princes who are born to make her cry. Here it is in reality.. Snow White did wake up after choking from the evil apple.. she quit her job being the babysitter of the seven dwarfs and soon take her journey to work in a saloon. She worked her ass to afford insurance and realized that being a waitress is not enough to pay the rent and the bills. She worked hard in between two part time jobs to be able to pay for her tuition. She met boys and have sex with them. She buy her own birth control pills. She moves from one place to another as she meets different people. She dated a couple of junkies for fun.. she fell in love with a good guy and left him because he's just too good for her. She makes decisions on her own.. some good.. some bad.. some are just in between. She laughs. She cries. Her soul was shattered. Cracked. But soon she will be fixed again.

This is how it works really. Prince Charming is always a product of our hallucination.. or sometimes a fragment of our imagination. Sometimes they are just in time for our rescue.. sometimes they come way too late. They are creatures who at times, torn between confusion and hatred that needs to be rescued as well. We sometimes look for their horses when in times, they can't really afford one. I read a book once about a girl who was confronted by a prince. He asked her, "Would you like to ride my horse with me? I will bring you to my castle and we will live happily ever after." The girl smiled and replied, "Of course. But you can go ahead, if you want. I'm spending the whole afternoon looking for my own horse. If i find one and you can catch up with me, then I am most happy to see your castle." The prince nodded and whispered to himself, "She's a different one. I will certainly wait for her."

And so.. when the girl finally got a horse, the two rode together in the beautiful sunset and she tortures him.. happily ever after.

This is how a fairy tale should end. So the next time you ask me about Cinderella, Snow White and Sleeping Beauty.. get a hold of yourself. They are so overrated.