Thursday, September 20, 2007

* terror sa QC * (walang maisip na title)

Gumising akong masakit ang ngipin. Alam nyo ba kung baket? Kasi naman tinutubuan ako ng wisdom tooth. OO.. wisdom tooth.. di ko nga alam kung baket eh.. napakabata ko pa para sa second childhood.

Pagpasok ko... muntik akong maiyak kasi nakita ko yung mga taong pumipila sa labas ng Araneta para manuod ng Fall Out Boy. Late na nung nalaman ko na darating sila sa pinas.. nung bumili ako ng ticket.. SOLD OUT NA!!! Sinubukan ko pang tumambay ng saglit sa labas ng Araneta.. naghanap kami ng mga prens ko ng mga scalpers.. pero wala.. wala kaming nakita kaya pumasok na lang ako sa office.. at sila naman ay pumasok ng Araneta. Habang naluluha akong naglalakad papalayo sa kanila.. sinubukan kong i comfort ang aking sarili.. sabi ko.. Di bale.. sa December manunuod ako ng concert ng POLICE. At ngayon pa lang bibili na ko ng ticket.. kung meron nang nagbebenta...

Ok na sana.. pero... umambon....

Nagalit na naman ako kasi naalala ko yung hampaslupang anakpawis na nagnakaw ng payong ko sa office. Taena naman.. andaming nanakawin yung payong ko pa.. di tiklop lang yun.. kung magnanakaw ka dapat yung hindi ka mababasa di ba? Hoy..sa yo na yung payong ko. Skwater!

Bakit ba andaming snatchers sa QC? Grabe... yung isang rep ko nahablutan ng bag tapos na withdraw pa lahat ng pera nya sa ATM.. walang PIN huh?? Pero na withdraw! Pero sana.. sana lang.. aminin sa ken ng rep ko na naisulat nya yung pin nya sa kung saan man sa ATM nya... para naman hindi ako kabahan sa tuwing dala ko yung ATM ko.. sabagay sino namang tanga ang magsusulat ng PIN sa ATM nya mismo di ba?? pero.. parang yung rep ko lang yun kasi eh... hahahhahahahhaha. Pero seryoso.. kawawa sya... kahit na niloloko ko sya na dapat ay rereypin sya kaya lang nakita yung mukha nya sa liwanag kaya bag na lang ang kinuha.. hahhahahahhaha. Sama ko, grabe.

Oh pano?? Ingat na lang kayo.. wag mukhang tatanga tanga sa daan... baka...

mabiktima.

No comments: