Monday, July 16, 2007

.review.

Sa tingin ko wala talaga akong karapatan na magbigay ng kahit na anong review sa pelikulang ito.. Unang una hindi ko napanuod ng buo ito dahil sa nakatulog ako sa loob ng sinehan.. hahhahaha. Wala na rin akong gana itong panuorin dahil baka makatulog ako ulit. Sa totoo lang.. ang nagustuhan ko lang talagang pelikula ng Harry Potter ay yung unang una.. yung mga sumunod ay inantok na ko. Siguro dahil sa nabasa ko na nga siya... pangalawa ay dahil sa mataas ang expectations ko dahil magaganda talaga yung libro ni J.K. Rowling. Sabi ko nga kay Drama King.. hindi ko na muna bibilin yung huling libro saka na lang pag napanuod ko na sa sine. Ewan ko lang kung makayanan ko. Hahahhaha. Ang pinakapaborito ko lang na part ng movie ay yung pahuli na.. nakita ko kasi si Helena Bonham Carter na ka-schoolmate ng ate nung ex ko sa Canada. Hahhahahah.. walang sense pero baka kaya ko rin gusto yun ay dahil sa yun lang yung part na gising ang diwa ko nung pinapanood ko na dahil sa papatapos na. Maganda rin pala yung part na inistorbo nung magkapatid na WEASLEY yung OWL examination. Eh hindi ko alam kung yun nga yung totoong nangyari sa libro.. kasi antagal ko nang hindi nabasa yun. Pero sa totoo lang.. ayun ang pinaka least favorite ko sa Harry Potter books dahil namatay si Sirius Black. Pero natuwa ako kay Luna Lovegood.. ganun talaga yung iniisip kong hitsura nya sa aking imagination.
*Naipangako na rin pala namin ni Drama King na hindi na kami manunood sa Gateway sa Sunday dahil bulok ang sistema nila!! Ang haba haba ng pila.. tapos kung ano ano ang pinag gagagawa ng staff nila. Eh yung sinehan nila nothing extraordinary naman dahil parang sa glorietta lang... isa lang naman yung may LA-Z boy dun!! Bulok sistema nyo, oi!! Magsarado na kayo!!