Friday, July 6, 2007
.PROUD TO BE PINOY.
Ano nga ba ang mapapala mo sa pagtatrabaho sa ibang bansa? Magandang buhay? Maayos na tirahan? Malaking kita? Hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para makakuha ng american visa? Magpapapako ka rin ba sa krus kagaya ni Robin Padilla? Iiwanan mo ang magulang mo sa HOME FOR THE AGED kapalit ng marangyang buhay na matagal mo nang pinapangarap? Ano ba talaga ang meron sa bansang Amerika?
Kung meron man akong isang ugali na hinahangaan sa mga kano.. ito ay ang kanilang pagiging tapat sa kanilang bansa. PATRIOTISM. Ang laki ng paghanga nila sa kanilang lupang sinilangan. Napansin mo ba? Tingnan mo na lang kung paano sila nagtulungan nung pasabugin ng mga terorista ang TWIN TOWERS. Nakakabilib. Tingnan mo na lang kung paano nila hinahangaan ang mga bagay na kanilang pinaghirapan.. katulad ng SPIDERMAN at iba pang pelikulang imported na trip na trip ng karamihan ng mga Pilipino. Mahal nila ang kanila..mahal ba natin ang sariling atin? Kaya mo bang ipangalandakan sa isang sosyalan na ang sapatos na suot mo ay MADE IN MARIKINA? Kaya mo bang ipagmalaki sa mga kaibigan mo na nakakaaliw si Darna kumpara kay WONDERWOMAN? Malamang hindi.
Bakit nga ba tayong mga Pilipino ay nalolokong magpunta ng Amerika? Halos magmakaawa tayo sa mga consuls sa US Embassy na payagan tayong bisitahin ang kanilang bansa. Sa DFA ba o kaya sa ibang embassies ng Pilipinas sa ibang bansa ay nagmamakaawa rin ang mga banyaga na makatuntong sa bansa natin? Meron ba tayong karapatan na i-deny ang kanilang mga visa at ipagkait ang pagkakataon na mabisita ang Pilipinas? Naririnig din ba ang mga boses natin sa tuwing inaapakan at nililibak tayo ng mga banyagang yan dahil sa bulok na sistema ng ibang tao sa gobyerno natin? O pinapabayaan na lang natin silang insultuhin tayo dahil sa kabulukan ng ibang Pilipino? Wala bang nanliliit sa tin? Wala ba talaga tayong magagawa?
Naapakan ang pagka PIlipino ko nang mapanuod ko ang pelikulang ito. Nainis ako sa mga kapwa natin na nangunguna pa sa pagpintas ng kanilang lupang sinilangan. Naiinis ako lalo dahil totoo ito. Wala pa rin tayong pinagbago. Hindi na nga tayo mga indyo dahil tapos na ang panahon ng mga Kastila pero nakakalungkot isipin na kahit malaya na tayo sa pananakop ng mga banyaga ay naiwan pa rin sa tin ang ugaling INDYO.
Hoy! Pilipino ka... pinanganak sa Pilipinas. Kahit mamatay ka pa sa Amerika.. pilipino ka pa rin. Walang magbabago.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment