Sunday, February 10, 2008

FYI: Artist ako.

Napansin ko lang.. nahihilig ako sa comic strips ngayon. Nung bata ako, galit na galit ang lola ko pag nakikitang nagbabasa kami ng comics! (RIP, Lola!) Hindi raw ito mabuti para sa aming sumisibol na imahinasyon.. kung kaya't tinambakan nya kami ng mga librong si Doogie Houser lang ang makakaintindi. Ito rin ang dahilan kung bakit na-adik kami sa Video games at Marvel Comics.. halos tumalon kami sa bintana ng mga kuya ko kapag nakakahawak kami ng kahit anong papel na may makukulay na sketch na kung saan ang mga characters ay nakasuot ng iba't ibang kulay na damit na makikita mo rin kapag binuksan mo ang isang bag ng Nips. Para rin lang kaming nanunuod ng Porn nun kapag naglalaro kami ng Video Games... matalas ang pandinig.. gumagana lahat ng senses.. at hardcore ang pakiramdam. Kapag may narinig kaming naglalakad sa labas ng kwarto daig pa namin si Flash kumilos kung saan itatago ang Nintendo Family Com.. basta ang alam ko lang, ako yung palaging sumisigaw ng.. PIRAAAAATAAAAAAAA!!! sa tuwing makikita ko ang lola ko na umaakyat ng hagdanan.

Anyway.. baka hindi nyo naitatanong.. magaling ako mag drawing! Seryoso.. nasa dugo ko ang pagiging magaling na pintor. Alam nyo ba kung bakit?? Wala lang naman.. yung lolo ko lang naman ay estudyante at kanang kamay ni Fernando Amorsolo!! Kilala nyo ba kung sino yun?? Malay ko ba.. hindi ko rin sya kilala pero naririnig ko lang kasi mula nung maliit ako na palaging yan ang pinagmamalaki ng mga uncles ko sa mga kainuman nila. Saka pag tuwing makikita ko yung mga paintings ng lolo ko.. palagi kong tinatanong sa Lolo ko : "Lolo.. sino po si Fernando Amorsolo??" Sabay sasagot naman ang lolo ko habang hinihimas yung bukol nya sa noo.. "Ah, iha. Friends kami." END OF STORY. Yan pa rin ang sagot nya sa tuwing tatanungin ko sya ngayon. Saka ko lang na realize na SUPER ASTIG pala ni Fernando Amorsolo nang matunton ko ang kolehiyo. Sympre.. hardcore ang kaastigan nya dun sa mga painters at artist na minsan lang naliligo at sinusugatan ang sarili para ma inspire... saka dun sa mga feeling pa deep na gumagawa ng mga abstract paintings na sila lang ang nakakaintindi. Imposible mga tsong.. na hindi nila kilala si Fernando Amorsolo.

Lahat ng miyembro ng pamilya namin ay mahusay mag drawing! (Pwera lang sa nanay ko na sinubukang mag drawing ng USA nung bata ako para sa aking assignment sa Sibika at Kultura.. ang totoo ido drawing nya sana yung USA na patalon sa isang malaking fence.. pero ang kinalabasan.. yung sumunod na eksena na.. HINDI NAKAYANAN NUNG USA NA TALUNIN YUNG FENCE KAYA NAKABALUKTOT ANG KANYANG ISANG PAA AT NAKALUHOD SA SAHIG! Asteeeeeg din nanay ko no?? Pede syang maging profiler.) Sa tuwing magdo drawing ako nung HIGH SCHOOL palaging tinatanong nung mga titser ko at nars sa INFIRMARY.. Anak, ikaw ba talaga ang nagdrawing neto?? Masama ang nagsisinungaling.. at paulit ulit kong sinasabi na.. OO AKO PO... kung kaya't inaabuso nila ako sa tuwing may mga programs dahil ako ang pinagdo drawing nila ng kung ano ano. Minsan bigla na lang nila akong huhugutin sa klase pagkatapos ay isasakay sa TAXI para sumali ng DRAWING CONTEST sa ibang paaralan. Isang beses natalo ako sa drawing contest.. dito ko narealize na.. AYOKO NAMAN TALAGA MAG DRAWING!!! Pinipilit lang nila talaga ako. Ang sabi nga ng lolo ko.. ang pagdo drawing ay nasa puso.. wala sa MATA. Kung ano man ang ibig sabihin nun ay sya lang ang nakakaintindi at saka yung mga artists na naglalaslas ng pulso. Ang talagang gusto kong gawin nun ay magsulat.. magsulat ng mga kalokohan. At maglaro ng Video Games. Saka magsulat din ng mga orasyon.. hahahhahahha... marami akong nabentahan ng imbento kong orasyon para sa pagpapaputi ng kili-kili. HAHAHHAHHAHAHA... pero sa seryosong side naman.. isa akong Associate Editor ng school newspaper namin nung High School na isang beses lang napa publish sa isang taon dahil naniniwala ang Parish Priest namin na may kung anong masamang elemento ang sumasapi sa mga estudyante sa tuwing babasahin nila ang Dyaryo namin.

Muntik din akong maging presidente ng Arts Club.. pero absent ako nung nagbotohan pero alam ko.. sabi ng mga friends ko.. AKO DAPAT ANG PRESIDENTE. Pero oks lang talaga yun sa ken kasi ayoko naman talagang mag stay ng matagal sa school at pumasok ng maaga dahil natatakot akong makakita ng multo. May URBAN LEGEND kasi sa school namin na meron daw babae na nagpapakita sa 3rd floor kapag wala pang tao sa school. Ang pangalan nya ay MILAGROS. Hindi ko na matandaan pero ang alam ko ay nag spirit of the glass kami nun tapos ay na guidance counselor kaming lahat kasi meron akong isang kaklase na sinapian daw. Nagkasakit saka nangingisay daw.. saka ko na lang nalaman nung gumradweyt ako ng HS na may sakit syang EPILEPSY. Rak en Rol! Eksena naman to si Milagros.. sasapi lang dun pa sa may kapansanan.. hindi tuloy sya sineryoso nung mga naka witness.

Gusto ko talagang maging COM ARTS student.. o kaya Mass Communication o kaya LITERATURE student pero nung sabihin ko ito sa mga matapobre kong mga kamag anak ay tumutol silang lahat. Ang sabi nila marami raw namamatay na mga reporters at writers na dilat ang mga mata dahil sa gutom. Pero ang totoo gusto ko talagang maging writer. Ang sabi nga ng tita ko.. Writing is a hobby not a profession.. LUL nya. Kahit anong mangyari gagawin ko ang gusto ko. Pero bago ako maka graduate ng HS.. naging interesado ako sa politika partikular sa mga batas na umuugnay sa mga gawaing panlabas ng kahit sino mang bansa. Nais kong mag aral ng International Law kung kaya't kumuha ako ng kurso na may kinalaman dito. Foreign Service... asteeeeeeeeg na kurso yan. Dahil sa kursong ito ay nagising ang dugong makabayan na nanalaytay sa aking dugo bilang isang tunay na Pilipino.. naks! Saka dahil sa kursong ito ay nagkaroon din ako ng boyfriend. At higit sa lahat... napukaw nito ang aking damdaming makialam, mang usisa at ipahayag ang aking sarili sa lipunang sinisikil at patuloy na inaapakan ang karapatang pantao ng mga mahihirap at mga mamamayan na hindi nabibilang sa lipunang ginagalawan ng mga ALTA SOSYEDAD. (Asteeeeeeeg.. ano bang hiwaga ang meron dito sa loob ng kwarto ko kapag hindi ako naglilinis??)

Matapos ang ilang taon sa kolehiyo.. ako'y gumradweyt at naghanap ng trabahong naangkop sa aking kursong natapos. Naghanap ako ng isang buwan... isang taon.. isang taon at kalahati.. dalawang taon. Dalawang taon akong nagbabasa ng PUGAD BABOY ni Pol Medina... kung ano anong Komik Strips sa dyaryo sa tuwing titingnan ko ang Classified Ads. At doon ko narealize.. ang buhay ay parang Komiks. Malungkot minsan pero nakakatawa.. Nakakatawa pero malungkot...

Kaya eto ako ngayon... TEAM LEADER sa isang call center... MATABA pero puno ng HUMOR.

1 comment:

Dabo said...

Cheers!

(hopefully hindi pa ako intrusive..)