Ang tagal kong nawala.. pero wala pa rin nagbabago.
Ako ay BUSY. OO, busy. Walang internet sa kabilang buhay.. kaya hindi nakapag blog ng matagal.
Pero eto na ko ngayon..
Naniniwala na ako sa mga bagay na akala ko ay walang kwenta dati.. katulad ng prediction ni Nostradamus na magkakaroon ng isang black president ang US..
2. Magmumukha kang ULINGLING kapag nagsuot ka ng neon pink, shocking orange at neon green na kulay kapag balat muro-ami ka.
3. Naniniwala akong romantiko pala ang mga intsik matapos akong makapanood ng mga taiwanese dramas gaya ng WHY WHY LOVE, DEVIL BESIDE YOU, HANA KIMI at kung ano ano pang chinovela na ipinalalabas nila sa Channel 2 at 7. Akala ko ay talagang business minded lang sila. Magba blog ako tungkol dito pero etong piece muna na to ang aasikasuhin ko.
4. Naniniwala din akong mas malakas ang appeal ng isang tao kung ang mukha nya ay kasing puti ng mukha ni POWDER. (Ex. Edward Cullen ng Twilight Saga, hit na hit ang promotion ng pelikula kahit na mababaw ang istorya at walang substance.. at mukhang nakipagdigma sa GIANT arina ang mga bida)
5. May mga multong made in Japan kagaya ng bayolenteng multo sa 2nd floor washroom ng office ko na pinangalanan naming ATSI. Akala ko kasi dati mahilig lang silang magparamdam.
6. Ang halloween party ay madalas sinasamantala ng mga bading na matagal ng nagpupuyos ang damdamin na gumet-up ala PARIS HILTON, BEYONCE KNOWLES, centaur, DYOSA, EFFIE WHITE ng Dreamgirls at kung sino sino pang celebrity na kapag ginaya mong magdamit sa regular na araw ay kukuyugin ka ng mga holdaper, exhibitionists at mga pulis.
7. Na walang nagagawa ang friendster, tagged, my space, facebook at kung ano pang mga anik anik, kundi ang pasamain ang loob mo sa tuwing makikita mong mas successful ang buhay ng uhugin mong classmates kesa sa yo.. at mayaman na ang pinakatanga mong kamag aral dahil nakapag asawa ng amerikanong kasing laki ni Triple H.
8. Na may mga taong kakausapin at makikipag kwentuhan sa 'yo para makalibre ng yosi, lighter, kape at candy.
9. Na kahit ilang 4-G, Myra-E, Extraderm, Belo products, Fit and Right,at malunggay capsules ang laklakin ng isang babae ay hinding hindi sila magiging kamukha ni Bea Alonso,Eula Valdez, Kristine Hermosa, Mariel at kung sino sino pang mga endorsers. Nag try yung isang friend ko na mag take ng 4-G capsules ng 3 buwan at ang resulta ay naging kamukha nya si Malou De Guzman aka "Dugong" ng teleseryeng Marina.
10. Na talagang hugis polar bear yung dati kong dine date. Ayaw ko pang maniwala dati pero nung nakita ko sya ulet.. napa atras ako at muntik malulon ang sigarilyong niyoyosi dahil totoo ngang.. isa syang MAAAAAANSTERRRRRRRRRRR size. Pero naisip ko baka naman talagang chubby lang sya dati...sabi ko naman sa inyo, mahilig talaga ako sa matatalino. Mabigat din ang utak nun..pero hindi nya ko pinansin at hindi ako nagtangkang lumapit dahil baka bigla nya akong dambahin at lulunin ng buong buo.. mukha syang kumakain ng mga bata..hindi sanggol kundi mga grade 4 students.
Ayan.. nagbalik na ko... handami ko pa lang na realize nung mga sandaling nagbabakasyon ako sa kabilang buhay.
Happy Day, people!! :)
Wednesday, November 12, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)