Tuesday, July 31, 2007

*bored and sick.. to death.*

Yeah.. i'm suffering from conjunctivitis. I'm locked up here.. watching TV and browsing the net. Can't blog properly because I'm in pain. I should see a doctor soon but I'm fuckin' lazy as usual. Here's what I'm thinking right now : HEROES sucks! I have 3 DVD players but none of them can play DESPERATE HOUSEWIVES. Freakin' pirated discs!!

......

And yeah... you should check out my room! It looks like a fuckin' warehouse. Argh. I want to go back to work but I guess I won't be able to report till next week. Fuck.

Friday, July 27, 2007

*on letting go..*


There are number of songs that are just too painful to hear.. just like familiar roads on my way home that hold great memories and pieces of conversation that rekindle the hurt, bitterness,sadness... and anguish that I've been feeling for a period of time. Last year, my heart was breaking whenever I passed by Quirino Avenue along the Depot Store where you will usually catch a heavy traffic jam going to my place. On this road.. sometime last year... the greatest confession of a guy tortured my soul. I dated this guy for about 3 months and I was hell sad when things didn't work out between the two of us. I can never forget that road.. and that guy.

Early this year.. same thing happened. I dreaded taking the route from Libis to Makati. I dated a guy who used to pick me up from work and drive me home after we had breakfast. Things changed and we stopped dating.

Now, don't get me wrong. They are good, charming, witty and good looking guys who have a superb sense of humor. At some point, I wanted to own them.. to be with them.. to give them the chance to love me and at some point, I was convinced that I was ready. But then the greatest realization came over me one day as I was taking the long walk home.. alone. I can never complete a person if I'm broken into thousand pieces. I cannot commit into taking part into someone else's life if I can't even justify my own decisions. I guess, unconsciously, these are my motives why I turned my back to these guys. I was confused.. taken by the current of their indecisiveness.. thrown in a pitch black of nothingness as I wait for the perfect sign to know if they are the right person for me. I was threading the path of WHAT IFs, when I myself can't even figure out the right decisions on my own. (taena.. ang labo noh? pero yun.. yun)

In life.. there are just things that you do and you don't do. Our willingness to do the right things are always driven by our emotions.. by our eagerness to find happiness.. by our desperate acts to belong. And somehow when we are approached by the fruits of certain circumstances that drove us to perform these actions.. we call it a DECISION that we've made. (taena.. mas malabo sya ngayon di ba?? eh baket ko ba kasi to ini explain sa english?? pede naman sa tagalog.. pero sympre.. kunwari deep akong tao.. kaya dapat may ganito.)

So here goes nothing.. I think life is an open road. We meet people and we let go of them. At most, we continue our journey while we bruised ourselves on the way..sometimes it takes time to stand up and sometimes we just give up when the wind knocked us down or when a detour is blocking our way. We usually stop walking..frightened of the dangers that might come ahead when we know that we're supposed to go on.. because somewhere in that open road.. someone is patiently waiting for us to help us take the long way path of uncertainty... destination.. unknown.

Wednesday, July 25, 2007

* the busy weekend *

I'm not gonna blog much today because I'm really tired. I received a text message in the wee hours of this morning from Alex asking me to call him. I was having my lunch break then.. at 4:00 am (that's right,friends!) Well anyways, I called him... a bit anxious because he usually calls me when he wants to talk to me. He answered... and I was like.. "'Zup, babe?", his voice seemed excited, "Someone wants to talk to you," and in a heartbeat I was hearing a familiar voice.. At first, I found it hard to believe. This can't be her.. then I finally blurted out with all the strength left in me.. "Ooooooh myyyyyy GoooooooD!!! Mama??" Yup. Its her. Alex's long lost mum. I wanted to jump in my seat then and there. I am so happy for Alex. He haven't seen her mum for the last 14 years. Straight. She sounded really happy to talk to me and i think I sounded cheesy. She told me that she's very excited to see me. I have been really looking forward to see her too.. we used to talk non stop on the phone for the last 7 years.

Alex went here to give me the "pasalubong" from her mum. As always.. she has excellent taste. So now.. we have an instant plan on the weekend. Supposedly, Alex and I planned to stay in my room and watch all the movies that we missed during the time when we're not seeing each other.. but then because of his mum's arrival.. we will be spending the whole sunday at Tita Bebet's to celebrate Tatay's birthday and her mum's coming back party. I can't wait. :) I've always loved his folks on his mum's side. We do a lot of crazy stuff together.. and talk about funny things. i told Alex that I'm having a busy week but he begged me to come. He said that this is important to him.. seeing the most special woman in his life talking to his mum. I waited for this, he said as he run his fingers through my hair. My heart melted and I said YES. Now don't get me wrong.. I really have a plan to go there.. I'm just playing hard to get. Its fun to see my boyfriend begs. He has this way of convincing me by giving me the puppy look and the great kiss...and...and....

We're just so happy... can't wait to see her Sunday!

Tuesday, July 24, 2007

*the sad truth behind the mind of a self confessed insomniac*


The fuckin DSL didn't work the whole morning. From the point of view of a blog addict.. this means only one thing : WAR. Yeah, I called the DSL provider every 5 minutes and expressed my disappointments in different styles. First,I said that I'm trying to beat a deadline, second I grunted at the CSR while explaining that I need to submit an email that my boss needs in the next few minutes... my third reason I think was crystal fuckin' clear when I sarcastically blurted out that their service sucks big time then I threatened them that I'm pulling my account tomorrow.. and lastly... gosh.. you really don't want to know. The CSR said that they are going to send a technician to check on my pc but I replied with.. "yeah.. you don't want to do that because my 5 foot 10 dane has a bad temper when confronted by strangers.." there was an eerie awkward moment of silence, then the CSR finally assured me that they are putting me on the ASAP list. After a couple of minutes... I was able to connect. Eh tangina.. tatakutin lang pala. Buti na lang din hindi pumunta kasi wala naman talaga akong great dane.. labrador lang.. na tumatakbo at nagtatago sa ilalim ng lamesa kapag nakakakita ng daga.

here's the sad truth.. I am an insomniac. How I get this disorder.. I really don't know. There are times when I can feel the fatigue but I can't really get myself to sleep. Maybe because my mind speeds up when I feel peace. And the only remedy is blogging. Pouring out all the nonsense thoughts just to get a good night sleep. Fuck.. is this really insomnia? Or I'm just being weird?

A lot of things took place today in my so called pathetic.. boring.. monotonous.. slow paced life. First, I was caught speaking in Filipino in the training room hallway. The scenario kept on playing in my head and I keep on drafting solid excuses in my mind just in case the trainer send an email to Eunice by tomorrow. The embarrassing part was that I was caught with one of my CSRs.. plus the trainer was so kind on delivering the ENGLISH CAMPAIGN mission vision that made me want to cry and sing the APAC song (if there is any). She said that as a team lead I should adhere to the english only policy because I am one of the role models of the company. Yeah.. I know for a fact that she is telling the truth.. but I also think that as Filipino Citizens we should practice our patriotism by speaking in straight filipino during the LINGGO NG WIKA regardless if we are working in an american call center.. after all, we are still in Cubao, Philippines as we speak while the other employees are desperately trying to convince their callers that they are located in New Jersey, California, Wisconsin.. wherever. Yeah.. never mind me.. I'm blabbing. Here's to English Campaign.. may we all die of nosebleed as we comply with the policy 8 hours a day within the english premises. The GODS will give us a sympathetic pat on our back. And Satan will kick us out of hell. This is bitterness at its finest, friends.

Second, I sat the whole day staring at my monitor. Dumbfounded by the tons of emails that I'm getting. This is how a team lead's life should be. Bored to death with a shitload of paperworks.

Then of course.. there's the usual horseplaying and chat messages that made me roll on the floor while laughing. Thanks to my eccentric group of friends. Their ridiculous thoughts that were cleverly delivered really makes a boring day worthy. Plus playing Aerosmith and MCS in the background keeps me calm. Just like the old days when I was attached to someone and sending corny messages. Hey! We all go through that pace once in our lives. Yeah.. its ugly but its the truth. It was worth my while.

And.. oh yeah.. the cigarette and the coffee breaks. My favorite part of the day.. right, Abby? Hehe. As horizon agents we are always dying to get our asses off the call floor and smoke our hearts out. Believe me.. its more glorious when you become a TL.

How em I supposed to live my life on the next half of the year? Who the hell knows? Who the hell cares?? Line them up.. coffee cups and million packs of Marlboros.. then maybe I can figure it out. One day at a time.


Monday, July 23, 2007

*Quotable quotes*


"Love can mend your life or love can break your heart."
-The Police, Message in a Bottle

"Every new beginning comes from some other's beggining's end.."
-Closing Time, Semisonic

*the first half*


This blog entry is for my dearest friend, Daniel, who thinks that my blogspot is really interesting because he can't understand a word on it and for my friend Paolo who enjoys criticizing my works on his free time..So since you guys are there during my darkest times..here goes my unbearably nonsense piece.

Geez, i really dunno where to start. Its weird to write a review of the things that happened on the first half of the year. Ok. So my move to Libis was the first mark of the year. It was freakin lonely. I was getting over someone who shared a part of my life during the Christmas season. The move to Libis was not really a solid plan.. I said it a couple of times that I didn't move there for the wrong reasons.. but partly.. I guess I did. I was scared to stand on my own without my friends whom I've grown with for the last 3 years. I was hesitant to make friends, but as time passed by I realized that I was getting a head start and I'm automatically getting rid of the pain. Plus.. I was able to improve my knowledge with directions. (going to Libis back and forth was an adventure thats really impossible to miss, ladies and gentlemen!)

Come March, I was able to meet someone new. Though, things didn't work out the way that we planned it.. I still think that it was one hell of a ride. My summer was full of drama and big realizations that made me stronger now. I was impulsive as usual.. and confused.. and lonely... and weak. My emotions got the better of me.. I can't promise anything but I just know that when the same shit happen again... I know that I know better.

Work is work as usual. There are people who adore me but I'd still go with hate. I think a large number of reps really hate me. This is how I'm wired : LOVE ME, HATE ME.. I'm just being me. I was complained.. praised.. loved..liked..admired..and envied. These things never affect me. I still suck at deliverables though my reasoning skills did improve big time! :) (ask eunice!)

Mostly. I have learned to deal with pain. I realized that without it.. a person wouldn't feel real. I cried. I laughed. I grunted at life but I know for sure.. it will go on regardless of what I really feel towards it. I have learned to draw limitations and expectations from it. I have learned to fence unnecessary emotions without feeling pain. I have learned to accept my capabilities as a person without feeling less. I found a way to deal with my insecurities and my shortcomings. I have learned to let go of painful memories to make space for the happy ones. I realized that there is no logic behind love. Its just plain love as it is.

i bruised my knees. My wings were broken but were healed by time. I'm not saying that I'm the expert now.. hell no. The only difference is.. I just fuckin' know better this time.

Do your worst.


Sunday, July 22, 2007

*harry potter mania*


Can't wait for my copy!I wasn't able to get a reservation at FULLY BOOKED but I'm sure I'll get one this week. Ang sabi ni Nix.. mauubusan daw ako.. pero ganyan din ang sabi ng mga kaibigan ko sa kin nung lumabas ang HALF BLOOD PRINCE.

Magkukulong lang ako buong weekend. Pinahiram ko na ang PS2 ko kay Drama King kaya hindi kami magkikita ngayong linggo na to.

Hindi rin ako sasama sa despedida party ni Mikee. Sorry, man. I'll see you there na lang tsong!

At oo.. oo nga pala.. para dun sa chick na nagde dicate kay Drama King ng HOW CAN I TELL HER..na song... hehehhehehe. Alam ko pa ang lahat sa simula pa lang.. at ok lang sa ken yun. Hindi ako galit. Nakasama ko ng 7 taon si Drama King para hindi ko makabisado ang ugali nyan. Huwag kang mag alala... papaluin ko para sa yo! HAAHHAHAHA.. Magiging masaya ka rin.

At para sa mga kaibigan ko na walang magawa kundi magkwento ng Harry Potter.. eto ang dahilan kung bakit nagkulong lang ako ng buong linggo sa kwarto ko kasama si Drama King... ang dadaldal nyo!

At para sa bago kong stalker.. huuuy!!! magpatulog ka naman. Hindi ako yung nakita mong nagbabasa ng DADDY LONG LEGS!! Wrong send ka. oi!

At para kay McWakey... labo mo pa rin! Basta friends na tayo, man!

**Teka lang.. bakit naging message board to???

Wednesday, July 18, 2007

. my personal list of the jologs stuff.

Hindi ko to dapat ginagawa.. dahil jologs din ako..pero sa totoo lang.. meron talagang mga ka jologs-an na hindi ko kayang maatim. May mga jologs stuff na cute naman.. depende sa nagdadala pero meron lang talaga na hindi ko kayang sikmurain.

50. Mga text messages na may ME at U. (Hyuccckz talaga ito.) Kapag tinext ako ng lalaki sa ganitong paraan.. o ng kahit sino man.. umiinit talaga ang ulo ko.
Ex. Nakatayo me dito sa may labas ng KFC. Nasan na ba U? (Sumpain na talaga ang nag imbento nito.. nakakadire!)

49. Mga taong kumakanta in public habang nakikinig sa IPOD nila o sa kahit ano mang pipitsuging na MP3 player. (Huuuuuy!! may mga taong gustong tahimik lang ang katabi nila habang nakasakay sa jeep no??) Kamusta naman kung maimbento pa ang walking magic sing?? Riot ito.

48. Mga grupo ng bading sa loob ng LRT na kumakanta ng Mariah Carey songs, Regine Velasquez at Dreamgirls theme!! (Ano ba naman kayo?? May mga magulang ba kayo??)

47. Mga taong nakikisindi ng yosi. (Ina naman mga tsong! Bibisyo bisyo.. wala kayong lighter??)

46. Mga mag jowa na nagpupuluputan sa loob ng jeep habang lumalanghap ng polusyon. (Karamihan ng mga gumagawa nito ay mga estudyante. Ang nakakapikon na parte dito ay kapag ayaw nilang maghiwalay kahit siksikan na sa jeep.. pagpipilitan pa rin ang mga sariling magkasya.)

45. Mga magsing irog na may tawagan na 'tart (short for sweetheart), babes at lab. Mandiri nga kayo!! Mga pulis lang at mga babaeng tine table nila ang pwedeng gumanito, no!

44. Mga babaeng nanghahampas sa kahit anong parte ng katawan ng kausap nila sabay tatawa ng malakas na para bang nagtagumpay ang planong pangingidnap.

43. Mga taong hindi alam ang rules ng taglish. Hahhahahah. Madalas namin itong pinagtatawanan ng kaibigan kong si Paolo.
Ex. Na-brought up, Na-worried at kung ano ano pa.

42. Mga taong malalakas ang boses na parang may inilalakong gulay kapag nagsasalita.

41. Mga babaeng naghahabol ng lalake kahit tinabla na sila. (Huuuuy!! Nakakahiya ang mga ginagawa nyo..)

40. Mga wrong send kunwari na messages na isang paraan ng pagpapansin sa isang taong walang interes sa yo.. o kaya sa ex o kaya sa crush mo na patay na patay ka. (yuck!)

39. Mga bisor na sumasablay ng malupit sa english grammar sa mga office correspondence. (Skwaking talaga!)

38. Mga taong nagda drama sa WOWOWEE. (hahhahaha.kakahiya.)

37. Mga taong kumakanta ng Itaktak mo in public! (wag naman kayong ganyan.. may LSS ako!!)

36. Mga taong may picture ni Judy Ann sa mga wallet nila. (need I say more???)

35. Mga taong may graduation pics at studio pics na ang background ay rainbow o light blue sa friendster. HAHAHHAHHAHA.

34. Mga babaeng may gold big bag na sobrang bakya ang kulay ng gold.

33. Mga maiitim na tao na may blond highlights sa buhok!! (Kala nyo cool?? Mukha kayong jmandaragat.)

32. Si Celso.

31. Mga bisayang nagcha chat na nag aambisyon na palarin sa mga foreigners. (Sina.. inday, maritis at tirisa!)

... hanggang dito na muna.. wala na akong maisip eh..pero sigurado ako na habang naglalakad ako bukas sa kahabaan ng PUREZA ay may maiisip ako ulit. Hehehhehe.


*little becky *

enjoy the clips that I got while browsing the web. LIttle Becky rocks!!



*


*


*


*


*


*
CLEVER CLEVER GIRL!!!

ENJOY GUYS!!!

Monday, July 16, 2007

.review.

Sa tingin ko wala talaga akong karapatan na magbigay ng kahit na anong review sa pelikulang ito.. Unang una hindi ko napanuod ng buo ito dahil sa nakatulog ako sa loob ng sinehan.. hahhahaha. Wala na rin akong gana itong panuorin dahil baka makatulog ako ulit. Sa totoo lang.. ang nagustuhan ko lang talagang pelikula ng Harry Potter ay yung unang una.. yung mga sumunod ay inantok na ko. Siguro dahil sa nabasa ko na nga siya... pangalawa ay dahil sa mataas ang expectations ko dahil magaganda talaga yung libro ni J.K. Rowling. Sabi ko nga kay Drama King.. hindi ko na muna bibilin yung huling libro saka na lang pag napanuod ko na sa sine. Ewan ko lang kung makayanan ko. Hahahhaha. Ang pinakapaborito ko lang na part ng movie ay yung pahuli na.. nakita ko kasi si Helena Bonham Carter na ka-schoolmate ng ate nung ex ko sa Canada. Hahhahahah.. walang sense pero baka kaya ko rin gusto yun ay dahil sa yun lang yung part na gising ang diwa ko nung pinapanood ko na dahil sa papatapos na. Maganda rin pala yung part na inistorbo nung magkapatid na WEASLEY yung OWL examination. Eh hindi ko alam kung yun nga yung totoong nangyari sa libro.. kasi antagal ko nang hindi nabasa yun. Pero sa totoo lang.. ayun ang pinaka least favorite ko sa Harry Potter books dahil namatay si Sirius Black. Pero natuwa ako kay Luna Lovegood.. ganun talaga yung iniisip kong hitsura nya sa aking imagination.
*Naipangako na rin pala namin ni Drama King na hindi na kami manunood sa Gateway sa Sunday dahil bulok ang sistema nila!! Ang haba haba ng pila.. tapos kung ano ano ang pinag gagagawa ng staff nila. Eh yung sinehan nila nothing extraordinary naman dahil parang sa glorietta lang... isa lang naman yung may LA-Z boy dun!! Bulok sistema nyo, oi!! Magsarado na kayo!!

Thursday, July 12, 2007

.drama 101.


Hindi ko to kayang sabihin sa yo kaya dito na lang. Ang labo mo talaga. Kung kelan masaya na ko saka ka naman nagpaparamdam. Hindi kita tinalikuran dahil trip ko lang.. ang lahat ng bagay na ginawa ko ay may dahilan. Lumayo ako dahil gusto kitang bigyan ng pagkakataon para harapin ang iyong mga desisyon at panindigan ito. Hindi ako gumagawa ng desisyon para saktan ka.. at makasakit ng ibang tao.. lahat ng yun.. pinag isipan ko. Alam ko na hindi ka masaya.. nararamdaman ko yun.. pero hindi kita tinanong kahit minsan dahil alam kong magsisinungaling ka. Marahil alam mo na.. na may iba na.. wag mong sasabihin na mabilis dahil sa bawat pagkakataon na kinakalimutan kita.. naging malungkot ako. Dumating lang talaga ang pagkakataon kung saan pinili kong tapusin na ang mga drama at magpatuloy ng wala ka. Hindi kita tinanong kung bakit sa isang iglap ay nawala ka... basta ang alam ko lang.. inintindi kita. Kahit masakit. Ito ang dahilan kung bakit nakawala ako sa lungkot ng hindi nagagalit sa yo. Hindi ako perpektong tao..aaminin ko na maraming beses akong naging mahina sa yo.. maraming beses na nalito pero nung mawala ka.. naisip ko matapos ang walang katapusan na pag iisip na minahal natin ang isat isa kahit wala tayong pagkakataon na aminin ito.. Huwag mo akong sumbatan. Huwag mo na akong pilitin na magbalik pa.. dahil tapos na ang lahat. Masaya na ako ngayon. Hindi nga lang sa yo pero sana maging masaya ka para sa kin bilang kaibigan ko... dahil naging masaya rin ako nung mga sandaling sya ang pinili mo kahit alam kong ako ang mahal mo.

Sunday, July 8, 2007

.malapit na!.



hello fans!! malapit na. :) Hindi ko na mahintay! Isang buwan na lang! Ano na kaya ang mangyayari? Excited na ko! Walang tigil na naman akong magku kwento nito sa mga reps ko tuwing yosi breaks namin!! HAHHAHAHAH. Hindi na ko makapaghintay! Malapit naaaaaa... Kung gusto nyo nga pala mag leave ng message kay Wentworth Miller ay pede kayong mag leave ng comment sa guestbook ko. Sasabihin ko na lang the next time na magkita kami.. dapat kasi sa sabado kami magkikita eh kaso lang wala akong time dahil aatend ako ng party ni Magz. Pero i promise you guys.. sasabihin ko talaga.

p.s.

ang comments sa taas ay binabawi ko na.. baka bigla na lang akong kuyugin ng mga babae. Hindi po totoo yun! EXORCIST mode lang ako ngayon.

.ang unang comment,



Natuwa ako nung makita kong may nag comment sa isa sa mga entries ko.

Oi, achei teu blog pelo google tá bem interessante gostei desse post. Quando der dá uma passada pelo meu blog, é sobre camisetas personalizadas, mostra passo a passo como criar uma camiseta personalizada bem maneira. Até mais.

July 1, 2007 12:28 PM

Naintindihan mo ba? Juskulord.. parang sinusubukan nya akong bentahan ng mais. Eh kamusta naman? Parang sa palagay ko ay binebentahan nya ako ng kamiseta na may free na mais. HAHAHHAHAH.

Eto na rin pala ang pagkakataon ko para pasalamatan ang mga bumibisita ng blog ko. Salamat sa mga comments. Pwede nyo naman na wag nang gawin personal yung comments nyo.. hindi malalaman ng mga tao kung sino kayo dahil pwede naman kayong mag imbenta ng screen name at hindi required na iwanan nyo ang email address nyo.Kaya naman hindi mo na kailangan mag alala Spiderman, Batman at Optimus Prime.. ang identities nyo ay mananatiling sekreto! Pero salamat na rin ng marami! Malapit ko nang matapos ang website ko. Medyo kasi marami lang akong tinatapos ngayon. Pero marami akong malalagay dun na walang sense..hahahhahahah.

Sa mga kaibigan ko na palaging tumatawag sa kin dahil napapatawa ko sila sa tuwing babasahin nila ang blog ko, salamat ng marami. Kayo ang inspirasyon ko. Hindi ko talaga ginawang english ang blog na to dahil gusto kong gamitin ang wika na naiintindihan ng bawat Kamote. Salamat salamat

P.S.

Pagbigyan nyo na ko.. nag hahalucinate lang! HAHHAHAHHAHHAHA.

Friday, July 6, 2007

.PROUD TO BE PINOY.


Ano nga ba ang mapapala mo sa pagtatrabaho sa ibang bansa? Magandang buhay? Maayos na tirahan? Malaking kita? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para makakuha ng american visa? Magpapapako ka rin ba sa krus kagaya ni Robin Padilla? Iiwanan mo ang magulang mo sa HOME FOR THE AGED kapalit ng marangyang buhay na matagal mo nang pinapangarap? Ano ba talaga ang meron sa bansang Amerika?

Kung meron man akong isang ugali na hinahangaan sa mga kano.. ito ay ang kanilang pagiging tapat sa kanilang bansa. PATRIOTISM. Ang laki ng paghanga nila sa kanilang lupang sinilangan. Napansin mo ba? Tingnan mo na lang kung paano sila nagtulungan nung pasabugin ng mga terorista ang TWIN TOWERS. Nakakabilib. Tingnan mo na lang kung paano nila hinahangaan ang mga bagay na kanilang pinaghirapan.. katulad ng SPIDERMAN at iba pang pelikulang imported na trip na trip ng karamihan ng mga Pilipino. Mahal nila ang kanila..mahal ba natin ang sariling atin? Kaya mo bang ipangalandakan sa isang sosyalan na ang sapatos na suot mo ay MADE IN MARIKINA? Kaya mo bang ipagmalaki sa mga kaibigan mo na nakakaaliw si Darna kumpara kay WONDERWOMAN? Malamang hindi.

Bakit nga ba tayong mga Pilipino ay nalolokong magpunta ng Amerika? Halos magmakaawa tayo sa mga consuls sa US Embassy na payagan tayong bisitahin ang kanilang bansa. Sa DFA ba o kaya sa ibang embassies ng Pilipinas sa ibang bansa ay nagmamakaawa rin ang mga banyaga na makatuntong sa bansa natin? Meron ba tayong karapatan na i-deny ang kanilang mga visa at ipagkait ang pagkakataon na mabisita ang Pilipinas? Naririnig din ba ang mga boses natin sa tuwing inaapakan at nililibak tayo ng mga banyagang yan dahil sa bulok na sistema ng ibang tao sa gobyerno natin? O pinapabayaan na lang natin silang insultuhin tayo dahil sa kabulukan ng ibang Pilipino? Wala bang nanliliit sa tin? Wala ba talaga tayong magagawa?

Naapakan ang pagka PIlipino ko nang mapanuod ko ang pelikulang ito. Nainis ako sa mga kapwa natin na nangunguna pa sa pagpintas ng kanilang lupang sinilangan. Naiinis ako lalo dahil totoo ito. Wala pa rin tayong pinagbago. Hindi na nga tayo mga indyo dahil tapos na ang panahon ng mga Kastila pero nakakalungkot isipin na kahit malaya na tayo sa pananakop ng mga banyaga ay naiwan pa rin sa tin ang ugaling INDYO.

Hoy! Pilipino ka... pinanganak sa Pilipinas. Kahit mamatay ka pa sa Amerika.. pilipino ka pa rin. Walang magbabago.

Thursday, July 5, 2007

HUWAG KANG LILINGON.

"Late last night and the night before,Tommyknockers, Tommyknockers, knocking at the door.I want to go out, don't know if I can,'Cause I'm so afraid of the Tommyknocker man."

* Hindi halloween ngayon, trip ko lang. Mahilig kasi ako sa mga nakakatakot na palabas at kwento... hindi ko alam kung bakit.. pero yan talaga ang parang bedtime stories ko. TRIVIA: Alam mo ba kung ano ang mga TOMMY KNOCKERS?, malamang hindi mo alam kung hindi ka laki sa ibang bansa o kaya hindi ka nagbabasa ng mga nobela ni Stephen King o kaya hindi ka interesado sa mga bagay na nakakatakot o kaya hindi ka lang talaga mahilig magbasa.. FYI, hindi yan si Tommy HIlfiger. Ang mga TOMMYKNOCKERS ay yung mga taong natabunan sa pagmimina.. alam mo na.. malamang sa MINAHAN di ba? Sila yung mga ligaw na kaluluwa na kumakatok raw sa pintuan sa hatinggabi dahil akala nila bahay nila ang bahay mo. Sympre para mas creepy.. dapat may dala silang lampara. Naisip ko lang.. kung subukan kaya nilang kumatok sa mga pintuan ng mga bahay sa tabi ng riles ng tren.. o kaya sa bahay na HAUNTED HOUSE din.. ano kaya ang mangyayari? Riot ito.
*Pero eto.. seryoso ulit. Dahil hindi ako makatulog marami akong clips na nahanap sa net na kayo na lang ang humusga kung totoo. Pwede rin kasing fake sila pero kung iisipin mo na totoo.. ay talaga namang kahit pilay ka ay mapapatakbo ka sa takot.

*Unang Clip. Feeling ko babae ang kumuha nito. ano sa tingin nyo? Kung ako siguro ang nagvi video nito ay nagtatakbo na ko at nabitiwan ko na ang cellphone ko. Parang hindi naman kasi tao talaga yung nasa bintana.



*Pangalawang clip. Eto naman.. the FAMOUS BARTON MANSION ghost encounter,nakakatakot pero nakakatawa. Sabi nung administrator ng site.. hindi raw nila masyadong pinansin to nung unang sinabmit sa kanila yung clip kasi raw pwedeng tao lang yun na lumabas sa pinto pero nung pinag aralan nilang mabuti yung clip.. at ni-run ng frame by frame.. na realize nila na yung taong lumabas sa pinto ay may taas na halos umaabot sa 8 pulgada at may hawak na lampara. Nakasuot pa ito ng sumbrero na parang kay Uncle Sam lang. Pwedeng fake to.. pero nakakatakot.. at nakakatawa. Natawa ako dun sa tili nung lalaki.. talagang humabol pa nung malapit ng mag fade yung video. At dahil dito gumawa ng site ang magkapatid na mokong na to tungkol sa mga multo. Maraming nagsasabi na fake to pero kung sa kin mangyayari to.. siguro hinimatay na ko bago ako nakatakbo.



*Pangatlong clip. Eto rin nakakatawa. Nakakatakot kung totoo pero nakakatawa kasi gulat na gulat yung onaks na kumukuha ng Video. Sa isang haunted house ito kinuha.



*Clip #4. Kinilabutan ako dito. Hindi na mention dun sa site na habang may boses na nagtataboy dun sa lalaki na kumukuha ng video ay meron ring parang mukha na nakasungaw dun sa may hagdanan. Ewan ko ba.. pero parang yun ang napansin ko. Kayo na lang ang humusga.



-oo nga naman.. mas ok na ghost na lang yung nananakot sa kanya kesa sa totoong tao. Sino ba naman ang gustong matusta ng buhay.. eh naghahanap ka lang naman ng ghosts.

*Clip #5. Eto sa malamang fake to. Pero sa uulitin.. kung totoo nga to. Nakakatakot siya. Para lang akong sirang plaka no? Alam ko may english subtitle to kung sa google nyo hahanapin yung video. Popular daw to ngayon.. isang grup to ng mga magkakaibigan na naliligaw na sa isang lugar tapos may nakita silang babae na naki angkas sa kanila.. tapos nung tinanong nila kung saan pupunta.. tinuro nung babae yung isang spot.. sabi nya.. DYAN AKO BABABA.. DYAN AKO NAAKSIDENTE... DYAN AKO NAMATAY. Tapos naaksidente silang lahat. Pero nung unang panuod ko nito.. akala ko tinuro nung babae kung saan ang stop nya dahil natatae na sya.. napautot siya tapos nagulat yung mga kasama nya.. kaya nagka aksidente. HAHHAHAH.. corny no? Medyo mahaba to.



Clip #6. Dito ako kinilabutan ng malupit. Kakatakot.



---Marami pa akong gustong i post. Pero inaantok na ko. Sabi ko nga.. lazy mode ako ngayon. Pero sa susunod magpo post ako ng mga series of EVPs. Kung gusto nyo pang matakot.. pwede kayong tumambay sa www.ghostsandstories.com Maraming nakakatakot at nakakatawang mga pangyayari dun. Enjoy!! Huwag ka lang lilingon habang nanunuod.. baka kanina pa sya nakatingin sa yo at pinagmamasdan ka.


Tuesday, July 3, 2007

.tama na ang iyak.


Ang lahat ng lumipas hindi mo na maaring balikan. For every action.. there is an equal reaction. What goes around, comes around. Pakshet. Walang sense nung binasa ko. Hahahahha. Kasi naman, tumigil ka na ng kakaiyak. Wala ng part 2. Tapos na. Tanggapin mo na. Hindi ka na nya mahal. Niloko ka lang nun. Ganun talaga ang buhay.. minsan kailangan mong maloko para matuto ka. Lahat ng bagay na tama ay nagsisimula sa mali. kahit kelan hindi mo mapipilit ang isang tao na mahalin ka pero maari mong pilitin ang iyong sarili na wag na syang mahalin. :)

Yan lang ang advise na mabibigay ko sa yo. Sana mabasa mo to. Tumigil ka na kasi. Wala na talaga yun.

Sunday, July 1, 2007

.walang pamagat #1.

Lumipas ang weekend kagaya lang ng ibang weekends ng buhay ko. Nasayang. Nakapanood ako ng TRANSFORMERS kasama si Drama King. OO nga pala..kami na ulit ni Drama King. Pakiramdam ko naman duon rin lahat babagsak yun. Mahal nya ko.. at mahal ko sya. Ano pa bang hinihintay ko? Tara na mga bata!!! Nyahhhhaaa. Hindi ko pa nasasabi sa mga kaibigan ko to.. maski sa pamilya ko. Hindi pa kasi ako ready sa mga side comments ng mga yun. Ayoko pang makarinig ng mga bagay na ayokong marinig. Steady lang muna ko. Mas gusto ko yung secret muna. Andami kasing naka kontra sa mga desisyon ko these past days. Bayaan muna natin silang mag isip ng panandalian. Sasabihin ko na lang pag ikakasal na ko! Nyahahhaha.

Mabalik sa kin. Meron isang babae na naghahalucinate at nangungulit sa kin kung nag date ba raw kami ni Sam Milby!!! Hilakbot. Yun lang ang masasabi ko. Neng, hindi ako kagandahan.. sinabi ko na yan ng paulit ulit. At kahit mongoloid mode ako minsan.. hindi pa rin ako papayag na kamukha ko si Tony G. Hilakbot ka Jigger! Tigilan mo na ang ka katsismis ng mga ganyang bagay! Pero although sana.. nag date nga kami ni Sam. Pero talagang friendship lang ang kaya!! HAHAHHAHHAHAHHAHA. Hindi totoo ang mga sinasabi ko. Maghunos dili bago maniwala.

Tinatamad ako ngayon.. pero aalis pa ko maya maya. Magpapa foot spa kasi ako.. bagay na kinatatamaran kong gawin sa tuwing sasapit ang ika 2 linggo. Pero kung hindi ko gagawin... magmumukhang paa ni Zenki ang paa ko at baka taniman na lang ng kamote ng kapatid ko sa kahimbingan ng aking tulog. Kaya sige na... OO na.. magpapa foot spa na. Nyeta.

Nabanggit ko na ba na hindi natuloy ang photography class ko? OO, hindi nga natuloy. Eh pano ba naman? Lintik ang ginastos ko sa paggamot ng mga pimples ko. Natuyo na silang lahat kasama ng bulsa ko. Pede akong humingi sa nanay ko ng pera pero ayoko! Malaki na ko.. mamatay ako pag kinain ko ang pride ko. Meron pa namang next month. Hopefully matuloy na sana ako.

May pasok na naman mamaya. Marami na ang nag reresign sa trabaho ko. Halos lahat ng kasabayan ko. Buti na lang by next year.. may ticket na ko paalis dito. Kailangan ko lang talagang magsikap. Sana maging ok na ang lahat ng plano ko sa susunod na taon. Keeping my fingers crossed.

Later.. mga dudes!!

P.S.
Sana wag umulan!