I was out the whole day with my dad this day (see.. I wasn't supposed to go anywhere because I still have the G measles.) We've been driving from one place to another trying to find a good score on Kratos' body repair. At the end of the day, we ended up asking our neighbor about some work that needs to be done by the end of this month and its a pretty good deal. Since I'm not the only one who owns the car.. I still need A's approval. So the decision will be made some time this week.
While I was sitting in the driver's seat (as my dad was desperately trying to get rid of the nosey hood people around us) I noticed the tall coconut tree miles away. Its been standing there since.. I don't know when. As far as I can remember.. I used to gaze out of the window looking at it when I was young. The tree was my indicator if classes will be suspended the next day. Usually when there's a storm coming, the sinister scenario of this coconut tree bending against the furious wind automatically tells me that I shouldn't bother dressing up for school the next day. It has always been this way up to college.
I stared at the tree for the longest time and it got me to thinking.....
1. Bakit ba uso sa states ang holdapan sa loob ng convenience store? Eto ang madalas na eksena sa mga pelikula nila. Sa series na Desperate Housewives, sa insidenteng ito namatay ang makulit na nanay ng love child ni Doug Savant, yung asawa ni Lynette Scavo. Sa palabas na Prison Break, ito ang dahilan kung bakit nakulong si Sucre. Sa palabas na Heroes, dito pinigilan ni Parkman yung isang holdaper na gustong mang holdap ng convenience store kung saan ay nandun sya at namimili. Sa perlikulang PULP FICTION dito nagtapos ang eksena nang pangaralan at takutin ni Samuel Jackson yung mag on na holdaper na gumawa ng eksena.. hindi nga lang sa convenience store pero sa isang fast food place.
2. Bakit maraming skilled workers ang hinahanap ng ibang bansa at bakit gustong mag abroad ng mga Pinoy? Maayos naman tayo dito sa Pilipinas. Ang nakikita ko lang naman na problema sa mga Pinoy ay ang pagiging maluho nila at kawalan ng disiplina sa paghawak ng pera at sympre kawalan ng disiplina sa pagpaparami ng mga supling. Kasama na rin dito ang pagiging pessimistic sa lahat ng bagay. Pero sino ba naman ako para pangaralan sila? Eh isang dahilan din naman kung bakit hindi tayo maunlad ngayon ay dahil sa maraming nangungurakot sa kung saan mang ahensya ng gobyerno. Opinyon ko lang naman. Ang sabi nga ng tita ng boyfriend ko.. mas umuunlad pa raw ang Vietnam sa ten ngayon.. o kung hindi man.. nagsisimula ng umunlad. Pero sa totoo lang.. 2 years from now baka wala na rin ako sa Pinas. Hindi dahil sa ayoko na dito sa Pinas pero dahil sa dun na titira si Alex 2 years from now. Sympre.. kung may pagkakataon.. dito pa rin ako.
3. Bakit mababa ang dollar pero mataas pa rin ang mga bilihin. 47 pesos ang kada litro ng gasolina na pinapakarga ko sa sasakyan ko.. Kamusta naman?
4. Naghihirap daw tayo pero palaging napupuno ang IMAX theatre sa MOA. Mahirap nga ba ang mga Pinoy?
5. Bakit ang taas ng toll sa Skyway? Pagbaba mo halos ganun din naman ang traffic sa Expressway.. kung gaano ka katagal sa bilis at luwang ng skyway.. ganun din halos ang travel time pag na stuck ka sa traffic pagbaba. Minsan traffic din sa ibabaw ng Skyway.. bakit mas mataas ang singil sa EPASS? eh sa totoo lang kung open yung lahat ng lanes na yun eh wala nang pila pa.. mas mabilis ang usad ng sasakyan.
6. Bakit maraming pinoy ang kumakain sa Friday's? Maiintindihan ko kung mga kano lang ang nandun pero pinoy? Malakas ba tayo kumain? Ang hamburger dun ay 500 pesos (may kasamang fries na kasing laki ng daliri ng isang normal na dalaga) At ang mango shake ay 195 pesos. Practical ba ang kumain dun? O gusto lang nating kumain para masabi ng mga tao na.. Uuuuy.. Fridays.. sosyal ah! Ang pagkain dun ay para sa mga taong kasing laki ni Hagrid.. baket? Baket? Baket tayo kumakain dun?
7. Bakit tayo nagkakape sa Starbucks? Nagigising ba tayo lalo kapag nakita natin kung gaano kamahal ang mga kape nila?
8. Bakit ako antukin? Sa lahat ng pagkakataon.. madalas akong antukin kahit nung bata pa ako. Kapag wala akong magawa sa bahay.. natutulog lang ako 23 hours a day.. minsan napapanaginipan ko pang natutulog ako.
9. Bakit nasa akin pa rin ang isang certificate na nagsasabing MALE HEARTHROB ang ex ko? Hindi ba dapat tinatapon ko na? Bakit nasa akin pa rin? Siguro kasi wala akong time itapon dahil palagi akong natutulog. (Wow.. meron akong nasagot sa mga tanong ko sa wakas.. )
10. Bakit ako may German Measles?
Haaaaaaaaaaay.. hindi ko alam.
Friday, January 4, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment