Monday, May 28, 2007

D' Adbyenturs in Baguio City.

Nang umalis ako sa dati kong workplace.. naipangako sa lahat ng mga kaibigan ko na tamad mag drive papuntang Manila na bibisitahin ko pa rin sila. Kaso lang.. tamad din ako. Kaya gumawa na lang ako ng blog. Baka kasi mamiss nyo ang humor ko.. mga prens. Pero ang totoo.. marami akong blog talaga. Eto lang ang public viewing. Masyadong emosyonal kasi ang mga nakalagay sa iba kong blogs.. saka english yun. Ayoko kayong pahirapan.

Sa totoo lang.. kakagaling ko lang ng Baguio. Team building. Masaya sana kundi lang kami hinabol ng mga lasing na igorot nang mamalengke kami ng 2 kong reps bago kami tumulak pa- maynila. Ang mga HILAKBOT na yun! Akala ba nila.. ako ang nawawalang SUGO? Alam kong malaki akong babae at may kapanguan ang ilong ko.. pero hindi ako ang nawawalang sugo. Ita ako. Hindi ako igorot. Nyeta. Napasakay tuloy kami sa jeep ng ganun ganun na lang at nang tanungin kami ng mamang driver kung saan kami bababa ay napasigaw ang isa sa min ng "BAKEKANG!" pero ang gusto nyang sabihin ay BAKAKENG. Napakabaho naman kasi ng pangalan ng road na yun.. siguro ipinangalan yun sa isang galising bayani ng Baguio City. Pero dabess pa rin ang lugar.. salamat sa pamilya ni Warren na kumupkop sa min sa 3 araw naming paglalagi dun. Naging hospitable ang mommy nya kahit mukhang skwater yung iba kong reps na kung mag ayos ay para lang mamamalimos sa kanto. Nagbalak nga ako na kapag kinulang ang budget namin sa Baguio ay pagbibihisin ko ng suot igorot ang isa sa mga reps ko at sasamahan naming tumambay sa Mines View para makalikom ng konting salapi sa pag pi picture.Pero hindi naman kami kinulang.. sa katunayan sa susunod na long weekend some time in September ay nagbabalak naman kaming pumunta sa Vigan. At pag kinulang kami ng budget ay natanto kong ibenta naman ang isa ko pang rep sa mga Antique shop duon.

Hindi kami masyadong nakapag gala dahil sa umuulan. Bad trip. Pero iba pa rin kasi pag madami kayo... marami kayong pedeng gawin kahit nakakulong lang kayo sa bahay... pwera lang ang jerjer dahil mutants ang mga kasama ko. Nandidiri sila sa isat isa. Nag videoke kami nung gabi sa Nevada Square kung saan gumigimik ang mga cool kids at mga inday na nagpapanggap na cool. Pagktapos nun ay umuwi na rin kami matapos naming bayaran ang 2,900 pesos na nagastos namin sa pagkanta nung gabing yun. Mura ito sa totoo lang.. kasi 13 kami at lasing kaming lahat. Nagpaiwan pa yung iba sa min at nakipag sayaw sa ibat ibang elemento at ispiritu ng Baguio City. Pakialam ko sa kanila.. basta wag lang silang masasapian at baka tumaas ang attrition ko sa office.

Kinabukasan.. nagbalak kaming mag picnic pero umulan nung nasa John Hay na kami. At dahil dala na namin ang mga pagkain ay naghanap na lang kami ng pedeng makainan kung saan hindi kami mababasa. Eh.. tumila naman ng konti yung ulan tapos may nakita kaming pedeng kainan malapit sa isang call center dun. Kumain kami ng mabilis na para bang may premyo kung sino ang unang matatapos sa min sa pagnguya at pag inum ng softdrinks. Ang skwater naming lahat.. pero masaya dahil para kaming mga dead hunger. Nyahahahha.

Pag uwi namin ay nagkwentuhan kami ng mga reps ko.. mula sa pambubugbog ng mga syota hanggang sa mga nakakatakot na portals sa ibang daigdig. At syempre sa mga bisayang punchlines at halitosis encounters na nagpasakit ng tyan namin sa kakatawa.. dahilan kung bakit kami nakatulog habang nag iinuman ang iba sa labas habang nag iihaw ng tilapia.

Marami pang nangyari... pero yung iba wala talagang sense. Feeling nga namin ang haba ng bakasyon. Mamaya balik trabaho na naman kaming lahat! Pero sympre.. excited ang lahat na pumasok.. dahil sa wakas.. meron na silang mga peyturs na mapo post sa kani kanilang stations na para bang gusto nilang ipangalandakan... HOOOOOOY!!! Nakarating ako sa Baguio! Nakakita na ako ng pine tree sa wakas...iba talaga pag first time.. bwahahahhaha.

Ang jo jologs nyo! Mga pobre!

No comments: