Thursday, May 31, 2007
isko kalabaw.
Matagal na ang kuha na to. Yung skwater na Nokia 3600 pa yung ginamit namin dyan. Sa Pangasinan yan. Kasama ko pa si Drama King nyan. Syempre no! kung may drama queen meron din drama king. Nasobrahan yata sa edit to eh. Pero cute naman si isko.. para nga lang pike.
unang sulyap.
Hindi pa sya masyadong maganda kasi wala pa akong alam sa photograpy. Aba.. sa tingin ko naman ay nasa dugo ko ang photography! Uncle ko yata si Ed Yap! Sa totoo lang.. hindi ko alam na sikat pala siya. Akala ko nagpapatawa lang siya sa tuwing sasabihin nya na may conference sila kung saan. Pero nung nag reseacrh ako sa internet.. aba aba! May nagsabi dun na.. ED YAP is one of the promising local photographers in the country. Akalain mo yun.. taga tono lang siya ng gitara ko dati! Aba.. idol ko na sya ngayon. At isa pala siya sa editor ng i-Mag magazine! Wow.. iba ka na talaga ngayon Uncle Ed huh?
--
Kinuha ko ito sa gilid ng bagong building namin sa Cubao. Mukha akong tanga dun na picture ng picture. Aba.. aba.. na impress naman ako kahit papano sa kinalabasan.Photography.. its in my blood!
peste.
Madalas ko itong nasusulat sa isang blogspot ko. English nga lang.. pero eto na naman sila. Kakapikon. Wala na kasi akong pambili ng Pro activ.. mahal pa naman yun at dahil sa meron akong photography class next month at nag iipon ako ng pambili ng SLR na camera.. ay naisip kong magtipid. Hydrogen Peroxide. Yun lang ang alam kong gamot dito.. hindi naman ako tinutubuan nito dati. Sa palagay ko dahil sa naagapan ng pro activ.. kung mayaman ka at nanunuod ka ng Home TV shopping marahil alam mo na kung ano ang ginagamitan ng pro activ..pero kung skwater ka.. sasabihin ko na nga kung ano ang tinutukoy ko. Pimple. Oo, tighiyawat. Simbolo ng true love sa mga tanga.. pero para sa kin ang pimple ay senyales ng bacteria at ka-dugyutan. Excuse me, hindi ako dugyot. Lukaret lang.. kasi nagpalagay ako ng bangs dahil.. ewan ko.. feeling ko siguro kung may bangs ako ay mauunang mapansin ang buhok ko kesa sa ilong ko pag una akong nakita ng mga tao. In fairness, napansin nga nila ako.. kasi may palong na ako na parang sa manok lang.
Anyway, ang kati talaga ng pimples ko. Oo, pimples. Dalawa silang tumubo at magkatabi pa. Parang amazing twins lang. At malalaki sila.. gusto ko nang tirisin kasi ang kati.. pero sabi ng nanay ko ay wag daw at magpepeklat. Eh ano naman ang gagawin ko? Sa sobrang laki nila.. pede na silang mag side comment pag pinansin sila ng ibang tao.
Chop: TL, yuck! ano yang nasa mukha mo?
Pimple 1: Duh. Pimple kami noh.
Pimple 2: Oo nga, skwater!
--
Nix: Yuck! Ang laki ng pimples mo!
Pimple 1: Hindi ah! Mas malaki ang paa nya!
--
Malou: Teh El, may pempul ka!
Pimple 2: Pimple, tanga!
Pimple 1: Oo nga! Bisaya!
--
Rep 1: Uyy.. TL may pimple ka!
Pimple 2: Shet.. ang baho ng hininga mo, man!
Pero may solusyon na ko sa mga pimples na to. Sabi nung isang rep ko.. lagyan ko raw ng colgate para matuyo. Sinunod ko naman siya.. dalawang bagay lang yan: 1.Paggising ko mamaya.. wala na sila o 2. Paggising ko mamaya ay may gilagid na sila. Haaaaaaay, Hilakbot!

ang mga bantay sa Cubao.
Dahil wala naman alam ang mga secu sa pagba blog.. sympre pede akong mag vent. Sa totoo lang... yung mga guards sa Cubao (yung iba dun) kung sumipsip akala nila mapo promote pa sila ulit. Haleeeeeer?! San ka nga ulit nagtatrabaho, mamang guard?! Mabilis na promotion?! No comment na lang.
Na miss ko tuloy bigla si Basilio. Yun guard na sikat sa bansag na JOHNNY BEYBI sa office namin dun sa Alabang. Pero ang totoong pangalan nya ay Basilio talaga. Hahahaha. Mabait yun si Johnny kahit na minsan naiirita ako pag tinatawag nya ako sa pangalan ko ng paulit ulit "Killieeee...wandir wuman.. Lenda Cartir!" tapos andami dami pang tao na pasakay ng elevator. Hilakbot.
Dito naman sa Cubao.. madami na akong sinungitan na guard. Una, nung sitahin nila ako na naka tsinelas daw ako.. paano naman nila nasabi na tsinelas yun? Eh may bulaklak sa gilid? Nag drawing pa tuloy ako sa papel ng hitsura ng totoong tsinelas. Muntik pa ko ma late. Sumunod sinungitan ko rin yung isang mamang guard nung sinita nya ko na bawal magdala ng pagkain sa loob ng call floor. Eh alam ko naman yun.. sabi ko nga dadaan ako sa kabilang pinto para kumain sa labas. Dun sa backside.. wala namang ibang dadaanan kundi dun lang. Pumayag naman siya pero kinabukasan may natanggap akong email na nagpalusot daw ako at pinilit kong ipasok ang pagkain sa loob. Hina hunting ko pa ang guard na yun hanggang ngayon dahil aawayin ko pa sya ulit. At ang pangatlo ay nung ayaw akong pahiramin ng susi para magamit yung isang washroom na pang VIP lang daw. Dahil may shower room kailangan pang VIP daw.. pero pede naman pumasok ang mga TL dun. HIndi lang siya aware na TL ako.. yun ang nakakapikon na parte. Kaya tinanong ko siya.. "sa tingin mo bakit ko hihiramin ang susi kung alam kong hindi ako pwedeng gumamit ng CR dyan?" pinahiram nya naman ako. Pero may email pa rin kinabukasan. Same guard... hina hunting ko talaga siya. At pag nalaman ko ang pangalan nya ay kukulamin ko sya.. gagawin ko siyang pigsa. O kaya vacuum cleaner.
Para lang siyang yung ibang kakilala ko sa office.. HUUUUUY! HIndi kayo mapo promote sa ginagawa nyo. Hintay muna kayo ng mga vagillion years para maka usad.. dami pa silang dapat i promote.. una na dun ang mga friends nila. Hilakbot!

Tuesday, May 29, 2007
Single ako.
OO.. tama yung title.. single nga ako. Hoy, kapal nyo.. hindi ako panget no. Pango lang ang ilong ko. Meron akong theory kung bakit pango ang ilong ko.. siguro nung ginagawa ako ni God ay nag aalala siya kung anong hugis ba dapat ang ponkan. Eh ilong ko na yung hinuhulma nya nun.. bigla lang talaga pumasok sa isip nya yung ponkan.. tapos siguro.. habang ginagawa nya ko.. ginulat siya ni San Pedro tapos nadiinan nung dalawang daliri nya yung bilog na hugis at nadikit nya sa mukha ko. At ang sabi nya... "Hmmm.. good idea. Gagawa pa ko ng maraming ganitong korte ng ilong para maging miserable ang buhay nila at tatawagin nla ako araw araw..sila ang aking magiging mga entertainers sa mundong ibabaw.. magpapa alala sa kin araw araw na ako ang nakaisip ng korteng ponkan... oh, Peter.. ano nga yun?" tapos nakalimutan nya na kami ni Celso sa oven.. kaya ako naging pango.. at si Celso naman ay nasunog. Bwahahahhahah...Meron pang kasama si Celso sa oven pero dahil sa mabait ako.. ay hindi ko sasabihin dahil baka ako pa ang maging dahilan sa pagbasag ng kanilang munting ilusyon na tisay at tisoy sila.. pag uusapan na naman ako sa office. Nyahahhaha.
Killer Baha sa Maynila at ang pilay sa LRT2.
Ewan ko ba. Pero sa tuwing malapit na ang birthday ko ay palagi na lang may bagyo na para bang gustong bumati sa kin. Kanina pagpasok ko sa office ay bumulaga sa kin ang umaapaw at maduming tubig sa may Pureza. Umulan kasi ng sobrang lakas.. eh nakalimutan kong nasa Pilipinas nga pala ako kaya nagtamad tamaran akong kumilos ng mabilis. Kaya ang kinahinatnan ng aking katamaran ay isang libong dusa para lang makarating sa opis ng buo pa ang aking katawan.
Pakiramdam ko.. para lang akong isang character sa RPG game na punong puno ang pakikipagsapalaran matapos lang ang laro. Traffic.. baha...malakas na ulan at mga mababahong tao na pinagpawisan na ng buong araw ang mga nakasabay ko. Gusto ko nang mahimatay. Parang nakikita ko pa ang mga bacteria at germs na nakakapit sa mga TSHIRT nila na kumakaway sa kin at nginangaratan ako. Shet. Bagong ligo pa naman ako. At sa totoo lang.. madali akong mairita kapag nadikit ako sa taong amoy construction worker.
Dusa. Talagang dusa ang pagsakay ng LRT2.. na stranded pa ang ibang pasahero dahil ewan ko.. ang tagal nung tren. Siguro nakikipag usap pa yung operator sa syota nyang si Inday. Binalak kong huwag na munang sumakay sa unang tren na huminto pero late na ko. Kaya kahit mukha kaming sardinas sa loob ay sumakay na rin ako.. halos wala ka nang makakapitan. Eh matatakutin pa naman ako pag wala akong makakapitan habang umaandar ang LRT.. kaya nag panic ako. Nang biglang umandar ang LRT ay walang ka gatol gatol akong napakapit sa isang bagay na sa tingin ko naman ay bakal... yun nga lang saklay siya ng isang mamang pilay. Napasigaw siya at nagpanic ang mga tao sa loob ng LRT.. nag sorry naman ako. Pero sa palagay ko gusto nya akong hampasin ng saklay pero napag isip isip nya na hindi nya pede gawin ang naiisip nya dahil.. haleeeer... pilay? Kaya wala siyang nagawa kundi tanggapin ang sorry ko. Deadma na lang ako sa ibang tao na nakatingin sa kin pero gusto kong sumigaw ng.. "eh ano ngayon kung nakatakip ang ilong ko? Nyeta.. ambabaho nyo! Amoy kayo... skwaking!" Eh amoy naman talaga ghetto yung tren.
Matapos ang dalawamput libong taon at isang dekada ay nakarating naman ako sa opis namin sa Cubao. Mabango pa rin ako.. yun nga lang.. parang may after taste yung mga samut saring baktol na naranasan ko kagabi. Nagbabalak nga ako na sa susunod na sweldo ay bibili ako ng speed boat para sagasaan yung mga batang naglalaro sa tubig baha na tuwang tuwang magtampisaw sa kulay brown na tubig.. HYUUUUUCKZ. Mga pulubi.

Monday, May 28, 2007
D' Adbyenturs in Baguio City.
Nang umalis ako sa dati kong workplace.. naipangako sa lahat ng mga kaibigan ko na tamad mag drive papuntang Manila na bibisitahin ko pa rin sila. Kaso lang.. tamad din ako. Kaya gumawa na lang ako ng blog. Baka kasi mamiss nyo ang humor ko.. mga prens. Pero ang totoo.. marami akong blog talaga. Eto lang ang public viewing. Masyadong emosyonal kasi ang mga nakalagay sa iba kong blogs.. saka english yun. Ayoko kayong pahirapan.
Sa totoo lang.. kakagaling ko lang ng Baguio. Team building. Masaya sana kundi lang kami hinabol ng mga lasing na igorot nang mamalengke kami ng 2 kong reps bago kami tumulak pa- maynila. Ang mga HILAKBOT na yun! Akala ba nila.. ako ang nawawalang SUGO? Alam kong malaki akong babae at may kapanguan ang ilong ko.. pero hindi ako ang nawawalang sugo. Ita ako. Hindi ako igorot. Nyeta. Napasakay tuloy kami sa jeep ng ganun ganun na lang at nang tanungin kami ng mamang driver kung saan kami bababa ay napasigaw ang isa sa min ng "BAKEKANG!" pero ang gusto nyang sabihin ay BAKAKENG. Napakabaho naman kasi ng pangalan ng road na yun.. siguro ipinangalan yun sa isang galising bayani ng Baguio City. Pero dabess pa rin ang lugar.. salamat sa pamilya ni Warren na kumupkop sa min sa 3 araw naming paglalagi dun. Naging hospitable ang mommy nya kahit mukhang skwater yung iba kong reps na kung mag ayos ay para lang mamamalimos sa kanto. Nagbalak nga ako na kapag kinulang ang budget namin sa Baguio ay pagbibihisin ko ng suot igorot ang isa sa mga reps ko at sasamahan naming tumambay sa Mines View para makalikom ng konting salapi sa pag pi picture.Pero hindi naman kami kinulang.. sa katunayan sa susunod na long weekend some time in September ay nagbabalak naman kaming pumunta sa Vigan. At pag kinulang kami ng budget ay natanto kong ibenta naman ang isa ko pang rep sa mga Antique shop duon.
Hindi kami masyadong nakapag gala dahil sa umuulan. Bad trip. Pero iba pa rin kasi pag madami kayo... marami kayong pedeng gawin kahit nakakulong lang kayo sa bahay... pwera lang ang jerjer dahil mutants ang mga kasama ko. Nandidiri sila sa isat isa. Nag videoke kami nung gabi sa Nevada Square kung saan gumigimik ang mga cool kids at mga inday na nagpapanggap na cool. Pagktapos nun ay umuwi na rin kami matapos naming bayaran ang 2,900 pesos na nagastos namin sa pagkanta nung gabing yun. Mura ito sa totoo lang.. kasi 13 kami at lasing kaming lahat. Nagpaiwan pa yung iba sa min at nakipag sayaw sa ibat ibang elemento at ispiritu ng Baguio City. Pakialam ko sa kanila.. basta wag lang silang masasapian at baka tumaas ang attrition ko sa office.
Kinabukasan.. nagbalak kaming mag picnic pero umulan nung nasa John Hay na kami. At dahil dala na namin ang mga pagkain ay naghanap na lang kami ng pedeng makainan kung saan hindi kami mababasa. Eh.. tumila naman ng konti yung ulan tapos may nakita kaming pedeng kainan malapit sa isang call center dun. Kumain kami ng mabilis na para bang may premyo kung sino ang unang matatapos sa min sa pagnguya at pag inum ng softdrinks. Ang skwater naming lahat.. pero masaya dahil para kaming mga dead hunger. Nyahahahha.
Pag uwi namin ay nagkwentuhan kami ng mga reps ko.. mula sa pambubugbog ng mga syota hanggang sa mga nakakatakot na portals sa ibang daigdig. At syempre sa mga bisayang punchlines at halitosis encounters na nagpasakit ng tyan namin sa kakatawa.. dahilan kung bakit kami nakatulog habang nag iinuman ang iba sa labas habang nag iihaw ng tilapia.
Marami pang nangyari... pero yung iba wala talagang sense. Feeling nga namin ang haba ng bakasyon. Mamaya balik trabaho na naman kaming lahat! Pero sympre.. excited ang lahat na pumasok.. dahil sa wakas.. meron na silang mga peyturs na mapo post sa kani kanilang stations na para bang gusto nilang ipangalandakan... HOOOOOOY!!! Nakarating ako sa Baguio! Nakakita na ako ng pine tree sa wakas...iba talaga pag first time.. bwahahahhaha.

Ang jo jologs nyo! Mga pobre!
Subscribe to:
Posts (Atom)