"Late last night and the night before,Tommyknockers, Tommyknockers, knocking at the door.I want to go out, don't know if I can,'Cause I'm so afraid of the Tommyknocker man."
- * Hindi halloween ngayon, trip ko lang. Mahilig kasi ako sa mga nakakatakot na palabas at kwento... hindi ko alam kung bakit.. pero yan talaga ang parang bedtime stories ko. TRIVIA: Alam mo ba kung ano ang mga TOMMY KNOCKERS?, malamang hindi mo alam kung hindi ka laki sa ibang bansa o kaya hindi ka nagbabasa ng mga nobela ni Stephen King o kaya hindi ka interesado sa mga bagay na nakakatakot o kaya hindi ka lang talaga mahilig magbasa.. FYI, hindi yan si Tommy HIlfiger. Ang mga TOMMYKNOCKERS ay yung mga taong natabunan sa pagmimina.. alam mo na.. malamang sa MINAHAN di ba? Sila yung mga ligaw na kaluluwa na kumakatok raw sa pintuan sa hatinggabi dahil akala nila bahay nila ang bahay mo. Sympre para mas creepy.. dapat may dala silang lampara. Naisip ko lang.. kung subukan kaya nilang kumatok sa mga pintuan ng mga bahay sa tabi ng riles ng tren.. o kaya sa bahay na HAUNTED HOUSE din.. ano kaya ang mangyayari? Riot ito.
*Unang Clip. Feeling ko babae ang kumuha nito. ano sa tingin nyo? Kung ako siguro ang nagvi video nito ay nagtatakbo na ko at nabitiwan ko na ang cellphone ko. Parang hindi naman kasi tao talaga yung nasa bintana.
*Pangalawang clip. Eto naman.. the FAMOUS BARTON MANSION ghost encounter,nakakatakot pero nakakatawa. Sabi nung administrator ng site.. hindi raw nila masyadong pinansin to nung unang sinabmit sa kanila yung clip kasi raw pwedeng tao lang yun na lumabas sa pinto pero nung pinag aralan nilang mabuti yung clip.. at ni-run ng frame by frame.. na realize nila na yung taong lumabas sa pinto ay may taas na halos umaabot sa 8 pulgada at may hawak na lampara. Nakasuot pa ito ng sumbrero na parang kay Uncle Sam lang. Pwedeng fake to.. pero nakakatakot.. at nakakatawa. Natawa ako dun sa tili nung lalaki.. talagang humabol pa nung malapit ng mag fade yung video. At dahil dito gumawa ng site ang magkapatid na mokong na to tungkol sa mga multo. Maraming nagsasabi na fake to pero kung sa kin mangyayari to.. siguro hinimatay na ko bago ako nakatakbo.
No comments:
Post a Comment