Thursday, July 12, 2007

.drama 101.


Hindi ko to kayang sabihin sa yo kaya dito na lang. Ang labo mo talaga. Kung kelan masaya na ko saka ka naman nagpaparamdam. Hindi kita tinalikuran dahil trip ko lang.. ang lahat ng bagay na ginawa ko ay may dahilan. Lumayo ako dahil gusto kitang bigyan ng pagkakataon para harapin ang iyong mga desisyon at panindigan ito. Hindi ako gumagawa ng desisyon para saktan ka.. at makasakit ng ibang tao.. lahat ng yun.. pinag isipan ko. Alam ko na hindi ka masaya.. nararamdaman ko yun.. pero hindi kita tinanong kahit minsan dahil alam kong magsisinungaling ka. Marahil alam mo na.. na may iba na.. wag mong sasabihin na mabilis dahil sa bawat pagkakataon na kinakalimutan kita.. naging malungkot ako. Dumating lang talaga ang pagkakataon kung saan pinili kong tapusin na ang mga drama at magpatuloy ng wala ka. Hindi kita tinanong kung bakit sa isang iglap ay nawala ka... basta ang alam ko lang.. inintindi kita. Kahit masakit. Ito ang dahilan kung bakit nakawala ako sa lungkot ng hindi nagagalit sa yo. Hindi ako perpektong tao..aaminin ko na maraming beses akong naging mahina sa yo.. maraming beses na nalito pero nung mawala ka.. naisip ko matapos ang walang katapusan na pag iisip na minahal natin ang isat isa kahit wala tayong pagkakataon na aminin ito.. Huwag mo akong sumbatan. Huwag mo na akong pilitin na magbalik pa.. dahil tapos na ang lahat. Masaya na ako ngayon. Hindi nga lang sa yo pero sana maging masaya ka para sa kin bilang kaibigan ko... dahil naging masaya rin ako nung mga sandaling sya ang pinili mo kahit alam kong ako ang mahal mo.

No comments: