Tuesday, January 22, 2008

The 110th post

Wala akong maisip na title kaya ayan na lang.

Kanina... All i know is that I have a lot of things to say in this blog entry but then unfortunately for some weird reason I feel lost while logging in to Blogger. I was a bit frustrated to get a cab after work. My feet felt really weary as I stood there waiting for the fucken cab. Nakapambabae pa naman akong damit. Kakainis.

Kanina ulit... sabi ko paggising ko bago pumasok ng trabaho ay matutulog ako ng maaga pag uwi. Pero gising ako ngayon at nag a update ng blog.

Kani- kanina lang.. tumitingin ako sa friendster at nafrustrate.

Kagabi.. sinabi ng close friend ko na tinatanong ako ng dati kong ka MU. At ang sabi nya ay masaya na ako ngayon. Deadma lang ako... pero sana ang wish ko lang ay ako mismo ang nagsabi kay MU. Sasabihin ko na masaya na ako ngayon at nakapag move on... Hindi naniniwala ang close friend ko na kaya kong sabihin. Potashet.

Tiningnan ko ang friends list nya.. aba... nag a update na sya ng Friendster. Natuwa ako.. pero nalungkot ng konti. Hindi na kami magiging magkaibigan ulit. :( Pakiramdam ko mas sobrang ok siguro kami kung naging magkaibigan na lang nung simula pa lang. Pero ganun talaga ang buhay.. para saan pa kung pede mong balikan ang nakaraan at itama ang lahat para sa kinabukasan. Naniniwala akong walang TIME MACHINE. Sino naman tanga ang mag iimbento ng isang makina para makabalik sa nakaraan??? Kamusta naman ang mga dinosaurs???

Kanina bago mag alas syete.. Na frustrate ako dahil wala siyang KRAS sa akin. Kahit crush lang!!! Pero sabi ng kaibigan ko meron daw. Eh para saan pa?? Taken na kaming parehas. Eh ano naman ngayon?? Crush lang naman. Hilakbot. Hindi ba't masaya na kung minsan ay malaman mong mayroong humahanga sa yo kahit mukha kang paa??

Ngayon.. inaantok na ko.

ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz...............

No comments: