Monday, June 25, 2007
.seryosong usapan 101.
May isang lalaking mapangahas ang isang beses na nagsabi sa kin isang gabi habang nakatayo ako sa isang banda at nagyoyosi.. "Hey, you'll be the perfect chick if you just stop smoking.. " Tiningnan ko sya saglit at pinilit ngumiti sabay hirit ng.. "Dude, thats the wrongest way to hit on a chick." sabay talikod. Gusto ko pa sana ihirit ang paborito kong punchline.. "Is this your idea of small talk?" pero naisip ko na sobrang gasgas na ang linyang ito at baka may nagsabi na sa kanya na madalas ko nang ginagamit ang pambarang hirit na yon at makaisip pa sya ng nalupit na comeback. Ang point ko lang.. saan ka naman kukuha ng lakas ng loob para kumprontahin ang isang tao sabay sasabihan mo ng ganun? Sa iba siguro..cute ang ganung idea.. pero sa mga taong tulad ko.. nakakaburat yun. O baka wrong timing lang sya.. ewan ko. Nag iisip kasi ako nun at nalulungkot dahil isa isa nang nag aasawa yung mga close friends ko. Hindi ko na sila makausap ng USAPANG SIRAULO.. lahat sila seryoso na.. mga seryosong plano sa buhay ng isang taong nagpapamilya. Tama ang sinabi sa kin ng konsensya o siguro yung imaginary friend kong si ESTOY na wag muna akong magche check ng friendster account dahil siguradong malulungkot lang ako. Eh ang siste.. dahil bored ako kahapon.. nag check pa rin ako. Nakita ko tuloy yung bestfriend ko na bagong kasal. Masaya naman ako dahil masaya sya dun sa mga pictures nya.. halatang in love. Pero natakot rin dahil hindi ko hawak ang emosyon nya o nung pinakasalan nya.. sa bandang huli kung magkakasakitan silang dalawa.. hindi ko sya kayang protektahan. Drama noh? Pero sa totoo lang nape pressure kasi ako pag may umiiyak sa harapan ko.. hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko masabi kung ano yung nasa isip ko.. dahil alam kong makakasakit ang mga bagay na totoo... at dahil ganun ako palagi.. hindi ko kayang balewalain ang mga bagay na totoo. Masakit man isipin pero may mga bagay talagang hindi natin kayang kontrolin. Mga desisyon na nakabase lahat sa damdamin.. puro ganun lang.. walang malupit na pagmumuni muning naganap.. basta gusto mo lang.. bahala na.
Dati.. hindi ako naniniwala sa SECOND CHANCES. Pero naisip ko na maraming beses na akong nakaranas ng mga pangyayari na kailangan ko ng pangalawang pagkakataon pero hindi na maari.. at sa mga sandaling yun.. naisip ko kung gaano ako kalupit sa iba. Dun sa mga taong hindi ko binigyan ng second chance. Mahirap tanggapin na nagpatuloy ako ng hindi iniisip ang damdamin ng iba. Kung minsan naiisip ko rin kung ano nga talaga ang nangyari kung hindi ako naging madamot at binigyan sila ng isa pang pagkakataon. Hindi ko kasi kayang masaktan ng maraming beses. Tama na yung isa.. pag walang nangyari.. hindi talaga para sa kin. Ganito ako mag isip. Sa paraan na ito ko lang alam kung paano ko mapoprotektahan ang aking sarili.
Maraming beses sa tuwing makakakita ako ng bagong mamahalin.. madalas kong itanong sa kanila.. BAKIT MO AKO NAGUSTUHAN? May mga nagsabing dahil sa masaya akong kasama, dahil sa matatag ako kahit anong mangyari, dahil sa kaya kong harapin ang bawat sitwasyon na hindi hinahaluan ng emosyon, dahil sa maayos akong mangatwiran sa mga bagay na hindi nila kayang ipaliwanag.. dahil sa... Kung mamahalin mo ba ang isang tao.. kailangan ba talagang may rason? Kailangan ba kaya mong ipaliwanag ang nararamdaman mo na parang isang SCIENCE QUESTION na kailangan ay memorized mo ang bawat linya? Paano kung wala kang makitang rason? Mahal mo nga ba talaga ang taong yun? Masaya akong kasama dahil ayokong mawala ang atensyon sa kin ng isang tao.. isa itong bagay na kailangan kong gawin. Hindi ito natural. Kailangan kong maging masaya para sa yo.. kailangan kong maging matatag para may pagkukunan ng lakas ang mga taong nakapaligid sa kin.. kung magpapakita ako ng kahinaan.. masasabi mo pa rin ba na gusto mo yun? Kailangan kong ipakita na na marunong akong magdesisyon na gamit ang isip ko at hindi emosyon dahil para yun sa mga bagay na alam kong makakabuti sa yo.. tinanong mo ba ako kung nasasaktan ako? Ang mga bagay na minahal at nagustuhan mo sa kin..ang lahat lahat yun ay hindi ako. Kaya madalas lumalakad ako ng palayo.. kahit masakit.
Bawat tao kailangan nila ng taong magmamahal sa kanila. Yung mga taong nagmamahal ng walang dahilan. Yung mga taong kapag tinanong mo kung bakit nila mahal ang kasama nila..wala silang masagot kundi BASTA.
Sa mga taong iniwan ko dahil hindi nyo ako pinili.. hindi talaga yun ang dahilan. Umalis ako dahil hindi nyo alam ang salitang paninindigan.. kung ako ang pinili nyo.. mamahalin ko kayo ng buong buo.
Sa mga taong iniwan ko dahil wala tayong pinatunguhan.. hindi ako kayo lumayo dahil hindi ko kayang maghintay. Umalis ako dahil naniniwala ako na hindi pinag iisipan ang pagmamahal.
Sa mga taong minahal ako ng buong buo.. iniwan ko kayo dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal nyo. Bagay na alam kong hindi patas kung magiging masaya kayo sa iba na mamahalin kayo katulad ng pagmamahal nyo sa kin.. isang bagay na hindi ko kayang gawin.
Sa mga taong minahal ko ngunit hindi ako kayang mahalin.. tumalikod ako dahil alam kong magiging masaya ako sa iba.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
hi kellie.. i really like this blog.. wla lng.. sobrang nkkrelate me sa mga situation... and sobrang strong n din me ngyon.. n dati eh.. lagi n lng umiiyak at iniiwan ng mga taong minahal mo ng totoo pero di k nmn pinahalagan.. drama ba... ang galing mo tlga.. sna mbsa din ng iba yan pra nmn matauhan ang dapat matauhan... hehe.. tma ba? ingat lagi! Godbless! dhorieblue
Post a Comment