Wednesday, September 12, 2007

* Muy Pepito.. *

Nakasalubong ko yung isang long lost pren ko kanina. Pauwi na ako ng bahay.. papasok pa lang sya. Sa totoo lang.. ayoko talaga siya makasalubong kasi medyo mahaba haba din ang lalakarin ko pauwi.. at alam ko na habang nilalandas ko ang daan pauwi sa amin ay iisipin ko ang mga nakakatawang memories namin nung isang taon.

Nung isang taon.. some time last year.. nung single ako.. may pina date ang pren kong ito sa ken. Pinsan nya na kakagaling lang ng Spain. Half Filipino, half chinese.. hahahhahaha.. joke lang. Spanish naman. Itago na lang natin sya sa pangalang Pepito. (Hahahhaha!) Kakatawa talaga. Taena.

Unang date pa lang namin ni Pepito (group date ito).. alam kong hindi na kami click. Eh paano ba naman.. nung one time na nagkukwento sya ng tungkol sa salsa.. magkaiba pala kami ng iniisip. Sabi nya...

P: I think salsa is really hot. A lot of people like it.
DK: Yeah. I like putting hot salsa in my quesadillas.
P: Huh?
Pren#1 : (pabulong) Tsong, mali ang sinasabi mo. Hindi kayo nagkakaintindihan.
DK: Eh ano ba?
Pren#2: Salsa, pwre. Yung sayaw.
DK: (pabulong) Eh tanga pala to eh. Wala bang Hot Salsa sa Spain? Sa Tacomio nga meron.
Pren#1: Nakakahiya ka tsong. Ibahin mo na lang yung usapan.
DK: (pabulong ulit) Ano sasabihin ko?
Pren#1: Tanong mo kung kakilala nya si Marimar.
DK: Taena mu.

Nung sumunod na niyaya nya akong lumabas, sabi nya family reunion daw. Hindi ako sumama kasi sa isip ko baka kamukha ng lola nya si Armida Siguion- Reyna... tapos paulit ulit na nagpe play sa utak ko yung commercial ng Ponds kung saan pinakilala ng isang lalaki yung girlfriend nya sa isang dinner... tapos biglang nag comment yung matapobreng nanay sa wikang Espanyol.. tapos nag espanyol din yung babaeng gumagamit ng Ponds. Eh kamusta naman? Kung ako yun eh baka ipagtabuyan pa ko ng nanay nya na parang sa commercial lang nung ano nga bang gamot yun? Neozep ba? Dein ko alam.. pero ganun yung mga iniisip ko nung panahon na yun. O di kaya.. sisigaw yung lola nya pag nakita ako na kasama nila sa hapag kainan ng.. INDYO!!! INDYO!! SINO ANG NAGPAPASOK SA INDYONG ITO???!!!

Pero sympre hindi naman ako magpapatalo kaya nag research ako. Aba.. nakisali ako sa mga maliliit kong pinsan na nanonood ng Dora. Meron din naman akong natutunan na spanish words. Katulad ng.. abuello, abuella, casa, uno, dos, tres, kwatro.. pero naisip ko na para magmukhang smart ako pag kausap nya kung maisasaulo ko na lang ang kantang MACARENA tapos ire recite ko sa harapan nya ng mabilis na parang nagagalit lang.. pero..pero.. hindi ko ginawa. Unang una.. nung sinubukan ko.. nagkakaroon ng tono. Kahit anong gawin ko ay parang kinakanta ko lang talaga.. mukha akong tanga. Dein na lang.


No comments: