Monday, May 19, 2008

Hindi ako naniniwala sa kulam, barang at iba pang mga bagay na hindi maipaliwanag ng siyensya... hanggang sa magising ako isang araw at mapansin sa salamin na nginitian ako ng isa kong tighiyawat. Taenang mga tigyawat to.. parang may sariling utak. Para lang sila yung mga bibong kamatis sa ATTACK OF THE KILLER TOMATOES. Nagsasalita.. nagbibigay ng opinyon.. nagrereklamo sa tuwing pinapansin ng mga taong mahilig mamintas. At higit sa lahat.. pumipila sa isang kakaibang formation. Nung isang linggo lang nakasalansan sila sa aking kaliwang pisngi at bumuo ng letrang J. At nang matapos sila sa kabilang pisngi ay lumipat sila sa kanan at pumila na parang number 7 lang. Sinasabi ko sa inyo... may utak yung mga pimples ko.

Wala sa lahi namin ang pimpulin. Hindi rin ako tinighiyawat nung teenager pa ko.. hindi kahit kelan. Ngayon lang. Sana ay binalaan man lang ako ng aking lolo na kapag tinighiyawat pala ang isa sa mga lahi namin ay talaga namang malala. Grabe. Agaw pansin. Muntik ko ngang sampalin yung isang kaibigan ko na seryosong nagtanong kung kagagaling ko lang daw sa bulutong. Wala na lang akong nagawa kundi halos mapaiyak at ipagdasal na sana ay maging isang pesteng kurikong sya sa kanyang next life.

Sino ba naman ang hindi maco conscious kapag tinubuan ka ng pimple na parang puputok sa tuwing magtataas ka ng boses? Halos isang buwan din akong nanalangin na sana ay huwag kong makita ang crush ko sa hallway dahil baka bigla na lang akong gumawa ng eksena at pumutok lahat ng pimples ko sa sobrang kilig. Ilang araw na akong naglalakad ng nakayuko. Ngayon alam ko na kung anong feeling nung mga babaeng nasa commercial at nagsasabing.. "Oh no! Ang laki ng pimple kooooooooooo..."

Lahat na nasubukan ko.. pero ang sabi ng dakila kong dermatologist ay dala lang daw sa stress ang pimple break out ko. Subukan ko raw mag isip ng mga bagay na relaxing at huwag daw akong gagamit ng press powder na nagsu suppress ng oil sa mukha. Nata trap daw kasi yung oil at nagiging pimple.

Eh puta... kelan pa kaya mawawala to?

Hindi kaya.. nagsisimula na??? Baka isa itong pangitain...

Sa aking isang malupit na transformation....

TAENA.... AYOKONG MAGING PIMPOL!!!!!!!!!!!!!!!

2 comments:

Jigen Riztag said...

Hi,

I do not believe in kulam either. If Kulam is true, then the people of the Republic of Siquijor and those who practiced it could have employed it in killing the Japanese forces that invaded your country. Get the point? Hehehe,

When it comes to pimple problems, Belo Medical Group is the answer.

Jigen

silver rain said...

i really like the way you write....congratulations....may your tribe increase.