C: Eh baket ba gumagawa pa ng movies yan si M.Night Shymalan eh sobrang boring naman ng mga movies nya.. except for Sixth Sense I guess.. medyo ok yun.
DQ: Ano ka ba.. sa lahat kaya ng ginawa nyang movies.. Sixth Sense ang may pinakamababaw na substance. Click lang yun film kasi nakakatakot..
C: Weh.. substance substance ka pa dyan..ambaduy baduy nga ng Lady in the Water eh..
DQ: Engot! Palibhasa kasi hindi ka marunong magbasa ng metaphors eh.. asteg kaya yun.
C: Lul.. wag ka nga pa deep..
B: O sige nga.. kung magaling ka sa metaphor.. anong metaphor ang sini symbolize ng mga aliens ni Shymalan sa THE SIGNS?? Sige nga??!
DQ: Something strange and unfamiliar in our lives that we refused to connect with.. yung mga bagay na hindi natin kayang tanggapin dahil hindi natin kayang ipaliwanag.. yung mga pagkakataon na kinatatakutan nating harapin pero hinaharap pa rin ng buong tapang kahit na hindi natin alam kung anong....
C: Weeeeeeeeeeh.. wag ka na. Nag iimbento ka na naman eh.. Eh yung mga multo sa THE SIXTH SENSE.. anong metaphor nun..sige nga kung mahusay ka..
DQ: Taena nyo.. niloloko nyo ba ko?
B: Di ah.. galing mo nga eh. Naiisip ko tuloy kung meron talagang mga natatagong metaphors sa mga movies na napapanood ko.. katulad ng...(matagal na katahimikan)...
DQ: Ng ano???
C: Alvin and the Chipmunks...
B: HAHAHAHHAHAHHAHHAHAHAHHA... alam ko pwre.. alam ko metaphor nun.
C: HAHAHHAHAHHAHAHHAHA.. yung mga chipmunks ba yung sumisimbolo sa isang pulutong ng mga makukulit na unano??
B and C: HAHHAHAHHAHHAHAHHAHAH.. Nice one, pare. Ang galing mo!!
C: Pero hindi hindi tsong.. yung mga chipmunks yung sumisimbolo nung mga babaeng boses pekpek pero adorable naman.. kaya lang clingy saka nakakainis na minsan yung pagka sweet. Hassle mga yun...
B: Ang galing mo tsong! Anong hiwaga ba ang meron sa San Mig Light at talagang napapaisip tayo ng ganito kalupit? Akalain mong nabigyan mo ng metaphor sina Alvin, Simon at Theodore?? Angas ka!!
DQ: Putangina nyo!! Kayo magbayad ng beer nyo.. letse!
C: Hey teka, pretty! Meron pa kaming naisip.. bibigyan daw ni B ng metaphor yung Shark's Tale! saka Finding Nemo.. bibigyan namin ng metaphor si Nemo!! Wui.. wag kang umalis!!
DQ; Taena nyo.. ang tatanda nyo na nanunuod pa rin kayo ng pambatang flicks. Letse aalis na ko.
B: Si Dora.. anong palagay mo kay Dora?
C: Tsong Teodora ba ang totoong pangalan ni Dora?
B: Huh? bakit Teodora??
C: Kasi yung opening.. Tsu.. Tsu.. Tsu.. Tsu.. Tsu--doraaaa.. yung opening nung jingle song sa umpisa..
B: Di ko alam eh.. pero ano bang klaseng unggoy si Boots? Bakit mas maputi pa sya kay Dora??
And so on.. an so forth.. haaaaaaaaay...
Sunday, June 15, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment