Ewan ko ba. Pero sa tuwing malapit na ang birthday ko ay palagi na lang may bagyo na para bang gustong bumati sa kin. Kanina pagpasok ko sa office ay bumulaga sa kin ang umaapaw at maduming tubig sa may Pureza. Umulan kasi ng sobrang lakas.. eh nakalimutan kong nasa Pilipinas nga pala ako kaya nagtamad tamaran akong kumilos ng mabilis. Kaya ang kinahinatnan ng aking katamaran ay isang libong dusa para lang makarating sa opis ng buo pa ang aking katawan.
Pakiramdam ko.. para lang akong isang character sa RPG game na punong puno ang pakikipagsapalaran matapos lang ang laro. Traffic.. baha...malakas na ulan at mga mababahong tao na pinagpawisan na ng buong araw ang mga nakasabay ko. Gusto ko nang mahimatay. Parang nakikita ko pa ang mga bacteria at germs na nakakapit sa mga TSHIRT nila na kumakaway sa kin at nginangaratan ako. Shet. Bagong ligo pa naman ako. At sa totoo lang.. madali akong mairita kapag nadikit ako sa taong amoy construction worker.
Dusa. Talagang dusa ang pagsakay ng LRT2.. na stranded pa ang ibang pasahero dahil ewan ko.. ang tagal nung tren. Siguro nakikipag usap pa yung operator sa syota nyang si Inday. Binalak kong huwag na munang sumakay sa unang tren na huminto pero late na ko. Kaya kahit mukha kaming sardinas sa loob ay sumakay na rin ako.. halos wala ka nang makakapitan. Eh matatakutin pa naman ako pag wala akong makakapitan habang umaandar ang LRT.. kaya nag panic ako. Nang biglang umandar ang LRT ay walang ka gatol gatol akong napakapit sa isang bagay na sa tingin ko naman ay bakal... yun nga lang saklay siya ng isang mamang pilay. Napasigaw siya at nagpanic ang mga tao sa loob ng LRT.. nag sorry naman ako. Pero sa palagay ko gusto nya akong hampasin ng saklay pero napag isip isip nya na hindi nya pede gawin ang naiisip nya dahil.. haleeeer... pilay? Kaya wala siyang nagawa kundi tanggapin ang sorry ko. Deadma na lang ako sa ibang tao na nakatingin sa kin pero gusto kong sumigaw ng.. "eh ano ngayon kung nakatakip ang ilong ko? Nyeta.. ambabaho nyo! Amoy kayo... skwaking!" Eh amoy naman talaga ghetto yung tren.
Matapos ang dalawamput libong taon at isang dekada ay nakarating naman ako sa opis namin sa Cubao. Mabango pa rin ako.. yun nga lang.. parang may after taste yung mga samut saring baktol na naranasan ko kagabi. Nagbabalak nga ako na sa susunod na sweldo ay bibili ako ng speed boat para sagasaan yung mga batang naglalaro sa tubig baha na tuwang tuwang magtampisaw sa kulay brown na tubig.. HYUUUUUCKZ. Mga pulubi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment