Thursday, May 31, 2007

peste.

Madalas ko itong nasusulat sa isang blogspot ko. English nga lang.. pero eto na naman sila. Kakapikon. Wala na kasi akong pambili ng Pro activ.. mahal pa naman yun at dahil sa meron akong photography class next month at nag iipon ako ng pambili ng SLR na camera.. ay naisip kong magtipid. Hydrogen Peroxide. Yun lang ang alam kong gamot dito.. hindi naman ako tinutubuan nito dati. Sa palagay ko dahil sa naagapan ng pro activ.. kung mayaman ka at nanunuod ka ng Home TV shopping marahil alam mo na kung ano ang ginagamitan ng pro activ..pero kung skwater ka.. sasabihin ko na nga kung ano ang tinutukoy ko. Pimple. Oo, tighiyawat. Simbolo ng true love sa mga tanga.. pero para sa kin ang pimple ay senyales ng bacteria at ka-dugyutan. Excuse me, hindi ako dugyot. Lukaret lang.. kasi nagpalagay ako ng bangs dahil.. ewan ko.. feeling ko siguro kung may bangs ako ay mauunang mapansin ang buhok ko kesa sa ilong ko pag una akong nakita ng mga tao. In fairness, napansin nga nila ako.. kasi may palong na ako na parang sa manok lang.

Anyway, ang kati talaga ng pimples ko. Oo, pimples. Dalawa silang tumubo at magkatabi pa. Parang amazing twins lang. At malalaki sila.. gusto ko nang tirisin kasi ang kati.. pero sabi ng nanay ko ay wag daw at magpepeklat. Eh ano naman ang gagawin ko? Sa sobrang laki nila.. pede na silang mag side comment pag pinansin sila ng ibang tao.

Chop: TL, yuck! ano yang nasa mukha mo?
Pimple 1: Duh. Pimple kami noh.
Pimple 2: Oo nga, skwater!
--
Nix: Yuck! Ang laki ng pimples mo!
Pimple 1: Hindi ah! Mas malaki ang paa nya!
--
Malou: Teh El, may pempul ka!
Pimple 2: Pimple, tanga!
Pimple 1: Oo nga! Bisaya!
--
Rep 1: Uyy.. TL may pimple ka!
Pimple 2: Shet.. ang baho ng hininga mo, man!

Pero may solusyon na ko sa mga pimples na to. Sabi nung isang rep ko.. lagyan ko raw ng colgate para matuyo. Sinunod ko naman siya.. dalawang bagay lang yan: 1.Paggising ko mamaya.. wala na sila o 2. Paggising ko mamaya ay may gilagid na sila. Haaaaaaay, Hilakbot!

No comments: