Sa totoo lang... nang una kong makita ang poster ng A LOVE STORY ni Aga Muhlach, Angelica Panganiban at Maricel Soriano.. ANG BUONG AKALA KO AY SUSPENSE-THRILLER sya. Kasi naman kung makatitig si Aga kay Maricel dun sa poster na yun.. parang gusto nyang halayin si Maricel... nang paulit ulit. Saka sa totoo lang, hindi kasi ako nanunuod ng TV masyado kaya hindi ko alam na sikat pala yun. Hindi ko talaga alam na may mga trailer pa pala na pinapakita yun sa TV. Nalaman ko lang isang gabi nung nag uusap ang boss ko at isang co-worker na napanuod daw nila... at kakaiba raw ang twist. Ang love story lang kasi na napanood ko ay yung kay Yoko Ono saka kay John Lennon. OO na.. sige na pathetic ako. Kasi naman sa tuwing bubuksan ko ang TV.. either manunuod ako ng DVD, cable channels at maglalaro ng PS2. Eh malay ko ba... may sariling TV na ang nanay ko sa loob ng kwarto kaya hindi na ko masyadong nanunuod ng local channels. Hindi ko na realize... hindi na pala ako naa - update sa mga bagay na kinahihiligan ng masa. Ano na kaya ang nangyayari sa WOWOWEE... pero nakita ko kagabi nang pumasok ako sa kwarto ng inay ko para magpaalam papasok sa trabaho.. nakita ko na.. isasayaw na ni banker si Ate V. sa DEAL OR NO DEAL. Wow.... nanganak na pala si Kris Aquino.
Anyway... napanuod ko na ang A LOVE STORY na yan kasama ang dalawang bisexual na kaibigan. Wala akong narinig sa kanilang dalawa kundi.. "ANG HOT NI ANGELICA..", "SHET.. ANG HOT NYA..." at wala naman akong nasabi kundi "YUUUCK.. " sa tuwing may love scenes si Aga at Maricel.. si Aga at Angelica. For some weird reason, I just feel ankward watching it. Sa tuwing naman may love scenes si Aga at Angelica.. gusto kong sumigaw ng CHILD MOLESTATION... CHILD ABUSE.. EXPLOITATION... at kung ano ano pa. Hahhahaha. Ako lang siguro to.. weird lang talaga ako. Pero nung umpisa pa lang.. alam ko na agad ang twist ng pelikula na yun. Hinihintay ko na lang siyang matapos. At ang haba nya! Para lang akong nanuod ng Lord of the Rings. Nyahhahaha.
-
Pero kung tutuusin.. magaling ang Scriptwriter ng pelikula. Maraming batuhan ng dialogue na may sense naman. Panigurado ako.. maraming mga babaeng nanuod ng pelikulang ito. (Duh, as if naman papanuorin yan ng mga lalake.. si Celso at si Ralph lang ang alam kong nanuod nito, kinaladkad pa si Ralph ng girlfriend nya! eh si Celso?? malamang.. gusto lang makita ang dyugs ni Angelica.. pero puro side view naman eh. Sorry, tsong. Next time na lang.. pag gipit na talaga sya sa pera. Hahhahaha. Yun lang din naman ang reason bakit ako nanuod eh!) Pero teka.. ang tinutukoy kong mga babae ay hindi lang basta mga normal na babae. Yung mga tipong..nang-agaw, nanghiram, inagawan, nagparaya, nagmakaawa, niloko at yung talagang mga dumaan sa masalimuot na pagkakataon sa buhay nila.
Kung iisa - isahin natin ang mga dahilan kung bakit nangangaliwa ang mga lalake o ang mga babae.. mauubusan tayo ng oras. Pero ang dapat nating malaman ay may mga dahilan - mali man o tama - kung bakit natututo silang magmahal sa labas ng isang relasyon. Sa tingin ko.. lahat ng tao ay marupok.. may kahinaan na hindi sadyang nasasaling ng ibang tao kung kaya't natutukso silang magmahal ng iba. May mga kulang sa buhay nila na hindi mo alam kung paano pupunuin... na hindi nila alam kung paano hihilingin sa yo. May mga pagkakataon na ikaw ang bumubuo sa kanila, ikaw ang nagpupuno ng bawat kulang. Kaya ayun! Voila! Huli ka! Kabet ka ngayon. Nyahhahahahha.
Pero huwag kang papayag.
Dahil hindi mo kayang punuan ang bawat pagkakataon na may kulang sa kanya. Hindi ka magiging masaya. Hindi mo kayang magbigay nang paulit ulit nang hindi ka nasasaktan. Hindi mo kayang magmahal ng sandali lang. Hindi mo kayang magmahal ng may kahati. Hindi mo masasabing pagmamahal ito.. dahil unang una.. kapag pumayag ka.. hindi mo mahal ang sarili mo. Masakit man isipin pero alam mong totoo yan... sa bandang huli.. nagwawagi pa rin kung sino ang nauna.. sa simpleng dahilan na.. hindi ka nya mapapansin.. kung hindi nagkulang ang isa. At pag dumating ang panahon na magka ayos sila... san ka naman pupulitin??
Simple lang ang buhay. Huwag kang mananakit... at hindi ka masasaktan.
Taena.. tagalog na tagalog yun ah!
Thursday, August 23, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
-----but not in most cases======
Ang Babae parang Isang Bulaklak yan.. Huwag mong Pipitasin Kung Sisirain mo Lang Din..
eh kung..bulaklak ng katuray.. pipitasin mo pa rin???
nyahhahaha
hindi pa namin napapanood dito sa saudi yan, but im looking all over for it.
lahat ng bulaklak may halaga, mpabulaklak pa yan ng kangkong o rosas, kaya ang mga lalakeng walang pagpapahalaga sa mga bulaklak na pinipitas nya, babalikan ng karma, di man ngayon pero sigurado sa darating na panahon.
Post a Comment