Friday, August 17, 2007

*did you check your friendster lately??*

Haaaaay.. ang lakas ng ulan sa labas. Gusto kong matulog pero since magdamag na akong nakahiga dahil nga may sakit ako.. napag isip isip ko na bisitahin ang aking friendster account. Hmmm.. matagal ko na rin na hindi tinitingnan ang profile ko dun. At syempre.. tinamad muna ko saglit bago ako bumangon. Pero para kasing may humihila sa kin papunta sa desktop ko... kaya sige na nga.. titingnan ko na....

Voilaaaaaaaa!!!! Isang katutak na friends na ikinasal..ikakasal.. magpapakasal at masasayang litrato ng mga nawawalang kaibigan na nagliliwaliw sa ibang bansa. Tiningnan ko ang pictures... tapos mga ilang minuto lang.. nag log out na ko. Bakit ba andaming gustong magpakasal?? Sa totoo lang... that part... I just couldn't get.

Bakit ba ang daming pumupunta sa ibang bansa para magtrabaho?? Ok naman dito sa pinas. Well.. siguro hindi lahat ng tao ay simpleng kagaya ko. Basta ako.. ok na ko dito sa pinas. Walang pwedeng lumait sa 'ken dito.. at magdikta ng dapat kong gawin.. dahil unang una.. TERITORYO ko to. Kuntento na ko sa mga pictures na kinuha sa loob at labas ng opisina ko.. sa isang sulok ng aking kwarto o kaya sa kung saan saang parte ng mga lugar na naging parte ng buhay ko sa loob ng 26 na taon. Wala akong ambisyon na magtrabaho sa ibang bansa o di kaya ay tumira sa malaki at malapalasyong bahay.. pero gusto kong mag aral sympre sa ibang bansa sa ngalan ng history.

Pero dito pa rin ako sa pinas. Akin to. Proud ako dito.

---
Sympre bored ako kaya kung ano ano na naman ang pinagsusulat ko. Pero ang totoo... gusto kong mag blog dahil parang crush ko si Oyo Boy. Nyahahahhaha. Naisip ko kasi habang nanunuod ako ng EK3 (dahil umuulan at wala na akong mapabuod na iba pa) ay guwapo naman pala si Oyo Boy. Naalala ko tuloy nung last year lang na nakasalubong ko sya sa PETRON, yung Da Place sa labas ng Ayala Alabng kung saan kami nag iinuman ng mga kaibigan ko. Hindi ko muna sya napansin nung una sympre... dahil parang..mas matangkad pa ako sa kanya at para lang siyang naalimpungatan nung gabing yun at nagpasyang bumili ng Gatorade kasama ang isang lalaki na mas gwapo sa kanya. Nagkabangaan kami.. pero walang nagsalita. Walang kumibo. Unang una.. siguro kasi dahil puro mga lalaki ang kasama ko at wala silang care sa mundo.

Nung sumakay na kami ng kotse pabalik sa office ay wala pa rin nagsasalita. Iba ang pinag uusapan nila.. pero pakshet.. si Oyo Boy... binangga akoooooo!! Ano ba naman yan! Bakit walang nagco comment??? Jologs ba talaga ako kung ako ang unang mag oopen ng topic??
DQ: Anu ba naman yan si Oyo Boy.. hindi man lang nagsorry!
Boss: ???
J: Ah si Oyo Boy. Hindi ko sya napansin.. pero astig yung sasakyan nya huh?
Boss: Ah.. yung guy na bumangga sa yo. I don't even know his name. Basta ang alam ko.. lagi ko lang natatalo yun sa counter strike.
DQ: Kilala mo pala yun.. hindi mo man lang ako pinakilala.
Boss: Are you serious?? Who is he anyway??
J: Anak ni Vic Sotto.
Boss: Ahhhhh.. siya pala yun. Well..next time. I thought you'd be more interested with Richard Gutierrez..kalaro ko sa basketball yun sa village namin. Yun.. kilala ko.

Haaaaaay... log out muna ko. Di na to kinakaya ng peanut ko.

3 comments:

wanderingcommuter said...

nakarelate ako bigla...

wanderingcommuter said...

nakarelate ako bigla...

Anonymous said...

sino si richard gutierrez? harharhar kulang lang iyan sa paligo kasi malamig ngayon. hehehe